BOY SCOUT
BOY SCOUT
KASAMA SA IISANG DISTRITO: JPJMNHS nag-ambag ng 6 iskwats sa lupon ng Distrito III para sa Council Jambo
Para tumulong sa pagbuo ng mga Scouts Outfits ng Distrito III at V, nagpadala ng 6 na iskawts ang nasabing paaralan sa pagsalang nito sa 35th Council Jamboree nitong Nobyembre 30 hanggang Disyembre 3.
Kaisa nito sa layunin ng pagsabak ang Saniel Cruz National High School, Kalaisan National High School, Lanao National High School, at Notre Dame of Kidapawan- IBEd.
Bumuo ng dalawang outfit ang nagkakaisang distrito na nabigyan ng mga pagkilala ng Cotabato Council kasama na rito ang mahusay na pagganap sa Back to Basic Drill na nagdala sa Top 5 sa pamumuno ng Notre Dame of Kidapawan bilang may pinakamaraming delegasyon sa distrito.