Licerio Antiporda Sr. National High School educational map gives data on the current enrolment of the school and assigned teachers to each feeder barangay.
Licerio Antiporda Sr. National High School.... Bringing Excellence in Education for Lifelong Learning
Licerio Antiporda Sr. National High School educational map gives data on the current enrolment of the school and assigned teachers to each feeder barangay.
WELCOME TO LICERIO ANTIPORDA SR. NATIONAL HIGH SCHOOL-MAIN WEBSITE
"Message from Principal on Alternative Delivery Mode"
Ang SY 2020-2021 ay isang hamon sa ating Kagawaran ng Edukasyon dahil sa epekto ng pandemya na dulot ng COVID-19. Sa kabila ng mga suliraning ito, ang administrasyon at kaguruan ng Licerio National High School- Main ay nakasisiguro na bibigyan ng balanse ang pagbibigay ng de-kalidad na edukasyon at ang pag-aalaga sa kapakanan at kalusugan ng bawat isa.
Ang aming paaralan ay naglulunsad ng komprehensibong Learning Continuity Plan basa sa alituntunin ng DepEd SDO- Cagayan na siyang tutugon sa mga hamon sa pagsasaayos sa kurikulum, pagkakahanay ng mga materyales sa pagkatuto ng mga mag-aaral gamit ang Self-Learning Modules, Learning Activity Sheets at mga online resources. Nakasaad din sa School LCP ang napakahalagang ginagampanan ng mga magulang, at patuloy na suporta ng barangay community leaders, LGU, at iba pang stakeholders.
Sa hanay ng aming administrasyon at kaguruan, ipinapangako namin ang patuloy na paghahatid ng abot-kaya, de-kalidad, mapagpalaya at ligtas na pangunahing serbisyo sa edukasyon sa panahon ng pandemya.
Sa aming mga stakeholders, hinihikayat namin ang inyong pakikiisa na patuloy na isabuhay ang diwa ng bayanihan. Ang aming paaralan ay nakahanda sa mga tulong pinansyal at material na bagay na mga kakailanganin sa pag-iimprinta ng modules at learning activity sheets, pagpapanatili ng kalusugan ng bawat empleyado at kaayusan ng aming mga pasilididad sa pagsugpo ng COVID-19. Sa aming mga mag-aaral at mga magulang, hindi ito ang oras upang pairalin ang pangamba, takot at pag-aalinlangan bagkus ay ipagkaloob sana natin ang pag-unawa, pagmamahal at suporta sa programa ng ating kagawaran upang maihatid ang karunungan sa ating pamayanan.
Harapin natin ang bagong normal ng may tapang pero may pag-iingat. Suportahan natin ang mga alternatibong pamamaraan ng pagpapatuloy ng edukasyon sa gitna hinaharap na krisis. Kami sa Licerio antiporda Sr. National High School- Main ay patuloy na magiging matatag sa paghahatid ng edukasyon sa ating mga mag-aaral sa gitna ng pandemya.
Ipinapangako namin ang paglaan ng aming oras, serbisyo at kasanayan para sa reporma ng edukasyon ng ating lipunan. Susuportahan namin ang buong pagsisikap ng pamahalaan lalo na ang Kagawaran ng Edukasyon tungo sa patuloy na paghilom ng ating bansa.
Manatili tayong mangarap at manalangin sa panginoon para sa ikakagaling ng bawat isa sa atin. Tayo ay patuloy na nagbibigay ng serbisyo upang maihatid ang edukasyon sa. Tayo ay magtatagumpay at gagaling kung may pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat isa sa atin.
Maraming Salamat at Mabuhay ang Kagawaran ng Edukasyon!
WELCOME TO OFFICIAL WEBSITE OF LICERIO ANTIPORDA SR. NATIONAL HIGH SCHOOL
Announcement
Retrieval and Distribution
3rd Quarter Summative examination is scheduled on
Faculty Meeting is scheduled on
Deped urges personnel in higher priority groups to register for covid 19 vaccination
Covid Vaccination
Meeting with SBM Taskforce
Upcoming Events
Connect with Us
Featured Videos
Affiliation Links