ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM SA LA UNION
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM SA LA UNION
Ang Alternative Learning System (ALS) ay programa ng Department of Education na nagbibigay ng libre at alternatibong paraan ng pag-aaral para sa mga kabataan at may edad na hindi nakapagpasimula o nakapagtapos sa paaralan para magpatuloy ng pag-aaral sa Elementary, Junior High School (JHS) level at ALS Senior High School Level.
Ang kabuuang bilang ng nag-enroll sa ALS sa La Union para sa School Year (SY) 2023-2024 ay 4,105. Ito ay tumaas sa 4,193 noong SY 2024-2025 dahil sa marubdob na adbokasiya ng mga ALS implementers sa iba‘t ibang distrito sa La Union Division
Mayroon nang ALS Senior High School sa La Union sa mga sumusunod na paaralan: Bacnotan NHS, DEGMNHS, Naguilian SHS, San Gab. VHS, Luna NVHS, Aringay Senior HS, Pugo CNHS, San Julian Integrated School
Sa ngayon ang Senior High School sa ALS ay mayroon lamang sa mga pilot schools sa ilang bahagi ng bansa. Inaasahang darami pa ang mga ito sa mga susunod na taon upang maparami pa lalo ang oportunidad para sa ALS JHS Completers.
Sa ALS may pangalawang pagkakataon ka na mapabuti ang kalidad ng iyong buhay at makatulong sa iyong pamilya at komunidad, sa ALS may pag-asa!
ALS SHS Graduates SY 2024-2025
112
COMMUNITY LEARNING CENTERS
Ang Community Learning Centers (CLCs) ay mga pasilidad sa pamayanan kung saan karaniwang ginaganap ang klase. Mahalaga ang maayos, malinis, at matibay na CLCs para sa mga ALS learners at teachers.
Sa ilalim ng Republic Act No. 11510 o ALS Act, maglalaan ang DepEd at ang Local Government Unit (LGU) ng isang ALS CLC sa bawat munisipyo at siyudad sa buong bansa. Ito ay upang siguraduhing maayos at ligtas ang pagpapatupad ng ALS Program sa ilalim ng ALS K to 12 Basic Education Curriculum sa buong bansa.
Sa kasalukuyan, may 242 na CLCs sa na matatagpuan sa twenty-two distrito sa La Union. Ang 54 ay school-based (borrowed classroom) at ang 188 ay community-based (borrowed space from barangay halls, etc.)
BUDGET PARA SA ALS
Noong School Year 2024-2025, ang pinakamalaking bahagi ng budget ng Division of La Union para sa ALS ay galing sa ALS Program Support Funds (PSF) na bahagi ng DepEd budget sa ilalim ng General Appropriations Act. Sumunod dito ay mula sa LGUs, Non-Government Organizations (NGOs), at mga donasyon. Sa ngayon, limited lamang ang naibabang pondo mula sa budget ng DepEd para sa ALS, umaasa ang ALS La Union Division ng tulong mula sa ating mga partners at stakeholders lalong lalo na sa pag rehabilitate ng ating mga CLCs, mga school supplies at iba pa para sa matagumpay na pagpapatupad ng ALS Programs, Projects, and Activities.
2025-2026
LIS Enrolment
BLP - 93
A&E Elementary - 437
A&E JHS - 2597
ALS SHS - 268
TOTAL NUMBER OF ALS IMPLEMENTERS
ALS Teachers - 64
Community ALS Implementers - 5
Ang ALS learner na makakakumpleto ng ALS Program ay makatatanggap ng diploma (para sa elementary level) o certificate of completion (para sa JHS Level) kung siya ay makakapasa sa Presentation Portfolio Assessment o Accreditation & Equivalency (A&E) Test.
Sa ilalim ng Republic Act 11510, narito ang mga oportunidad para sa Elementary at JHS level passers:
TULONG NA KAILANGAN MULA SA LOKAL NA PAMAHALAAN
Malaki ang maitutulong na suporta mula sa LGUs at iba pang support groups o organizations para mapahusay ang implementasyon ng ALS Program. Narito ang ilan sa mga suportang maaaring gawin:
Magpasa ng mga ordinansa para paunlarin ang pagpapatupad ng ALS Program, Projects and Activities;
Magsaayos ng livelihood programs, skills training, at employment opportunities para sa ALS learners at completers;
Maglaan ng lugar at pinansyal na suporta para sa pagpapatayo ng CLCs; at,
Magbigay ng health and safety at school supplies sa ALS learners at teachers.
Kapag kulang ang budget at suporta, nangangahulugan ito ng:
kakulangan ng mga programa na tutugon sa iba pang learning at training needs
mababang bilang at kalidad ng community learning centers (CLCs)
kakulangan ng mga learning modules at iba pang learning resources