Sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP), ang palatandaan o batayang kakayahan ng functional literacy ay nagpapasya at kumikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat. Ibig sabihin, nilalayon ng EsP na linangin at paunlarin ang pagkataong etikal ng mag-aaral. Ang EsP ay naglalayong gabayan ang magaaral na mahanap / matagpuan ang kabuluhan ng kanyang buhay, ang papel niya sa lipunang Pilipino upang makibahagi siya sa pagtatayo ng pamayanang pinaiiral ang katotohanan, kalayaan, katarungan at pagmamahal. Upang maipamalas ito, kailangang taglay niya ang limang pangunahing kakayahan (macro skills)*: pag-unawa, pagninilay, pagsangguni, pagpapasiya at pagkilos.Â
Ang Edukasyon sa Pagpapakatao ay isa sa mga asignatura na isinusulong ng Kagawaran ng Edukasyon na naglalayon na linangin at paunlarin ang pagkataongetikal ng bawat Pilipinong mag-aaral. Ito ay nakabatay sa Pilosopiyang Personalismoat sa Etika ng Kabutihang Asal. Lubhang mahalaga at kailangan ang asignaturangito upang turuan at hubugin ang mga mag-aaral sa pagpapasya at pagkilos nangmapanagutan tungo sa kabutihang panlahat. Nagsisilbi itong gabay sa payapa at maunlad nilang pamumuhay.