SUMMATIVE TEST/ Third Quarter)
FILIPINO 10/ 2021-2022
Pangalan:____________________________________ Petsa: ________________________,2022
Baitang10-Pangkat:__________________________ Iskor:_________Lagda ng magulang:___________
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag o katanungan. Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
___1. Piliin ang tauhang kilala bilang pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan sa Persia.
A. Ministro B. Sultan C. Mullah Nassreddin D. Mongheng Mohametano
___2. Kilala si Mullah Nassreddin sa kanilang lugar bilang ___________. A. pinakamagaling na hari
B. pinakamabuting komedyante C. pinakamahusay sa pagkukuwento D. pinakamahusay sa pagsusulat ng kuwento
___3. Ano ang damdaming namamayani sa nagsasalita sa pahayag na: “Wala akong panahong magsalita sa mga taong hindi alam ang aking sasabihin”? A. pagkadismaya B. pagkalito C. pagkasiya D. pagkatuwa
___4. Hindi nagtaas ng ulo ang Mongheng Mohametano habang dumadaan ang sultan, kaya winika ng sultan, “Ang nakasuot ng balabal ay walang pakiramdam, tulad siya ng hayop, hindi siya nagtataglay ng paggalang at kababaang loob.” Anong damdamin ang nakapaloob sa pahayag ng sultan? A. dalamhati B. galit C.lungkot D. tuwa
___5. Ano ang ipinahihiwatig sa ginawang pamamanata ng Mongheng Mohametano sa disyerto?
A. malalim na pang-unawa B. matinding pangangailangan
C. malakas na pangangatawan D.masidhing pananampalataya
___6. Anong katangian ni Mullah Nassreddin ang naibigan ng mga tao? A. pinakamagaling na hari
B.pinakamabuting komedyante C. pinakamahusay sa pagkukuwento D. pinakamahusay sa pagsulat ng kuwento
___7. Tungkol saan ang paksa ng anekdotang Mullah Nassreddin?
A. pananampalataya B. karanasan sa buhay
C. kuwento ng kaibigan D. paninindigan sa buhay
___8. Alin sa sumusunod na salita ang nagpapakita ng pinakamasidhi o pinakamatinding antas ng damdamin?
A. inalagaan B. kinalinga C. kinupkop D. tinangkilik
___9. Alin sa sumusunod na salita ang nagpapakita ng pinakamababang antas ng damdamin?
A. nababalisa B. nagigimbal C. natatakot D. natitigatig
___10. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa maingat na pagpili ng mga salita sa isang tula?
A. kariktan B. sukat C. tayutay D. tugma
___11. Alin sa sumusunod na salita ang tumutukoy sa magkakatunog na pantig sa bawat dulo ng taludtod ng tula?
A. kariktan B. sukat C. tayutay D. tugma
___12. “Mangusap ka, aking sanggol na sinisinta, mangusap ka sa iyong namimilog at nagniningning na mga mata.” Anong damdamin ang mahihinuha mula sa pahayag?
A. pagdurusa B. paghanga C. pagkamuhi D. pagmamahal
___13. Alin sa sumusunod na elemento ng tula ang tumutukoy o nagpapakita ng kaluluwa ng akda?
A. kariktan B. sukat C. talinghaga D. tugma
___14. Ano ang kahulugan ng salitang “ikinabahala”, na mula sa salitang ugat na “bahala”?
A. ipinag-alala B. mag-aalala C. nag-aalala D. nag-alala
___15. Naimbitahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng isang talumpati sa harap ng maraming tao. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit. A. naanyayahan B. naatasan C. nabilinan D. napili
___16. Ang pamamanata ay nangangahulugang pagpapakita ng _________?
A. debosyon B. paniniwala sa Diyos
C. katapatan sa sultan D. masidhing pagdarasal
___17. Ito ay tumutukoy sa pamamahala ng kalalakihan sa bansang Kenya.
A. Aristocratic B. Egalitarian C. Matrilinear D. Patrilinear
___18. Siya ay malakas, mataas tulad ng higante, at nagmamay-ari ng karangalan bilang pinakamahusay na makata sa kanilang lugar. A. Ahmad B. Liongo C. Sarah D. Toby
___19. Ito ay akdang pampanitikang tumutukoy sa kuwento o salaysay hinggil sa pinagmulan ng sansinukuban, kalipunan ng iba’t ibang paniniwala sa mga diyos at diyosa, kuwento ng tao at ng mga mahiwagang nilikha.
A. alamat B. epiko C. mito/mitolohiya D. parabula
___20. Ito ay tumutukoy sa paglilipat sa pinagsalinang wika ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin. A. pagkiklino B. pagpapakahulugan C. pagsasaling-wika D. pagsusuring-wika
___21. Nang lumaon, si Liongo ay nagkaanak ng isang lalaking nagtraydor at pumatay sa kaniya. Ang pahayag na ito ay nagpapatunay na __. A. nalaman ng anak ni Liongo ang sikreto niya B. ang anak ni Liongo ang nakapatay sa kaniya
C. walang galang sa magulang ang anak ni Liongo D. sa agawan ng kapangyarihan, walang kinikilala kahit kadugo
___22. Piliin ang pangyayaring nagpapakita ng katangian ng mitolohiya bilang akdang pampanitikan.
A. Nang magutom ang bata ay nagsimula itong umiyak nang umiyak.
B. Nagtatrabaho siya sa palayan mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito.
C. Ang nagbabantay sa kanila ay nakasakay sa likod ng kabayo at itinuturo ang mga aliping mabagal magtrabaho.
D. Si Sarah at ang kaniyang anak ay lumilipad sa bakuran, sa mga kahoy, sa mga nagtataasang puno nang hindi sila nakikita maging ng tagapagbantay.
___23. Alin sa sumusunod na salita ang nagpapakita ng pinakamasidhing damdamin?
A. kagalakan B. kaligayahan C. kaluwalhatian D. kasiyahan
___24. Alin sa sumusunod na salita ang nagpapakita ng pinakamababang antas ng damdamin?
A. damot B. ganid C. imbot D. sakim
___25. Alin sa sumusunod na elemento ng tula ang tumutukoy sa pagpili at pagsasaayos ng mga salitang ilalapat sa tula?
A. kariktan B. simbolismo C. tayutay D. tugma
___26. “Kapag ika’y itinanghal na gererong marangal, ako’y malulunod sa luha sa paggunita.” Anong damdamin ang mahihinuha sa pahayag na nabanggit?
A. pag-asam B. pagkamuhi C. pagmamahal D. pagmamalasakit
___27. Alin sa sumusunod na elemento ng tula ang pinakapuso ng tula sapagkat ito ang ipinahihiwatig ng may-akda? A. kariktan B. simbolismo C. talinghaga D. tugma
___28. Bahagi ito ng komiks kung saan isinusulat ang maikling salaysay.
A. kuwadro B. lobo ng usapan C. kahon ng salaysay D. pamagat ng kuwento
___29. Sino ang sinasabing kauna-unahang Pilipinong sumulat ng komiks?
A. Dr. Jose P. Rizal B. Virginia Hamilton C. Roderic P. Urgelles D. Consolation P. Conde
___30. Isang grapikong midyum na binubuo ng diyalogo, mga salita, at larawan na siyang nagsasalaysay sa diwa ng kuwento.
A. anekdota B. komiks C. magasin D. mitolohiya
Repleksiyon: Binabati kita sa iyong mahusay na pagsagot sa mga gawaing ibinigay at batid kong higit na lumawak ang iyong kaalaman at karunungan. Sa pagtatapos maaari mo nang pagnilayan at isulat ang mga natutunan mo sa mga aralin sa ikatlong markahan. Natutunan ko na _____________________________________________________________________________
Inihanda nina: