Halina't makiisa sa Retrospect Batang Batangueño
Welcome to Balas Buco Sta. Maria National High School EsP MATICapsule. Ang website na ito ay makatutulong sa inyo upang malaman ang mga makabuluhang gawain dito sa ating paaralan na may kaugnayan sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao. Maari din kayong makakuha ng kagamitan sa inyong pagkatuto.
Ikinagagalak namin na kayo ay mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya. Umaasa kami na makatutulong ito upang matuklasan pa ninyo ang inyong mga kakayahan at talento. Gayundin, matulungan kayong lumago bilang isang mabuting mamayang Pilipino na palaging isinasaalang - alang ang kabutihang panlahat sa bawat oras. Maligayang paglalakbay!
Maka-Diyos
Makatao
Makakalikasan
Makabansa
Pananagutang Pansarili at Mabuting Kasapi ng Pamilya
Pakikipagkapwa - tao
Paggawa tungo sa Pambansang Pag - unlad at Pakikibahagi sa Pandaigdigang Pagkakaisa
Pananalig at Pagmamahal sa Diyos at Paninindigan sa Kabutihan
Ang Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) ay isa sa mga asignatura ng Pinaunlad na Programa ng Batayang Edukasyon na K to 12 na gagabay at huhubog sa mga kabataan. Tunguhin nito ang paghubog ng kabataang nagpapasya at kumikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat. Nangangahulugan ito na lilinangin at pauunlarin ang pagkataong etikal ng bawat mag-aaral. Upang maipamalas ito, kailangang magtaglay siya ng limang pangunahing kakayahan (macro skills): pag-unawa, pagninilay, pagsangguni, pagpapasya at pagkilos.
Ang Badyet ng mga Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao ay ginawa upang mabigyan ang mga guro ng madaling paraan ng pagsasakatuparan ng pamantayang pagkatuto at mapagaan ang sistema ng pagtuturo na hango sa gabay pangkurikulum. Ito ay balangkas ng mga aralin hango sa pinaunlad na programa ng Batayang Edukasyon na K to 12 na gagabay at huhubog sa mga mag-aaral. Kasabay nito ang pagsasaalang-alang sa tunguhin na ang mga mag-aaral ay nagpapasya at kumikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat.
DIVISION OBSERVANCE OF THE FILIPINO VALUES MONTH
DIVISION OBSERVANCE OF THE FILIPINO VALUES MONTH
Noelito R. Opena
Punongguro II
Guro sa ESP 9
Kenneth G. Balba
Guro sa VE 7
Guro sa ESP 9
Guro sa ESP 8
Guro sa ESP 10
Guro sa ESP 9
Guro sa ESP 10