Kapag maayos mong nai-submit ang iyong mga sagot sa online enrollment ng SHS, makikita mo ang confirmation message na nasa larawan sa kaliwa. Paki-check mo din ang iyong email na ginamit sa pagsagot dahil automatic kang padadalhan ng kopya ng iyong mga sagot. Sa loob ng 24 oras ay dapat matanggap mo na ito kung tama ang email address na iyong inilagay. Kapag hindi naman, maaari kang magsagot uli sa link gamit ang tamang email address. Huwag manghiram ng email address dahil personal ang mga impormasyong iyong ilalagay sa online enrollment form. Ugaliing magabasa ng mga paalala.
Kailan at paano ko malalaman ang section na aking kinabibilangan sa BNHS-SHS?
Isang linggo bago magsimula ang klase ng S.Y. 2021-2022 ay magsisimulang tumawag, magtext or magchat ang mga advisers gamit ang mga numero ng cellphone ng iyong magulang na inilagay sa pagsagot sa online enrollment form. Gagawin ito ng mga adviser mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes. Maaaring hindi ka agad matawagan kaya't maghintay lamang.
Department of Education issues the School Calendar and Activities for SY 2021-2022
IMAGE SOURCE: https://www.facebook.com/DepartmentOfEducation.PH/photos/a.380071542052546/4935281766531478