Date Posted: November 12, 2018
ENRICO ARTHUR S. DIAZ III a grade 12 student of Jesus Dela Peña National High School won 1st Place in Computer Systems Servicing during the 7th Division Technolympics held at Fortune High School last November 9, 2018.
Date Posted: November 09, 2018
Ni: Maru U. Panganiban
Nagsimula na ngayong araw ang pag-eensayo ng mga mag-aaral mula sa ikasiyam at ikasampung baitang na kakatawan para sa taunang “REHIYON-REHIYON FESTIVAL” ng ating lungsod. Kahapon, ika-8 ng Nobyembre ay sinimulan na ng mga gurong tagapagsanay ang pagpili sa 50 mga mag-aaral. Mula sa 100 nag-audition, 50 lamang ang kinuha para sa pagsasayaw at ang natirang 50 ay inilaan para maging props-men.
Ang pag-eensayo ng mga mag-aaral ay sa mga araw lamang ng kanilang online na klase at ito ay ang mga araw ng Lunes, Miyerkules at Biyernes sa ganap na ika-7 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon. Ang iskedyul ng kanilang pag-eensayo ay hindi makasisira sa kanilang pag-aaral dahil ang mga kalahok ay pawang mga eLearner.
Ang festival na naitalaga sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Jesus Dela Pena ay ang “Lapay Bantigue Festival” mula sa rehiyon 5, sa lalawigan ng Bikol. Ito ay ipinagdiriwang tuwing ika-30 ng Setyembre sa probinsya ng Masbate. Ang sayaw ay sinasabing binuo ng nagngangalang “Lola Felisa” habang ginagaya niya ang galaw at kilos ng isang “seagull” o kilala sa kanila sa tawag na “lapay”. Ito ay kinilala ng Cultural Center of the Philippines bilang isa sa mga folk dance ng bansa. Gayon din, ito ay kinilala noon pang panahon ng pananakop ng mga Espanyol.
Sa taong ito, ang rehiyon-rehiyon festival 2018 ay gaganapin sa ika-8 ng Disyembre kasabay ng pagdiriwang ng anibersaryo ng lungsod ng Marikina.
Date Posted: November 05, 2018
Muling nagsagawa ang paaralan ng "Earth Quake Drill" sa pangunguna ng NDRRMC koordineytor, G. Derik Dacut. Ang gawaing ito ng paaralan ay para sa paghahanda ng mga mag-aaral at mga empleyado sa mga hindi inaasahang mga kalamidad at mga insidenteng nagaganap ngayon sa iba't ibang panig ng bansa.
Dito, paulit-ulit na pinatitimo sa mga mag-aaral ang ugaling "duck-cover-hold" at ang kalmado at mabilis na paglisan sa mga lugar kung saan sila naroroon.
Date Posted: October 31, 2018
By: Cristina S. Barde
Jesus Dela Peña National High School emerged as champion in Sineliksik (Media Arts/Film Making) Division Festival of Talents held at Concepcion Elementary School on October 10, 2018.
Enrico Diaz III of 12 Oracle, Robin Arthur Ledesma and Glen Dancel of 11 Lynx comprise the team that represented JDPNHS under the mentorship of Mr. Ejay Cena, Art Club Coordinator. With the theme, “Be an Inspiration,” JDPNHS landed on first place, followed by Sta. Elena High School and Marikina Science High School, second and third place respectively.
“It doesn’t matter if we win or lose, all that matters is we enjoyed the ride. It’s already a blessing for us to be able to compete and represent the school,” the boys stated happily.
Date Posted: October 08, 2018
Ni: Maru U. Panganiban
Isang makasaysayang “ribbon cutting” ang ginanap noong ika-22 ng Setyembre kasabay ng paggunita para sa ikaapat na taon ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Jesus Dela Peña. Ito ay dinaluhan ng mga opisyal ng lungsod ng Marikina sa pangunguna ng butihing Mayor Marcy at ng punong barangay na si Kapitan Ariel Lazaro kasama ang dating ama ng barangay na ngayon ay konsehal, Kon. Manny Sarmiento, mga Sangguniang Kabataan, GPTA, mga mag-aaral at guro, ang masigasig na tagapamanihala ng mga paaralan sa lungsod ng Marikina na si Bb. Sheryl Gayola at ang ama ng eLearning sa Marikina at ngayon ay nagsisilbing OIC ng paaralan na si G. Joseph T. Santos.
Samantala, pagkatapos ng inagurasyon ay ang panunumpa ng mga GPTA para sa kanilang panunungkulan para sa taong 2018-2019. Ito ay sa pamumuno ng nahalal na bagong pangulo ng GPTA na si G. Nathaniel Alvarez.
Pagkatapos ng programa, inisa-isa ni Mayor Marcy ang ilan sa mga plano niya na ibibigay-tulong sa paaralan. Ilan na rito ang pagbibigay ng 16 Smart TV na ilalagak sa lahat ng silid-aralan, ang pagtatanim ng mga fire tree, at ang bagong sound system. Ilan lamang ito sa napakaraming biyaya na natanggap ng paaralan mula sa pinakamamahal na ama ng lungsod ng Marikina.