Ang bawat mag-aaral ay ipinagkatiwala sa amin, hindi lang ng mga magulang kundi higit sa lahat ay ng Diyos. Pananagutan namin sa Diyos, sa pamahalaan at sa pamilyang kinabibilangan ang pangangalaga sa kanila. Pagkatuto sa kaisipan, pakikipagkapwa tao, pakikibahagi sa lipunan at pagtitiwala sa Diyos ang aming hatid sa bawat isa.