Ang Ekonomiks ay nag mula sa salitang Griyego na“Oikonomia”. Nagmula ito sa dalawang salita ang “oikos” na nangangahulugang tahanan at “nomos” nanangangahulugang pamamahala. Kaya kapag pinagsama ang “oikomomia” ay nangangahulugan na pamamahala ng tahanan. Kinikilala ang sambahayan o ang iyong tahanan bilang pinakamabisang modelo ng ekonomiks. Ano nga ba ang dapat pamahalaan sa loob ng tahanan?
SALITANG
GRIYEGO
ANG EKONOMIKS
Likas sa tao na kailanman di nauubusan ng mga nais niya makuha materyal o di materyal na produkto at serbisyo.
Lagi siyang nagnanais na makuha ang kanyang mga kailangan at kagustuhan
Lahat ng mga yaman ay may limitasyon o may hangganan. Maari man itong mapalitan darating ang panahon na ito ay mauubos
Sa pamamagitan ng pag-aaral ng Ekonomiks ,na isang sangay ng Agham Panlipunan, ay maaaring makapag-isip ng paraan paano mapamahalaan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan sa kabila ng limitadong pinagkukunang yaman. Ang Ekonomiks ay magbibigay kasanayan upang mahasa ang iyong matalinong pagdedesisyon upang mapamahalaan ang Kakapusan.