1. Nakapagsasanay sa paggalang sa buhay sa pamamagitan ng pag-iingat at pagpapabuti ng sariling buhay:
a. Naiisa-isa ang mga kilos na nagpapahalaga sa sariling
buhay
b. Naipaliliwanag na ang mga kilos na nagpapahalaga sa
sariling buhay ay paraan upang kilalanin ang sariling
dignidad bilang tao at ang mga salik na nakaaapekto sa
pagtataguyod nito
c. Nailalapat ang mga kilos na nagpapahalaga sa sariling
buhay bilang pagkilala sa kaniyang dignidad
Nakapagsasanay sa pagpapahalaga sa sarili sa pamamagitan ng pagsunod batay sa mga isinangguni sa mga magulang, nakatatanda, tagapangalaga o taong pinagkakatiwalaan:
a. Natutukoy ang mga pagbabagong nararanasan sa sarili
b. Nasusuri na ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili ay bahagi ng kanilang pag-unlad bilang tao at paghahanda para sa mga susunod na yugto ng buhay
c. Nailalapat ang mga paraan ng pangangalaga sa sarili habang nararanasan ang mga pagbabago sa tulong ng pamilya
Nakapagpapakita ng kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral
a. pakikinig
b. pakikilahok sa pangkatang gawain
c. pakikipagtalakayan
d. pagtatanong
e. paggawa ng proyekto (gamit ang anumang technology tools)
f. paggawa ng takdang-aralin
g. pagtuturo sa iba
Nakahihikayat ng iba na maging matapat sa lahat ng uri ng paggawa.
Nakapagpapakita ng matapat na paggawa sa mga proyektong pampaaralan.
Nakapagpapatunay na mahalaga ang pagkakaisa sa pagtatapos ng gawain
Nakapagpapakita ng matapat na pag-gawa sa mga proyektong pampaaralan.
Nakapagpapatunay na mahalaga ang pagkakaisa sa pagtatapos ng gawain.
Nakapagpapahayag nang may katapatan ng sariling opinyon/ ideya at saloobin tungkol sa mga sitwasyong may kinalaman sa sarili at pamilyang kinabibilangan. Hal Suliranin sa paaralan at pamayanan
Nakapagpapahayag ng katotohanan kahit masakit sa kalooban gaya ng:
a. pagkuha ng pag-aari ng iba
b. pangongopya sa oras ng
pagsusulit
c. pagsisinungaling sa sinumang
miyembro ng pamilya
at iba pa.