LEARNING CONTENTS
LEARNING CONTENTS
Sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP), ang palatandaan o batayang kakayahan ng functional literacy ay nagpapasya at kumikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat. Ibig sabihin, nilalayon ng EsP na linangin at paunlarin ang pagkataong etikal ng mag-aaral. Ang EsP ay naglalayong gabayan ang magaaral na mahanap / matagpuan ang kabuluhan ng kanyang buhay, ang papel niya sa lipunang Pilipino upang makibahagi siya sa pagtatayo ng pamayanang pinaiiral ang katotohanan, kalayaan, katarungan at pagmamahal. Upang maipamalas ito, kailangang taglay niya ang limang pangunahing kakayahan (macroskills)*: pag-unawa, pagninilay, pagsangguni, pagpapasiya at pagkilos.