(Unang Araw ng Unang Linggo)
I. Panimula
Noong nakaraang aralin ay inyong nalaman ang mga gawain na nagpapakita ng pagmamahal at
pakikibahagi sa pandaigdigang pagkakaisa. Ang mabuting pagkamamamayan ay naipapakita sa pagsuporta
at pagtupad sa mga batas sa pambansang pagkakaisa.
Ikaw, paano mo maipapakita ang pakikiisa at pagmamahal sa ating bansa?
Sa araling ito ay iyong mapapatunayan kung paano nagpapaunlad ng pagkatao ang ispiritwalidad.
Halimbawa nito ay maliliwanagan ka na ang ispiritwalidad ay ang pagkakaroon ng mabuting pagkatao
anuman ang paniniwala at ang pagkakaroon ng positibong pananaw, pag-asa at pagmamahal sa kapwa at
Diyos.
Kaya bilang mag-aaral, inaasahang matatalakay mo ang mga gawain o paraan kung paano
maisasabuhay ang pananalig sa Diyos, mapapahalagahan at maigagalang mo ang iba’t ibang paniniwala ng
iyong kapwa; at maipaliliwanag mo kung paano mapapaunlad ng pagkatao ang ispiritwalidad. Pagkatapos
na aralin inaasahang mabibigyang-kahulugan mo ang pananalig at pag-asa at maipaliliwanag kung paano
ito tumutuloy sa kabanalan, maisasabuhay ang positibong pananaw, pag-asa at pagmamahal sa Diyos at
kapwa; at makagagawa ka ng isang plano ng pagpapalalim ng iyong pananalig.
Halina at awitin mo ang isang panalangin na nagtatalakay kung ano ang mga gawain o paraan kung
paano maisasabuhay ang pananalig sa Diyos.
Panalangin sa Pagiging Bukas-Palad
Mula sa The Best of Bukas Palad (vol.1)
Panginoon, turuan mo akong maging bukas-palad,
Turuan mo akong maglingkod sa iyo
Na magbigay ng ayon sa nararapat,
Na walang hinihintay mula sa’yo.
Nang makibakang di inaalintana
Mga hirap na dinanas,
Sa tuwina’y magsumikap na hindi humahanap
Ng kapalit na kaginhawaan.
Na ‘di naghihintay kundi ang aking mabatid
Na ang loob mo’y syang sinusundan.
Panginoon, turuan mo akong maging bukas palad
Turuan mo akong maglingkod sa Iyo
Na magbigay nang ayon sa nararapat
Na walang hinihintay mula sa yo.
Mga tanong:
1. Ano ang iyong naramdaman matapos mo itong awitin?
2. Sa iyong palagay, para saan ang awiting ito?
3. Ano ang nais ipahiwatig sa iyo ng awiting ito?
Ngayon naman ay pag-aralan mo ang larawan. Ano ang masasabi mo tungkol dito?
Community Pantry!
Tama! Ito ay nagpapakita ng pagmamalasakit at pagmamahal sa iba lalong lalo na sa mga taong
nangangailangan. Marami din ang nagbabahagi ng anumang kanilang kayang ibigay. Ang pagmamahal
sa Diyos ay naipapalita sa pamamagitan nang pagkalinga at pagmamahal sa kapuwa. Ito rin ang kahulugan
ng ispritwalidad. Handa ka na bang paunlarin ng iyong buhay pananampalataya o ispiritwalidad?
D. Pagpapaunlad
(Ikalawang Araw ng Unang Linggo)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Paano mo maipakikita ang mataas na antas ng ispiritwalidad? Kopyahin sa papel
ang nakalarawan sa ibaba at kulayan ng asul ang mga bilog na nagpapakita ng iyong napili.
Ang ispiritwalidad at pananampalataya ng bawat tao ay may malaking ginagampanan sa paghubog ng
kanyang mabuting pagkatao. Dahil sa kinagisnang damdaming maka-Diyos, nahubog sa atin ang
pagmamahal sa Kaniya at nalinang ang ating paghahangad na magkaroon ng mabuting pagkatao. Ang
paglinang ng pag-ibig sa Diyos ay hindi lamang basta ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa Diyos subalit
ang kakayahang maisapuso at maisagawa ang kabutihang-asal na ayon sa Kaniyang kagustuhan.
(Ikatlong Araw ng Unang Linggo)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Basahin at unawain mo ang tula. Tuklasin kung bakit mahalaga ang pagkakaroon
ng pananalig sa Diyos. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong sa ibaba sa sagutang papel.
Paniniwala
Mula sa: Mabuting Asal, Magandang Buhay 6, pahina 174
Manalig sa sarili
Upang malampasan ang mga hamon ng buhay
Upang matamo ang iyong takdang gawain
Sa pinakamahusay na maari mong gawin.
Manampalataya sa Diyos
Upang magapi ang mga balakid
Upang magtagumpay at maging pinakamahusay.
Isang landas ang buhay
Mahaba at paliko-liko
Ngunit dapat kang matuto
At lumago sa bawat pihit mo.
Mga tanong:
1. Ano ang mensahe ng tula?
2. Bakit mahalaga na magkaroon ng pananampalataya at pananalig sa Diyos?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Basahin at unawain ang usapan nina Carla at Carlo sa ibaba. Pagkatapos ay
sagutin ang mga sumusunod na tanong sa sagutang papel.
Mga tanong:
1. Anong klaseng pananaw mayroon sina Carlo at Carla?
2. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay?
3. Masasabi ba nating mabuting bata sina Carlo at Carla?
4. Ikaw, nais mo bang tularan ang kanilang papanaw? Bakit?
5. Paano makakatulong sa atin ang pagkakaroon ng mabuting pananaw sa buhay?
Ang pananalig at pagmamahal sa Diyos ay mga gawaing makabuluhan. Naipapakita ang pananalig sa
Diyos sa pamamagitan ng pagmamahal sa kapuwa. Ang pananalig ay hindi sa salita lamang ipinapakita
kundi maging sa isip at sa gawa. Isinasabuhay ang pananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng
paggawa ng kabutihan.
(Ikaapat na Araw ng Unang Linggo)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Awitin o basahin ang mga liriko ng awiting “Manalig Ka”. Pagkatapos ay sagutin
ang mga sumusunod na tanong sa sagutang papel. (Maaari rin itong mapakinggan o mapanood sa
https://youtu.be/083cxr83FlE kung may pagkakataon at may pamamaraan o magagamit na gadget.)
Manalig Ka
Iluom lahat ng takot sa iyong damdamin
Ang pangalan niya lagi ang tawagin,
At S’ya’y nakikinig sa bawat hinaing.
Magmasid at mamulat sa kanyang kapangyarihan,
Nabatid mo ba na Sya’y naglalaan
At patuloy na naghahatid ng tunay na kalayaan?
Chorus I:
Manalig ka,tuyuin ang luha sa mga mata,
Hindi S’ya panaginip, hindi S’ya isang pangarap.
S’ya’y buhay, manalig ka.
At ngayo’y tila walang mararating na bukas,
Ngunit kung S’ya’y hahayaang maglandas
Pag-asa ay muling mabibigkas
Chorus II:
Manalig ka, tuyuin ang luha sa mga mata,
Hindi S’ya natutulog, hindi S’ya nakakalimot
Mga tanong:
1. Ano ang ibig sabihin ng linyang “Hindi Siya panaginip”?
2. Ano ang dapat gawin upang mawala ang takot na nararamdaman?
3. Paano mo ipakikita ang pananalig at pagmamahal sa Diyos?
4. Nararapat ba tayong manalig sa Diyos? Bakit?
(Ikalimang Araw ng Unang Linggo)
Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans. Tunghayan ang bahagi
ng Pagninilay sa huling pahina ng Learner’s Packet (LeaP) na ito. Iguhit ang simbolo na kakatawan sa iyong
naging karanasan sa paggawa ng mga gawain.
(Unang Araw ng Ikalawang Linggo)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Basahin ang sanaysay tungkol sa isang panrelihiyong ritwal. Hanapin kung anong
mga ginamit na simbolo sa ritwal at tukuyin kung paano nakatutulong sa pagtaas ng antas ng ispiritwalidad ng
isang tao ang pagsunod sa mga ritwal na kagaya nito. Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na tanong
sa sagutang papel.
Kilala ang bansang Laos sa pagkakaroon ng mga estatwa ng Buddha na may iba’t ibang mantra. Ang
mantra ay salita o parirala na ginagamit sa meditasyon at pinaniniwalaan na nagtataglay ng kapangyarihang
espiritwal. Natatanging sa Laos lamang ang Buddha na tumatawag ng ulan. Sa panahon ng Boun Pi Mai
(Bagong Taon), may seremonya ng paghuhugas ng mga estatwa ng Buddha.
Ginaganap ang pagdiriwang ng Boun Pi Mai sa Laos tuwing Abril. Ipinagdiriwang ito ng tatlong araw.
Bawat araw ay may iba’t ibang mga gawain. Paglilinis sa bukal, paghuhugas ng buhok, at pagtatayo ng mga
punso ng buhangin ang ilan sa mga bagay na ginagawa ng mga taong Lao sa unang araw o ang Mur
Sangkhane Pai o Luang.
Sa ikalawang araw o Mur Sangkhane Nao, binibisita ang mga kaibigan at pumupunta sa mga templo
ang mga Lao at nililinis ang mga imahe ng Buddha. Ang seremonya ng paglilinis gamit ang tubig ay simbolo ng
paglilinis ng mga kasalanan na nagawa sa buong taon. Pagkatapos ng seremonya ng paglilinis ng Buddha,
nagbubuhusan ng tubig ang mga tao, anuman ang estado sa buhay o saan man sila nanggaling.
Sa ikatlong araw, nag-aalay ng pagkain sa mga monghe ang mga tao, nakikinig sa mga pangaral o
sermon ng mga mongheng Buddhista. Kumakain din sila ng larb sa araw na ito. Ang larb ay isang espesyal na
uri ng salad na karne na sinangkapan ng bagoong isda (fish sauce) at dayap (lime) upang magdala ng suwerte.
Nagbibigay-galang din ang kabataan sa kanilang mga magulang at nakatatanda. Naglalagay din sila ng
puting tali sa paligid ng pulso upang magsabi ng “Manigong Bagong Taon!”.
Mga Tanong:
1. Paano ipinagdiriwang ang Boun Pi Mai?
2. Ano ang mga katangi-tanging gawain sa pagdiriwang na ito?
3. Anong mga simbolikong ritwal ang ginaganap ng mga tao sa Laos?
4. Paano naipakikita ang kabanalan sa pagdiriwang ng Boun Pi Mai?
5. Paano nakatutulong sa pag-angat ng ispiritwalidad ng isang tao ang pakikiisa at pagsunod sa mga
ritwal na kagaya ng inilalahad sa sanaysay?
Tinuturuan tayong maging mabuti ng ating relihiyon. Pinalalalim nito ang ating pananalig sa Diyos.
Ginagawa tayo nitong higit na mabuting mga tao at lalo tayo nitong inilalapit sa kinikilalang Lumikha. Kapag
napaunlad natin ang pananalig, lumilikha tayo at sumusunod sa isang landas ng kabanalan.
(Ikalawang Araw ng Ikalawang Linggo)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Lagyan ng tsek (✓) ang mga larawang
nagpapakita ng pananalig. Gawin ito sa sagutang papel.
Ang tao sa kanyang pamumuhay ay nangangailangan ng masasandalan at mahihingahan ng tulong sa
mga panahong nakakaranas siya ng kagipitan. Nariyan ang kanyang pamilya, mga kaibigan, at mga
kasamahan upang tugunan ang pangangailangang ito. Ngunit sa usaping ispiritwal, hindi matutugunan ng
mga materyal na bagay ang mga pangangailangan ng sinumang tao. Tanging sa Diyos lamang tayo umaasa
dahil naniniwala tayo na sa Kaniya lamang magmumula ang tugon sa ating kawalan at tanging ang Diyos
lamang ang makakasapat. Sa Diyos tayo tumatawag kapag wala na tayong malapitan. Sa lahat ng ito, bawat
tao ay may iisa lamang na tugon na katanggap-tanggap, ang maging mapagpasalamat.
Ang pag-asa at pananalig ang naglalapit sa atin sa Diyos. Mamuhay tayong laging nagdarasal at
naglilingkod. Sundan natin ang landas ng kabanalan. Hayaang gabayan tayo ng ating pananalig.
(Ikatlong Araw ng Ikalawang Linggo)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Sa isang malinis na papel, gumuhit ng isang natatanging simbolo ng salitang
“Ispiritwalidad” na para sa iyo ay magiging basehan ng pagkakaroon ng isang mabuting katauhan. Sumulat ng
maikling paliwanag kung bakit ito ang naisip mong iguhit. Gawing gabay ang halimbawa sa ibaba at isaalang-
alang ang mga sumusunod na pamantayan sa paggawa ng gawain.
(Ikaapat na Araw ng Ikalawang Linggo)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 8: Basahin at unawain ang mga sitwasyon sa ibaba. Paano mo bibigyan ng pag-
asa ang mga sumusunod? Itala ang iyong mga sagot sa patlang. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Bumagsak sa pagsusulit ang iyong kaklase dahil di niya talaga maunawaan ang aralin. Sobrang lungkot
ang kanyang nararamdaman.
______________________________________________________________________________________________________

2. Nabalitaan mo na ninakawan ang inyong kapitbahay kagabi ng mahahalagang bagay. Iyak nang iyak
ang kanilang pamilya dahil sa panghihinayang sa mga nawalang bagay.
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
3. Sa nakaraang bagyo, nasalanta ang iyong mga kamag-anak. Wala silang pagkain at gamot. Lumbay na
lumbay sila sa kanilang nararanasan.
_______________________________________________________________________________________________________

4. Hirap gumawa ng proyekto ang iyong kaibigan. Wala siyang ideya kung paano ito gagawin.
Nangangamba siyang di makapagpasa nito sa takdang oras.
_______________________________________________________________________________________________________
5. Sobrang lungkot ang naramdaman ni Kris dahil sa pagkawala ng kanyang ama. Di nila alam kung paano
sila makakaraos sa pang araw-araw na pangangailangan.
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
(Ikalimang Araw ng Ikalawang Linggo)
Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans. Tunghayan ang bahagi
ng Pagninilay sa huling pahina ng Learner’s Packet (LeaP) na ito. Iguhit ang simbolo na kakatawan sa iyong
naging karanasan sa paggawa ng mga gawain.
(Unang Araw ng Ikatlong Linggo)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 9: Ipaliwanag kung paano mo maipakita ang pananalig sa isang sikat na kasabihan
nating mga Pilipino na, “Habang may buhay ay may pag-asa”. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
E. Pakikipagpalihan
(Ikalawang Araw ng Ikatlong Linggo)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 10: Pagmasdan ang mga larawan. Lagyan ng tsek (✓) ang larawan na
nagpapakita ng kabutihan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
(Ikatlong Araw ng Ikatlong Linggo)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 11: Kailan mo ginagawa ang mga sumusunod? Lagyan ng tsek (✓) sa tamang
kolum ang iyong kasagutan. Gawin ito sa sagutang papel.
(Ikapat na Araw ng Ikatlong Linggo)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 12: Magtanong sa iyong mga magulang o kasama sa bahay tungkol sa isang
kapitbahay na higit na nangangailangan. Anyayahan ang mga magulang o kasama sa bahay na bumuo ng
plano kung paano ka makatutulong sa kapitbahay na higit na nanganagilanagn. Gawin ito sa sagutang papel.
(Ikalimang Araw ng Ikatlong Linggo)
Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans. Tunghayan ang bahagi
ng Pagninilay sa huling pahina ng Learner’s Packet (LeaP) na ito. Iguhit ang simbolo na kakatawan sa iyong
naging karanasan sa paggawa ng mga gawain.
(Unang Araw ng Ikaapat na Linggo)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 13: Sa isang sagutang papel, pumili ng isa sa mga sumusunod na intension at
gumawa ng dasal o panalangin tungkol sa iyong napili.
Mga pagpipiliang intension:
1. Kaligtasan para sa nararanasang pandemya (COVID-19)
2. Pandaigdigang Kapayapaan’
3. Pasasalamat sa mga biyaya ng Diyos
(Ikalawang Araw ng Ikaapat na Linggo)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 14: Kopyahin ang puso sa ibaba at isulat ang sagot sa patlang. Gawin ito sa
sagutang na papel. Gawing gabay ang halimbawa sa ibaba.
a. Sa isip – hindi ako mag-iisip ng masama sa aking kapwa. Palagi kong iisipin ang mga bagay na
makakapagpasaya sa kanila
b. Sa salita – gagamitin ako ng “Po” at “Opo” sa tuwina lalo na at kausap ko ay matatanda
c. Sa gawa – palagi akong tutulong sa nangangailangan
(Ikatlong Araw ng Ikaapat na Linggo)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 15: Hanapin sa loob ng puzzle ang mga salita na may kaugnayan sa pananalig at
pagmamahal sa Diyos. Isulat ang iyong makikitang salita sa iyong sagutang papel.
(Ikaapat na Araw ng Ikaapat na Linggo)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 16: Bumuo ng akrostik gamit ang salitang “Pananalig”. Gawin ito sa malinis na
papel. Tingnan ang halimbawa sa ibaba upang maging gabay sa pagsasagot. Isaalang-alang ang mga
pamantayan bilang batayan sa pagbibigay-halaga sa iyong sagot.
Halimbawa: P - ananalig sa Poong Maykapal ang dapat maging gawi sa lahat ng oras
A – ting ibigay ang buong pagsusumamo sa tuwing tayo ay dumadalangin
(Ikalimang Araw ng Ikaapat na Linggo)
Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans. Tunghayan ang bahagi
ng Pagninilay sa huling pahina ng Learner’s Packet (LeaP) na ito. Iguhit ang simbolo na kakatawan sa iyong
naging karanasan sa paggawa ng mga gawain.
(Unang Araw ng Ikalimang Linggo)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 17: Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng iyong pananalig at pagmamahal
sa Diyos. Gawin ito sa isang malinis na papel. Isaalang-alang ang mga pamatayan sa paggawa ng poster.
(Ikalawang Araw ng Ikalimang Linggo)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 18: Gumawa ng isang pangako na iyong nais gampanan upang malinang ang
iyong pananalig sa Diyos batay sa kung anong relihiyon ang iyong kinabibilangan. Gawin ito sa sagutang papel.
Nangangako ako na isasabuhay ang aking pananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
(Ikatlong Araw ng Ikalimang Linggo)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 19: Pagmasdan ang mga larawan. Sa tulong ng iyong mga magulang o
kasamahan sa bahay, alamin ang mga ritwal o pamamaraan ng pagsasagawa nito. Itala ito sa iyong sagutang
papel.
(Ikaapat na Araw ng Ikalimang Linggo)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 20: Magtala ng mga panrelihiyong pagdiriwang sa Pilipinas. Hingin ang tulong ng
magulang o kasamahan sa bahay. Ilagay ang petsa kung kailan ito ipinagdiriwang at mga ritwal na gawaing
kaugnay nito. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
(Ikalimang Araw ng Ikalimang Linggo)
Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans. Tunghayan ang bahagi
ng Pagninilay sa huling pahina ng Learner’s Packet (LeaP) na ito. Iguhit ang simbolo na kakatawan sa iyong
naging karanasan sa paggawa ng mga gawain.
(Unang Araw ng Ikaanim na Linggo)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 21: Sa tulong at gabay ng iyong magulang o kasamahan sa bahay, isulat sa isang
malinis na papel ang relihiyong inyong kinabibilangan. Magtala ng dalawang paraan kung paano ito
binibigyang-halaga ng inyong pamilya.
Relihiyon: ____________________________________________________________________________________________
Pagpapahalagang gingawa ng aming pamilya:
a.) _________________________________________________________________________________________________
b.) _________________________________________________________________________________________________
(Ikalawang Araw ng Ikaanim na Linggo)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 22: Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pananampalataya sa Diyos? Isulat
sa sagutang papel ang bilang ng iyong sagot.
1. Pagkakaroon ng oras para magdasal at magpunta sa pook dalanginan.
2. Pagdarasal bago at pagkatapos kumain bilang pasasalamat sa mga biyayang natatanggap.
3. Pagtulong sa iba na may hinihintay na kapalit.
4. Pagtulong sa isang taong ayaw tulungan ang sarili sa mga problemang dumarating.
5. Pagsasalita ng mahinahon sino man ang kaharap.
6. Pagpapasalamat sa lahat ng mga bagay na natatanggap sa araw-araw.
7. Hindi pagpansin sa taong humihingi ng tulong.
8. Paghadlang sa kasambahay na magkaroon ng oras ng pamamasyal at pagpunta sa pook dalanginan.
9. Masiglang pagbati sa mga miyembro ng pamilya.
10. Pagkilos nang maayos sa loob at labas ng bahay.
(Ikatlong Araw ng Ikaanim na Linggo)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 23: Basahin ang mga nakatalang katangian sa unang hanay. Lagyan ng tsek
( ) ang angkop na hanay kung ito ay iyong isinasabuhay o hindi. Maging matapat sa iyong pagsagot.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.
(Ikaapat na Araw ng Ikaanim na Linggo)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 24: Sa tulong ng iyong magulang o kasamahan sa bahay, magsaliksik tungkol sa
isang tao na nagpapakita ng pag-asa at pananalig sa Diyos. Alamin kung paano niya ito isinasabuhay. Gawin
ito sa iyong sagutang papel.
Pangalan: __________________________________________________________________________
Edad: _____ Lugar ng kapanganakan: ________________________________________________
Mga mahal sa buhay: _______________________________________________________________
Mga pagsubok sa buhay: ____________________________________________________________
Mga ginawa upang mapaglabanan ang pagsubok sa buhay: ________________________
_____________________________________________________________________________________
Mga maipapayo sa kabataan tungkol sa kabanalan: _________________________________
_____________________________________________________________________________________
(Ikalimang Araw ng Ikaanim na Linggo)
Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans. Tunghayan ang bahagi
ng Pagninilay sa huling pahina ng Learner’s Packet (LeaP) na ito. Iguhit ang simbolo na kakatawan sa iyong
naging karanasan sa paggawa ng mga gawain.
(Unang Araw ng Ikapitong Linggo)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 25: Gumawa ng isang plano ng iyong gagawin na makatutulong sa paghubog
ng iyong kabanalan sa loob ng isang linggo. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
(Ikalawang Araw ng Ikapitong Linggo)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 26: Itala sa isang buong papel kung paano mo pangangalagaan ang iyong mga
iniisip, damdamin, salita at kilos upang maisabuhay ang iyong kabanalan. Magtala ng tatlong paraan sa bawat
kategorya. Gawing gabay ang halimbawang talaan sa ibaba.
Pagpapahayag ng Kabanalan
Sa isip
1. _______________________________
2. _______________________________
3. _______________________________
Sa damdamin
1. _______________________________
2. _______________________________
3. _______________________________
Sa salita
1. _______________________________
2. _______________________________
3. _______________________________
Sa kilos
1. _______________________________
2. _______________________________
3. _______________________________
(Ikatlong Araw ng Ikapitong Linggo)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 27: Gaano mo kadalas ginagawa ang sumusunod? Lagyan ng tsek (✓) sa tamang
kolum ang iyong kasagutan at isulat ito sa sagutang papel.
(Ikaapat na Araw ng Ikapitong Linggo)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 28: Basahin ang sumusunod na pangungusap. Lagyan ng tsek (✓) ang patlang
na nagpapakita ng pag-asa o ispiritwalidad. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_____1. Si Rico ay dumadalaw sa mga ampunan tuwing Pasko para magbigay ng tulong.
_____2. Nagdiwang si Angel ng kanyang kaarawan sa Home for the Aged.
_____3. Nagbibigay ng mga grocery items si Gina sa mga bata ngayong panahon ng pandemya.
_____4. Pinili ni Tina ang mga natanggap na regalo na hindi niya gusto at ipinamigay ito sa iba.
_____5. Sumali sa pagbalot ng mga relief goods si Rona upang ipamigay sa mga sinalanta ng bagyo.
_____6. Nagdadasal si Roy gabi-gabi.
_____7. Tumulong si Jose sa paglinis ng bahay.
_____8. Laging nasa simbahan si Marie para magpasalamat at magdasal.
_____9. Tinuruan ni Rose na magsulat ang mga kapitbahay niyang bata na di marunong sumulat.
_____10. Nagreklamo si Paula sa maraming gawaing iniatang sa kanya bilang lider ng grupo.
(Ikalimang Araw ng Ikapitong Linggo)
Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans. Tunghayan ang bahagi
ng Pagninilay sa huling pahina ng Learner’s Packet (LeaP) na ito. Iguhit ang simbolo na kakatawan sa iyong
naging karanasan sa paggawa ng mga gawain.
(Unang Araw ng Ikawalong Linggo)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 29: Punan ng sagot ang patlang upang makabuo ng isang pangako. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.
Sa oras ng kahirapan, ako ay _____________________________________________________________.
Nangangako ako na _____________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
Magsisilbi akong___________________________________________________________________ sa iba.
Sisikapin kong maging __________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
(Ikalawang Araw ng Ikawalong Linggo)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 30: Basahin at unawain ang sitwasyon sa ibaba. Itala kung paano ka makatutulong.
Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.
1. Si Lea ay anak ng isang OFW. Lagi siyang malungkot dahil pakiramdam niya ay iniwan siya. Nawalan
siya ng pokus sa pag-aaral, ano ang iyong maitutulong?
__________________________________________________________________________________________________________

2. Nawalan ng bahay sina Ador dahil sa malakas na bagyo. Nagsara ang pabrikang pinapasukan ng
kanyang tatay. Dahil dito, lagi na lang tulala si Ador. Hindi niya alam ang kanyang gagawin. Paano
mo siya matutulungan?
__________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________
3. Nagkaroon ng suliranin sa paaralan ang iyong kaibigan. Napagbintangan siyang kumuha ng gamit ng
kaklase ninyo. Lungkot na lungkot ang kaibigan mo sa nangyari. Nawawalan na siya ng pag-asa na
mapatunayang hindi niya ginawa ang ibinibintang sa kanya. Ano ang maipapayo mo sa kanya?
__________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________
(Ikatlong Araw ng Ikawalong Linggo)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 31: Humihingi sa iyo ng payo ang iyong kaibigan kung ano ang kanyang dapat
gawin sa kanyang problema. Nalugi ang kanilang negosyo at iniwan sila ng kanyang ama. Sinabihan siya ng
kanyang ina na tumigil sa pag-aaral. Ano ang maipapayo mo sa iyong kaibigan na nasa ganitong sitwasyon?
Sumulat ng liham at payuhan siya.
(Ikaapat na Araw ng Ikawalong Linggo)
A. Paglalapat
Malugod mong natapos at natutunan ang mga kabutihang asal para sa iyong kapwa na may katumbas
na kabutihan sa mata ng Diyos. Dahil dito, ikaw ay inaasahang maisapuso at gawing gabay ito sa iyong pang
araw-araw na pamumuhay. Ngayon ay magagawa mo ng ihayag nang buong pagmamalaki ang iyong
natutunan sa aralin na ito.
Ang pag-asa ay isang katangiang mahalaga dahil ito ay nakatutulong para maibsan ang
nararamdamang sakit sa panahon ng kahirapan. Ang taong may pag-asa ay marunong magdasal at iniaalay
sa Diyos ang mga suliranin at umaasang magkakaroon ng kalutasan ang problema
Mahalagang isabuhay ang mga aral na natutunan sa araling ito. Paano mo magagawa ito? Ituloy ang
mga pangungusap. Isulat ito sa sagutang papel.
- Lagi kong gagawin ang ____________________________________________________________________.
- Sisimulan kong gawin ang __________________________________________________________________.
- Hihikayatin ko ang iba na __________________________________________________________________.
Mahal kong kaibigan,
______________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________________

Nagmamahal,
______________________
(Ikaapat na Araw ng Ikawalong Linggo)
A. Paglalapat
Malugod mong natapos at natutunan ang mga kabutihang asal para sa iyong kapwa na may katumbas
na kabutihan sa mata ng Diyos. Dahil dito, ikaw ay inaasahang maisapuso at gawing gabay ito sa iyong pang
araw-araw na pamumuhay. Ngayon ay magagawa mo ng ihayag nang buong pagmamalaki ang iyong
natutunan sa aralin na ito.
Ang pag-asa ay isang katangiang mahalaga dahil ito ay nakatutulong para maibsan ang
nararamdamang sakit sa panahon ng kahirapan. Ang taong may pag-asa ay marunong magdasal at iniaalay
sa Diyos ang mga suliranin at umaasang magkakaroon ng kalutasan ang problema
Mahalagang isabuhay ang mga aral na natutunan sa araling ito. Paano mo magagawa ito? Ituloy ang
mga pangungusap. Isulat ito sa sagutang papel.
- Lagi kong gagawin ang ____________________________________________________________________.
- Sisimulan kong gawin ang __________________________________________________________________.
- Hihikayatin ko ang iba na __________________________________________________________________.
(Ikalimang Araw ng Ikawalong Linggo)
VI. PAGNINILAY
Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.