REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOL DIVISION OF BULACAN
LAGUNDI ELEMENTARY SCHOOL
Tara na! Tayo na! Mag-Brigada Eskwela na.
Ang mga guro ng Lagundi Elementary School ay puspusan ang paglilinis at pagsasaayos ng kani-kanilang mga silid, upang maihanda ang mga ito sa nalalapit na pasukan sa Agosto 22, 2022. Ang "Brigada Eskwela" ay nagsimula nitong Agosto 1, 2022 at magtatapos naman sa Agosto 26, 2022. Ang lahat ng mga gawain sa paaralan ay higit na napagaan dahil sa pagtutulungan ng mga guro sa pangunguna ng aming Punong Guro, Dr. Judith P. Dangca, Brigada Eskwela Coordinator Mrs. Ma Thelma P. Cruz, LGU, PTA Officers, SPG, YES-O, at mga volunteers na naglaan ng napakahalagang oras upang suportahan ang brigada eskwela.
Ang aming taus-pusong pasasalamat sa lahat ng nagpaabot ng tulong at mga nagbigay donasyon upang maisaayos ang paaralan at ang bawat silid nito sa nalalapit na pasukan. Patuloy parin ang aming paanyaya sa lahat na, tara na! tayo na! mag-brigada eskwela na buhayin natin ang bayanihan sa ating sintang paaralan.