Ano nga ba ang ALS at paano ito nagsimula?


Ang Altenative Learning System o ALS ay isang programa ng Department od Education (DepEd) na naglalayong matululungan ang mga Out-of-School Youth and Adults, mga manggagawa, may kapansanan, nakalaya sa bilangguan, dating rebelde ng gobyerno, mga katutubo, at iba pang tao na hindi nakapasok sa paaralan o hindi nakatapos ng pag-aaral ngunit nagnanais matuto at magpatuloy sap ag-aaral.

Nagsimula ang programang ito noong 1984 at unang nakilala bilang Non-Formal Education na ang pangunahing layunin ay ang makatulong sa paglinang ng teknikal na akapasidad ng mag-aaral upang magamit nila ito sa kanilang paghahanapbuhay.

Nang maging Alternative Learning System ito noong 2004, nadagdagan na rin ang programang nasasakupan nito. Maliban sa pagtuturo ng livelihood education, kabilang na rin dito ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga kababayan natin na makakuha ng Elementary at High School na diploma.

An g Community Learning System o CLC ay isa ng lugar kung saan isinasagawa ang pag-aaral ng ALS. Bawat siyudad o munisipalidad sa Pilipinas ay may sariling CLCs kung saan pumupunta o pumapasok ang mga mag-aaral ng ALS. May nakatalgang isang guro sa bawat CLC na kung tawagin ay Mobile Teacher, District ALS Coordinator o Instructional Manager. Sila ay maaring isang guro mula sa DepEd o isang propesyunal at bihasang manggagawa sa sangay ng kanyang sining.

Ang mga mag-aaral na nagnanais na makapag-enroll sa isang ALS class ay hinihikayat na pumunta sa pinakamalapit nsa CLC upang makapili sila sa kung anong Livelihood Education o Literacy Class ang programang nais nilang pasukan. Ang mga mag-aaral na mag-eenroll ssa Literacy Class ay pinapakuha ng Oral at Written Exam o ang tinatawag na Functional Literacy Test (FLT) upang malaman kung saang grupo sila maaring ibilang sa elementary o sa high school level depende sa resulta ng pagsusulit.

Kung ang isang OSYA ay hindi nakapasok sa eskwelan o nakaranas ng isang pormal na edukasyon, sila ay pansamantalang ibibilang sa Basic Literacy Program kung saan sila ay tuturuan ng pagbabasa at pagbibilang. Matapos ito'y makakapagpatuloy na sila sa programang nais nilang pasukan.

Araw-araw ang karaniwang klase sa ALS, ngunit nakadepende pa rin sa ALS Teachers kung ilang oras sa isang araw o ilang araw sa isang linngo ang knilang ipapasok. Kung ang isang estudyante ay hindi makakapasok nang dahil sa 'di maiiwansang pangyayari o ano pa mang kadahilanan, sila ay pahihintulutang mag-uwi ng kopya ng mga aralin o modyuls upang kanilang mapag-aralan.

Nakapaloob sa mga modyuls na ito ang ilang katanungan at maikling pagsasanay upang ma-assess kung hanggang saan na ang kanilang natutunan sa ginawang pag-aaral. Matapos masagutan ang mga ito ay ibabalik sa mga ALS Teachers upang mamarkahan.

Ang ALS A&E ay nahahati sa anim na kategorya. Ito ay ang Communication Skills (English and Filipino), Scientific Literacy and Critical Thinking Skills, Mathematical and Problem Solving Skills, Life and Career Skills, Understanding the Self and Society at Digital Literacy. Ang mga araling ito, na kung tawagin'y Learning Strands, ay isinama sa ALS A&E upang maturuan din ang mga mag-aaral ng mga praktikal na kaalaman na maari nilang magamit, hindi lamang sa trabaho, kundi sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Ang A&E classes ay karaniwang tumatagal ng walong daang oras para makumpleto ang pag-aaral, ngunit maaari rin itong magbago depende sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Gaya ng mga mag-aaral sa pangkaranian g paaralan, ang mga mag-aaral ng ALS A&E ay binibigyan din ng mga pagsasanay at pagsusulit upang masukat ang kanilang natutunan. Ang mga pagsusulit na ito ay maaaring may fill-in the blanks, multiple choice at pagsagot ng essay. Sa pagtatapos ng pag-aaral, hinihikayat ang bawat mag-aaral na kumuha ng isa pang pangsusulit upang makakuha ng isang certiticate katumbas na rin ng elementary o high school diploma, ito ang A&E Test.