Ang Faithbook ay isa pang tampok ng RBB, isang programang pakikipagtulungan sa pagitan ng SDO Batangas at ng Arsidiyosesis ng Lipa upang palakasin ang Edukasyon sa Pagpapakatao at ang pagpapahalaga sa paghubog ng mga mag-aaral. Ang Faithbook ay isang makabago, interaktibo, at napapanahong paraan upang tipunin ang bawat Pilipinong Katoliko o Kristiyano sa isang online na komunidad ng mga mananampalataya para sa pag-aaral at pagbabahagi ng pananampalataya.
November 1-30, 2022
Gusto mo bang malaman ang updates tungkol sa natapos na Filipino Values Celebration ng ating paaralan?
Pindutin ang link na ito!
👈
Makikita sa larawan ang mga mag-aaral mula sa Baitang 7-10 na nagpamalas ng husay at ganda ng kaugalian para sa Ikalawang Markahan. Congratulations Siconeans!
Bilang pagtugon sa deklarasyon ng Filipino Values Month through Presidential Proclamation No. 479 noong Oktubre 24, 1994, naglalayon ito na patibayin ang kultura ng mga Pilipino, pagpapahalaga at kaugaliang Maka-Diyos, Maka-Tao, Makakalikasan at Makabansa, ang mga paaralan sa Probinsiya ng Batangas ay inaanyayahan na magsagawa ng mga gawaing may kinalaman dito.
Ang tema sa taong ito ay
" Pagpapaunlad ng Pagkatao, Pakikipagkapuwa al Pananampalataya: Hamon sa Panahon ng Pandemya"
Pagsisimula ng klase sa taong panuruang 2021-2022.
Si Kimberly Gonzalvo ay isa sa mga mag-aaral na nagpakita na ang RBB ay may malaking tulong upang maipagpatuloy ang magagandang kaugalian sa kabila ng hamong kinakaharap sa buhay.
Halina at panoorin ang maikling bidyong ito!
World Teacher's Day
Nakiisa ang Sico 1.0 Integrated National High School sa pagdiriwang ng Teacher's Day.
Siconeans, may EsPMATICapsule na tayo!
Sa pagbubukas muli ng pasukan, ang ating paaralan sa pangunguna ng EsP Department ay naglunsad ng isang site na maaaring bisitahin ng ating mga mag-aaral. Nilalaman nito ang mahahalagang impormasyon at gawain sa Edukasyon sa Pagpapakatao, Career at Homeroom Guidance Program.