Pangunahing Pamantayan sa Bawat Yugto
Naipamamalas ang mga kakayahan bilang kabataang mamamayang Pilipino na mapanuri, mapagnilay, malikhain, may matalinong pagpapasya at aktibong pakikilahok, makakalikasan, mapanagutan,produktibo, makatao at makabansa, na may pandaigdigang pananaw gamit ang mga kasanayan sa pagsisiyasat, pagsusuri ng datos at iba’t ibang sanggunian, pagsasaliksik, mabisang komunikasyon at pag-unawa sa mga batayang konsepto ng heograpiya, kasaysayan, ekonomiya, politika at kultura tungo sa pagpapanday ng maunlad na kinabukasan para sa bansa.
Mga Kasanayang Pagkatuto sa Bawat Yugto
Unang Yugto: Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ng mag -aaral ang pag - unawa sa ugnayan ng kapaligiran at tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano
Ikalawang Yugto: Ang mag -aaral ay naipamamalas ng mag - aaral ang pag - unawa sa mga kaisipang Asyano pilosopiya at relihiyon na nagbigay -daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano.
Ikatlong Yugto: Ang mag -aaral ay naipamamalas ng mag - aaral ang pag - unawa sa pagbabago, pag - unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon.
Ikaapat na Yugto: Ang mag-aaral ay napapahalagahan ang pagtugon ng mga Asyano sa mga hamon ng pagbabago, pagunlad at pagpapatuloy ng Silangan at TimogSilangang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon
Magandang Buhay! Maligayang pagbabasa sa inyong lahat. Halina't sabay-sabay tayo sa panibagong malikhaing pagkatuto!
Abigail D. Salazar
Teacher-I
Araling Panlipunan Department
Angeles City Science High School
Angeles City
Angeles City Science High School
Doña Aurora St., Lourdes Sur East
Angeles City, Pampanga