Module 4. Ang Dignidad ng Tao at Pagpapamalas ng Tunay na Kalayaan
Manila Science High School
Manila Science High School
Content Standard: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag- unawa sa tunay na gamit ng kalayaan.
Performance Standard: Nakagagawa ang mag- aaral ng angkop na kilos upang maisabuhay ang paggamit ng tunay na kalayaan: tumugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod.
Mga Layunin ng Aralin:
3.1 Naipaliliwanag ang tunay na kahulugan ng kalayaan
3.2 Natutukoy ang mga pasya at kilos na tumutugon sa tunay na gamit ng kalayaan
3.3 Napatutunayan na ang tunay na kalayaan ay ang kakayahang tumugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod
3.4 Nakagagawa ng angkop na kilos upang maisabuhay ang paggamit ng tunay na kalayaan: tumugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod
Mga Inaasahang Bunga Ayon sa Bloom's Taxonomy
Comprehension: Nakapagbibigay ng mga katangian ng tunay at hindi tunay na malaya. Nauunawaan ang halaga ng pagkakaroon ng positibong katangian upang malagpasan ang mga pagsubok
Analysis: Masuri ang mga sariling katangian upang upang maisabuhay ang paggamit ng tunay na kalayaan: tumugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod.
Affective learning outcomes: Makapagnilay sa mga sariling kilos na talwias sa tunay na kalayaan Makapili nang mabuting pasya at kilos upang maisabuhay ang tunay na kalayaan
Create: Gumawa ng Apat na Kasunduan upang makamit ang pagsasabuhay ng tunay na kalayaan
Synchronous Activities
Visual Reflection
The Moral Compass Journal: My Journey of Conscience, Freedom, and Acts of Service
Please refer to the embedded link below.
Short Visual Book Reflection (Merged Output for Modules 3&4)
Pagsusuri ng Mga Kalayaang Taglay ng Tao
Mga Gabay na Tanong sa Panonood:
Anong uri ng kalayaan ang nawala sa tauhan sa video?
Masasabi mo bang tunay na malaya ang tauhan sa video at bakit? Anong uri ng pag-uugali ang ipinamalas niya sa kanyang dinanas na kahirapan?
Paano niya ipinamalas na sa kabila ng kanyang kondisyon ay may matatawag na tunay na kalayaan?
Bakit mahalagang magkaroon ng kamalayan ang tao sa mga katangian ng kalayaang taglay niya sa buhay?
Paano nga ba makakamit ng tao ang tunay na kalayaan kung may mga hadlang sa kanyang buhay?
FGD Task: Mga Gabay Para sa Panonood:
Anong uri ng sitwasyon mayroon si Viktor Frankl upang makabuo ng esensiya ng kanyang mga karanasan sa buhay?
Ano ang uri ng tugon o saloobin mayroon si Vikor Frankl?
Paano ito nakatulong sa kanyang karanasan sa camp?
Paano nagawang ipamalas ni Viktor ang umiiral na nagmamahal (ens amans) sa kanyang mga kasamahan?
Paano nakaapekto ang uri ng pag-iisip at tatag ng kilos loob na mayroon si Viktor sa kanyang mga kasamahan sa camp?
Bakit niya sinabi na mahalaga ang paghahanap ng kahulugan sa buhay upang makamit ang tunay na kalayaan?