Baggao National Agricultural School - SM Annex, Moving Forward Towards Excellence
Dear Visitors, Stakeholders and Learners,
Thank you for visiting our website, and welcome to Baggao National Agricultural School Sta. Margarita Annex!
In the challenging times of the school year 2020-2021, our school may look different this year with Self Learning Modules modality of learning yet what will never change is our commitment to serve our learners, stakeholders, and community with care, compassion, and dedication.
We call our community the “BNAS SM Family” because we want our school family to be an extension of your family. We want to serve you not only in times of joy, happiness, and triumph, but also in times of challenge, grief, and struggle. Academic and skills learning and growth are our bottom line, yet we also understand that educating students means being attentive to the “whole child” and caring about their physical, mental, social and emotional well-being. It is always our earnest desire to create this type of atmosphere for them to meet their full potential.
Please share with us your perspectives and let us know how things are going for you and your child at BNAS SM. You can email us anytime at 306002@deped.gov.ph or call our office at 09171021942.
Visit our Official Facebook page “Baggao National Agricultural School Sta. Margarita Annex" and “Follow” our school account. We update this page regularly with insights into what’s going on schoolwide and in our classrooms.
Our website is also a valuable source of information. Every message that we send out to learners and stakeholders can be found on our website, along with our newsletters and other important information.
Baggao National Agricultural School SM Annex is a school that offers quality technical-vocational education which produces globally competitive graduates who are God-fearing and productive citizens.
Thank you for being a part of our family and our school! Let us know how we can help make your BNAS SM experience even better!
We look forward to hearing from you!
Sincerely,
LEYME V. GONZALES
Tatlong taon ding tiniis ni Zekiah Dumayag ang pagtawid sa Ilog Dapir marating lamang ang Baggao National Agricultural School- Sta. Margarita. Nagdulot ito ng panganib sa kanyang buhay kasama ang iba pang kabataang nangangarap dahil umaapaw kung malakas ang ulan. Kung hindi naman ay hindi na siya pumapasok dahil sa takot at hindi na niya kayang tawirin.
“Ayaw ko nang pumasok Inay. Tutulungan na lamang kita sa pagtatanim para hindi ka na nahihirapan.” Ito ang sinabi ni Zekiah nang minsang umuwi siyang basang-basa dahil malakas ang ulan at nilusong niya ang ilog galing sa paaralan.
Nanginginig pa sa takot ang 16 anyos na dalaga na ikinukuwento sa ina ang nangyari. “Ate, tulungan mo ako! Rumaragasa na ang tubig baka maanod tayo!” sigaw niya sa kanyang kapatid nang biglang madulas at nabasa ang bag at ang lahat ng laman nito. Mabuti na lamang at nahawakan siya ng isa pang kaibigan. Naalala pa niya ang pagkakahawak kamay ng mga batang tumatawid sa ilog pauwi ng Pagapag na sinusuong ang panganib maabot lamang ang pangarap.
Habang inaayos ni Aling Dalene ang nabasang gamit ng anak, “habaan mo pa ang pagtitiis anak, igagapang ko ang inyong pag-aaral kahit na mahirap lamang tayo. Patutunayan natin sa ibang tao na may mararating ka. Huwag ka lamang susuko dahil ikaw ang mag-aahon sa akin sa kahirapan. Ang pangarap natin ay bibigyan natin ng katuparan.” Nagyakapan sila at nangako ang dalaga na tutuparin niya ang pangarap nilang mag-ina.
Para sa ina, hindi pwedeng sumuko dahil mas lalo silang malulugmok sa hirap kung hindi sila magsisikap. Gusto niyang patunayan sa iba na mali ang sinasabi nilang hindi makapagtatapos si Zekiah dahil walang-wala sila. Patutunayan niyang hindi hadlang ang kawalan sa pagiging matagumpay.
Nito lamang Mayo, pormal na binuksan ng lokal na pamahalaan ng Baggao ang Dapir Hanging Bridge (footbridge) na nagdurugtong sa Sitio Dapir at Sitio Pagapag kung saan nakatira ang pamilya Dumayag. Makatutulong ang nasabing proyekto sa mas ligtas na pagbaba ng mga taga-bundok papuntang kabayanan lalo na tuwing umuulan. Lubos ang pasasalamat ng mga residente kay dating Mayor Leonardo C. Pattung sa pagtugon sa kanilang pangangailangan.
Higit namang natuwa si Zekiah at ang iba pang mag-aaral dahil hindi na malalagay sa peligro ang kanilang buhay tuwing binabagtas nila ang ilog makapasok lamang sa eskwela. Araw-araw ay inspirado na siyang pumapasok simula sa pagbabalik-eskwela nitong Hunyo 3.
Nasa ikasampung baitang na siya at ngayon ay mas pursigido na siyang makapagtapos hanggang senior high school. Sabi niya, nais niyang kumuha ng kursong edukasyon at tuturuan niya ang mga kabataan sa kanilang komunidad.
“Salamat sa tulay (footbridge) na siyang nag-uugnay sa aking mga pangarap,” sabi ni Zekiah. Sa ngayon, tuluy-tuloy na ang kanyang pagsisikap na marating ang tagumpay at mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.
18th Founding Anniversary