G9 WEEK 3 & 4
PAGSUSULONG NG PRINSIPYO NG SUBSIDIARITY AT PAGKAKAISA
WEEK 3
5. Naipaliliwanag ang:
a. dahilan kung bakit may lipunang pulitikal
b. Prinsipyo ng Subsidiarity
c. Prinsipyo ng Pagkakaisa
(EsP9PL-Ic-2.1)
6. Natataya ang pag-iral o kawalan sa pamilya, paaralan, baranggay, pamayanan, o lipunan/bansa ng:
a. Prinsipyo ng Subsidiarity
b. Prinsipyo ng Pagkakaisa
(EsP9PL-Ic-2.2)
WEEK 4
7. Napatutunayan na:
a. May mga pangangailangan ang tao na hindi niya makakamtan bilang indibidwal na makakamit niya lamang sa pamahalaan o organisadong pangkat tulad ng mga pangangailangang pangkabuhayan, pangkultural, at pangkapayapaan.
b. Kung umiiral ang Prinsipyo ng Subsidiarity, mapananatili ang pagkukusa, kalayaan at pananagutan ng pamayanan o pangkat na nasa mababang antas at maisasaalang-alang ang dignidad ng bawat kasapi ng pamayanan.
c. Kailangan ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisikap na mapabuti ang uri ng pamumuhay sa lipunan/bansa, lalo na sa pag-angat ng kahirapan, dahil nakasalalay ang kaniyang pag-unlad sa pag-unlad ng lipunan (Prinsipyo
ng Pagkakaisa). (EsP9PL-Id-2.3)
8. Nakapagtataya o nakapaghuhusga kung umiiral ang Prinsipyo ng Subsidiarity at Pagkakaisa ay umiiral o nilalabag sa pamilya, paaralan, pamayanan (baranggay), at lipunan/bansa (EsP9PL-Id-2.4)