Hi! Pumili na ng student organization na nais mong salihan at mag-sign-up na! Pindutin ang pangalan ng club na nais salihan sa ibaba. Hanggang 50 miyembro lamang ang maaari sa bawat club kaya kapag naunahan ka, subukan mo naman sa ibang club. Enjoy!
Paalala: ang mga umabot hanggang sa Yellow line lang ang pasok sa bawat club.
Araling Panlipunan-IPED Club Enlistment form (Adviser: Ma'am Shirley Buabo)
Kung mahilig ka sa kasaysayan, gusto mong mag-organize ng mga Quiz Bee at film-viewing activities o kaya naman ay may talento ka sa pagtatanghal ng cultural dance, dito ka na!
Barkada Kontra Droga Club (Adviser: Ma'am Josephine Tipay)
Gusto mo bang sumuporta sa adbokasiya kontra droga at masasamang bisyo? Gusto mo bang mag-roganisa ng mga gawaing nakakalibang sa mga estudyante upang umiwas sila sa masasamang impluwensya? Dito ka na!
English Club (Adviser: Ma'am Nanette Kumanab)
Paborito mo ba ang English subject? O gusto mo bang matuto pa o kaya'y hasain ang iyong galing sa pananalita o pagsulat sa wikang Ingles? Gusto mo bang mag-organisa ng mga gawain tulad ng spelling quiz bees, debate, pagsusulat ng maikling kuwento o tula at iba pa? Gusto mo bang magturo ng pagbasa at pagsulat sa mga mag-aaral na nahihirapan sa wikang Ingles? Dito ka na!
EsP Club (Adviser: Sir Babstil Balang)
Paborito mo ba ang EsP subject? Gusto mo bang sumuporta sa mga gawaing nagsusulong ng adbokasiya ng kagandahang-asal at pagpapakatao, gayon na din ang pagiging maka-Diyos? Dito ka na!
Filipino Club (Adviser: Ma'am Jennifer Ferrer)
Isa ka bang makata? Mahilig ka bang tumula, manalumpati, o sumulat din ng maiikling kwento? Gusto mo bang mag-organisa ng masasayang gawain na nagsusulong sa pagmamahal sa ating sariling wika at kultura? O gusto mo din bang magturo ng pagbasa at pagsulat sa mga mag-aaral na nahihirapan sa wikang Filipino? Dito ka na!
Kasama ka ba sa 50members ng Filipino club? Tingnan mo dito.
Journalism Club (Adviser: Larilyn Simber)
Pangarap mo bang maging isang mamamahayag o gusto mo bang matuto kung paano maghayag o magsulat ng balita? Gusto mo bang maranasang makipanayam sa mga tao, manaliksik ng impormasyon, o kaya'y kumuha ng mga larawan ng mga aktuwal na pangyayaring sa iyong kapaligiran? Sumali ka na sa journalism club at matuto pa ng iba't-ibang kalinangan pagdating sa pamamahayag!
Kasama ka ba sa 50members ng Journalism club? Tingnan mo dito.
MAPEH Club (Advisers: Sir Joseph Ramilo/Ma'am Cielo Lumiwes)
Mahilig ka ba sa isports, o kaya'y may talento ka ba sa sining at pagkanta? Gusto mo bang mag-organisa ng mga gawaing may kinalaman sa pagpapasikat sa mga talento ng mga kabataan? Sumali ka na sa club na ito at maging aktibo!
Math Club (Adviser: Ma'am Junabelle Ragos)
Magaling ka ba sa Matematika? Gusto mo bang tumulong na magturo ng matematika sa mga kapwa mo mag-aaral na nahihirapan? Gusto mo bang mag-organisa ng mga gawaing lilinang sa mathematical skills ng mga kabataan? O baka isa ka sa mga kabataang nais maging magaling din sa matematika? Tutulungan ka ng mga kasamahan mo sa club na ito kaya sumali ka na dito!
TLE Club (Advisers: Ma'am Cath Bangtowan/Sir Doms Popok)
Mahilig ka bang magluto? O gusto mo bang matuto kung paano magtahi, magmake-up, o gusto mo bang matuto ng nail-art? Baka gusto mo din matuto ng tungkol sa electrical safety, carpentry at iba pa? Sumali ka na sa club na ito at i-suggest mo pa ang mga skills na nais mong matutunan o ituro sa iba!
Science/SDRRM Club (Adviser: Ma'am Jennifer Dakiwas)
Mahilig ka ba sa Science? Gusto mo ba ng mga gawaing may kinalaman sa pag-eexperiment o pagsisiyasat? Gusto mo din bang matuto ng skills sa pagbibigay ng first aid at marami pang iba? Sumali ka na dito!
Kasama ka ba sa 50members ng Science/SDRRM club? Tingnan mo dito.
Youth for Environment in School Organization (YES-O); (Adviser: Ma'am Mary Ann Cho)
Mapagmahal ka ba sa kalikasan? Gusto mo bang makiisa sa adbokasiya ng pagmamahal at pangangalaga sa kapaligiran, sa paaralan at sa komunidad? Sumali ka na dito!