Tahing-Patutos (Running Stitch)
Ito ang pinakamadaling tahi sa kamay. Ang karayom at sinulid ay marahang “pinapatakbo” sa tela. Itinutusok ang karayom papasok sa kabaligtaran ng tela. Hugutin, itusok, at batakin ang karayom nang palabras. Ulitin ito nang ilang beses bago hilahin ang karayom. Ang mga tahi ay tuwid, maliliit, at pare-pareho ang haba.
Tahing-Panghilbana (Basting Stitch)
Ang paghihilbana ay tahing ginagamit upang pansamantalang mapagsama ang dalawang pirasong tela anim na milimetro ang haba.
Hilbanang pare-pareho (even basting)
Ang haba ng tahi at agwat ng mga ito ay pare-pareho; mga anim na milimetro ang haba.
Hilbanang di-pare-pareho (uneven basting)
Mas mahaba ang tahi ng sinulid kaysa sa agwat ng bawat tahi.
Hilbanang-Palihis (Diagonal Basting)
Hilbanang-Palihis-ito ay ginagamit sa dalawang patong ng telang upang huwag magbago ang mga posisyon nito. Itusok ang karayom na may sinulid sa kabaligtaran ng tela at huguting palabras. Gumawa ng mga tahing-patayo sa kabaligtaran ng tela na mga dalawang sentimetro ang agwat. Ang tahing-pahilis (diagonal o slanting) ay lilitaw sa tamang mukha ng tela. Isa-isa lamang ang paggawa sa tahi.
Pabalik na Tahi (Backstitch)
Ito ay karaniwang panghalili sa tahi sa makina dahil paurong-sulong ito. Paisa-isa lamang ang paggawa nito.
Tahing-Satin (Satin Stitch)
Itusok ang karayom sa tuwid na tahi at tumawid sa hugis. Itusok muli sa isnag gilid at tumawid sa kabila hanggang mabuo ang hugis ng disenyo
Tahing-Panlilip (Hemming Stitch)
Ang panglilip ay ginagawa sa laylayan ng damit upang mapanatili itong nakatupi at hindi ito magnisnis.