Ang Website na ito ay isang makabago at organisadong pook-sapot na nilikha para sa lahat ng kabataang Pilipino, hindi lamang sa aming paaralan, kundi sa buong bansam, na nais tuklasin at pagyamanin ang kanilang kaalaman sa kasaysayan, kultura, at lipunang Pilipino.
Dito, matatagpuan mo ang mga pinag-isipang aralin, artikulo, at babasahin na madaling maintindihan, kapaki-pakinabang, at kapana-panabik basahin. Ang mga nilalaman ay maayos na nakaayos ayon sa mga asignatura at antas ng pagkatuto upang maging gabay mo sa bawat hakbang ng iyong paglalakbay sa Araling Panlipunan.
Layunin naming gawing masaya at kapanapanabik ang pag-aaral ng mga mahahalagang aralin sa kasaysayan, ekonomiya, heograpiya, at mga kontemporaryong isyu. Sa tulong ng teknolohiya, dalangin naming mas mapalalim ang pagmamahal at pag-unawa ng bawat Pilipino sa ating sariling bayan.
Kaya halina’t tuklasin, matuto, at mag-enjoy sa pagbabasa ng mga kaalaman dito sa ating Araling Panlipunan Website, para sa mas makabuluhang pagkatuto ng bawat kabataang Pilipino!
Si Jonathan T. Jangao, PhD, ay isang masigasig na guro mula sa Esperidion F. Encabo I Memorial High School, ng Iligan City, na may layuning gawing makabuluhan, madali, at kapana-panabik ang pag-aaral ng Araling Panlipunan para sa bawat kabataang Pilipino. Sa kanyang malalim na karanasan sa pagtuturo at matibay na paniniwala sa kahalagahan ng edukasyon, nilikha niya ang website na ito bilang isang makabagong plataporma upang maging gabay at katuwang ng mga mag-aaral sa pag-unawa sa mga aralin ng kasaysayan, kultura, ekonomiya, at mga kontemporaryong isyu sa lipunan.
Ang lahat ng learning resources, babasahin, at modyul na matatagpuan sa website na ito ay maingat na isinunod at iniayon sa Curriculum Guide ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), upang matiyak na ang bawat nilalaman ay naaayon sa mga pamantayan ng kurikulum at angkop sa pangangailangan ng mga mag-aaral. Bukod dito, sinikap ni Dr. Jangao na gawing malinaw, organisado, at madaling ma-access ang mga aralin upang mas mapadali ang pagkatuto at magkaroon ng mas malalim na pag-unawa ang bawat mag-aaral sa mga mahahalagang konsepto ng Araling Panlipunan.
Hindi lamang ito para sa mga mag-aaral ng EFEMHS, kundi para sa lahat ng Pilipino na nagnanais palalimin ang kanilang kaalaman sa ating kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan bilang mamamayan ng bansa at ng daigdig. Sa pamamagitan ng website na ito, hangad ni Dr. Jangao na makapagbigay ng isang makabagong paraan ng pagkatuto, isang digital na espasyo kung saan ang bawat kabataan ay maaaring mag-aral, magsuri, at mag-enjoy habang natututo.
THE ESP OF ARALING PANLIPUNAN (DepEd Iligan) SOON........