Gabihan High School Limited Face-to-Face Day 1
(April 04, 2022)
𝗧𝗜𝗚𝗡𝗔𝗡: Ngayong araw ika-4 ng Abril, matagumpay na naisagawa ang Limited Face-to-Face Classes sa Gabihan High School.
Ang pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral ay hudyat ng isang matagumpay na pakikipaglaban sa pandemya. Sinigurado ng ating paaralan ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagsunod sa minimum health and safety protocols.
#DepEdTayoGabihanHighSchool
#DepEdTayoBulacan
𝗔𝗡𝗡𝗢𝗨𝗡𝗖𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧
𝗘𝗮𝗿𝗹𝘆 𝗥𝗲𝗴𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗳𝗼𝗿 𝗦.𝗬. 𝟮𝟬𝟮𝟮-𝟮𝟬𝟮𝟯
March 25-April 30, 2022
Bilang paghahanda sa pagbubukas ng SY 2022-2023, ang mga paaralan ay magsasagawa ng "Early Registration". Inaanyayahan ang mga magulang (guardian) na magpalista:
Grade 7: Mga batang nakapagtapos ng elementarya sa S.Y. 2021-2022 (Mga batang grade 6 ngayon).
Photocopy ng PSA Birt Certificate.
No PSA Birth Certificate: Magpasa ng photocopy ng alinman sa sumusunos: (NSO Birth Certificate/Local Live Birth/ Barangay Certification/ Late Registration Form.
Mahalagang paalala na ang mga papasok na Grades 8-10 ay pre-registered na at hindi na kailangang mag-early registration.
Siguraduhing sumunod po tayo sa safety protocol ng ating paaralan.
Maraming Salamat po.
"Sa pag-iwas sa sunog, 'di ka nag-iisa!"
Ang Gabihan High School sa pangunguna ng school's OIC, Mrs. Jennifer S. Estabillo ay nakikiisa at sumusuporta sa patuloy na kampanya ng Bureau of Fire Protection o BFP partikular na sa buwan ng Marso na iangat at palawakin pa ang antas ng kaalaman at kakayahan ng bawat isa tungkol sa kung paano maiiwasahan ang sunog dulot ng mapaminsalang apoy lalo na sa panahon ng tag-init.
Tandaan na walang malaking apoy na aapulahin, kung mag-iingat at iiwas sa anumang sanhi nito ang bawat isa sa atin.
#DepEdTayoBulacan #ParaSaBata #ParaSaBayan
TINGNAN: Nakiisa ang Gabihan High School sa pagsasagawa ng First Quarter National Simultaneous Earthquake Drill bilang tugon sa panawagan ng Civil Defense PH na maging handa at unahin ang kaligtasan sakaling mangyari ang 'di inaasahang lindol.
Pinangunahan ni Gng. Jennifer S. Estabillo, OIC ang pag-DUCK, COVER, AND HOLD kasama ang mga guro at kawani ng paaralan kaninang alas nuebe ng umaga.
#HandaSaPanahonNgSakuna #1stNSED2022
ANNOUNCEMENT
Division Memorandum No. 14 s. 2022:
Academic Ease, Suspension of Classes, and Other Teaching-Related Activities amidst COVID Surge Threat | January 14-27, 2022
Keep Safe everyone!