IBA NA ANG HANDA!
Mabilis na aksyon at pagtugon ang isinagawa ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Dalandanan sa pagsasagawa ng mga hakbang bilang paghahanda sa pagpapatupad ng “limited face-to-face classes”.
Kamakailan lamang ay naisagawa sa paaralan ang pulong-konsultasyon na dinaluhan ng iba’t ibang kinatawan mula sa pamunuan ng paaralan, hanay ng mga mag-aaral at magulang hanggang sa mga lider ng komunidad.
Kaisa sa gawaing ito ang School Governing Council (SGC) sa pangunguna ni G. Ronald A. Trono, Punongguro IV; Gng. Estrella M. Chapoco, Pangulo ng DNHS General Parents-Teachers Association; Kgg. Benito Encarnacion Jr., Punong Barangay ng Dalandanan; at Kgg. Reliza Mei “Aiz” Umali ng Sangguniang Kabataan ng Dalandanan. Kasama rin si G. Carlo Penefiel, Health Officer ng Barangay Dalandanan at iba pang miyembro ng paaralan at komunidad na makatutulong sa pagtatagumpay ng mga proyekto at programang pang-edukasyon.
Ang pagsasakatuparan ng mga gawain sa pagpaplano at paghahanda ay sang-ayon sa DepEd Memorandum No. 85 Series of 2021 na pinamagatang “Preparations for the Implementation of the Expanded Phase of Face-to-Face Classes” at Regional Memorandum No. 44 Series of 2022 na may pamagat na “Implementation of the Expanded Phase of Face-to-Face Classes”.