ANG KASAYSAYAN NG SALVACION NATIONAL HIGH SCHOOL

1968-2024

 

 

Ang Salvacion National High School ay matatagpuan sa Barangay Salvacion, ang lugar na kinalalagyan ng pamahallaang local ng Busuanga. Ang munisipyo ng Busuanga ay sa pinakahilagang bahagi ng lalawigan ng Palawan. Ito ay isa sa apat na munisipyong bumubuo ng “Calamianes Group of Islands”.

 

      Ang Busuanga ay may 14 na Barangay at siyam sa mga ito ay may kumpletong paaralang elementary. Ang mga ito ang siyang nagsisilbing “feeder schools” ng Salvacion National High School. Nagsimula ang Salvacion National High School bilang isang Barrio High School noong 1968. Ang dating Tagapamahala ng Sangay ng Palawan noon na si G. Marcelito San Juan ay nagmungkahi sa Punong Bayan Anthony Parmelee na maaaring magtatag ng isang mataas na Paaralan dito. Ang mungkahing ito ay ipinarating ni Mayor Parmelee sa mga liders ng komunidad. Nagkaisa ang mga liders na ito at sa pagsisikap at pagtitiyaga nila ay nakabuo sila ng isang resolution. Ang namumunong ito ay sina Gng. Lucia N. Barracoso, TIC sa  Salvacion Elementary School, Brgy. Captain Jose Bacuel at kanyang konsehal na sina Eladio Agnes, Rosita Mayo, Victor Mantana, Santiago Libarra, Luis Tomillo, Jovencio Abarre at kalihim ng Barangay, Jose Hachero. Naipasa nila ang Resolution bilang 2 s. 1968 noong ika – 25 ng Pebrero, 1968 ipinadala nila ito sa Tagapamanihala ng Sangay ng Palawan.

     

      Sa masusing pag-aaral ng mga papeles at dokumento , nagpadala ng isang telegram si Superintendent Santos Lanzanas ng kapangyarihag buksan ang Paaralan. Ito ay noong Agosto 15, 1968, itinalagang Assistant Principal si Gng. Lucia N. Barracoso.

 

      Isang klase sa unang taon ang binuksan na binubuo ng 40 mag-aaral. Si G. Elias Banatao ang nahirang na full time teacher. Siya ay tinulungan nina Gng. Barracoso, Gng. Adelaida Hachero at Bb. Cora Santos Sarmiento na nagturo ng isang asignatura “on honorium basis”.

 

      Nang sumunod na taon, humirang ng isa pang full time teacher si Bb. Elizabeth SarmientoRafols dahil binuksan ang una at ikalawang taon. Ang kakulangan sa sweldo at laging pagkaantala ng sahod ang naging dahilan kaya sila nagresign. Napalitan sila nina G. Arsenio Tabang at Gng. Lourdes Tamayo. Ang dalawang gurong ito ang malaki ang sakripisyo sa pagtuturo sa High School sa loob mg mahigit limang taon. Kahit maliit ang sweldo at palagi pang naantala dahil umaasa lang sa tution fees, benefit dances at iba pang fund raising projects at donation. Isa sa mga nakatulong sa paaralan ay ang COCOFED local chapter sa pamumuno ni G. Jesus Barracoso. Nagbigay ito ng scholarship grants sa mga anak ng mga miyembro ng COCOFED. Bukod dyan ay nagbigay din sila ng mga aklat at kagamitang pampaaralan.

 

      Noong 1973 ay nasarhan ng dalawang buwan ang paaralan dahil kulang ang pondo. Ngunit naawa ang ilang namumuno ng barangay sa mga mag-aaral  na hindi na makapagpatuloy ng pag-aaral kaya gumawa sila ng paraan. Sa pamumuno ng Asst. Principal at mga barangay opisyales sa pamumuno ni Brgy. Capt. Macario Mantana, nabuksan ang ikatlong taon na binubuo ng 27 mag-aaral. Napakiusapan din ang dalawang guro na sina G. Tabang at Gng. Tamayo na magturo kahit mababa lamang ang sweldo. Nang sumunod na taon, 1974-1975 ay binuksan ang una sa ikaapat na antas, sa taong ito nagkaroon ng unang pagtatapos, sila ay 19 na nagsipagtapos.

 

 

 

 

      Noong 1976 pinalitan ang pangalan ng paaralan sa halip na Barrio High School ay naging Salvacion Barangay High School. Nabigyan na rin ng “national Subsidy” ang paaralan. Bukod sa 2 full time teachers ay nakatulong din nila ang mga guro sa elementary na sina Bb. Michaela G. Tamayo na nagturo ng Physics at General Science II at Bb. Yolanda Rabang Dadaya (sumakabilang buhay na) na nagturo ng Home Economics.

 

      Noong 1977-1978 naging kumpleto na ang lahat ng antas. Nadagdagan na rin ang bilang ng mga full time teachers, bagamat si Gng. Lourdes Tamayo ay nagbitiw upang ipagpatuloy ang kanyang MA degree sa Maynila, naiwan si G. Tabang at ang kanyang naging kasama ay sina Bb. Illuminada G. Tamayo, Ginoong Napoleon Gadiano,Gng. Cleopatra Kethlaor (ngayon Maceda), Bb. Loida Dela Torre (na naging Dimanalata), at Gng. Alicia Arceo.

 

      Noong 1981, nagbitiw si Gng. Lucia Barracoso bilang Assistant Principal dahil pupunta sila sa Estados Unidos. Inirekomenda niya si Bb. Michaela G. Tamayo para pumalit na namumuno dahil lumipat na sa High School si Bb. Tamayo bilang full time teacher. Siya ay naglingkod bilang Teacher In-Charge hanggang Disyembre 26, 1988, kung saan siya ay napromote bilang Head Teacher. Noong September 29, 1995 napromote ulit siya bilang Principal I na naging position nya hanggang sa siya ay magretiro noong Nobyembre 12, 1996. Pumalit si Bb. Illuminada G. Tamayo bilang Teacher In-Charge.

 

      Noong 1981 din itinayo ang unang gusali na BLBB Type B sa sariling lupa ng paaralan.  Ito ay nasundan ng isa pang tatlong silid na gusali noong 1982.

 

Taong 1984, nang bumalik si Gng. Elsa O. Salamatin hindi bilang isang mag aaral kundi isang guro at nagsilbi sa kanyang Alma Mater. 1986 nang lumipat sa Coron School of Fisheries sina Gng. Cleopatra Kethlaor Maceda at si Gng. Alicia Arceo. Ang pumalit sa kanila ay si Gng. Erlinda M. Abreu at G. Anastacio Tabago.

 

Noong 1988 nang ang karamihan sa mga barangay high school ay ginawang national high school. Isa ang Salvacion Barangay High School sa mga napiling National High School. Ito ay sa pagpupunyagi ng Principal Michaela G. Tamayo, Punong Bayan Sotero D. Alarcon, Congressman David Ponce De Leon at Speaker Ramon V. Mitra.

 

Nagretiro bilang Principal si Bb. Michaela G. Tamayo sa edad  na 65 noong November 12,1997 at pumalit na Teacher In-Charge si Bb. Iluminada G. Tamayo mula sa 22 taon na adviser ng 4th year. Sa kanyang panunungkulan ay namayagpag ang mga mag-aaral ng ating paaralan sa larangang akademiko lalo na sa mga paligsahang pandebisyon. Sa kanyang kapanahunan din nakilala ang opisyal na pahayagan ng Paaralan, “ Ang The SNHS Torch” dahil na ring sa sipag at galling ng tagapayo ng Editorial Staff na si Bb. Cristina A. Ferrer.

 

Nagretiro si Bb. Iluminada g. Tamayo sa edad na 65 noong Nobyembre 30, 2002

 

Ang sumunod na nanilbihan ay si Gng. Elsa Osores Salamatin bilang Officer In-Charge kapalit ni Bb. Iluminada G. Tamayo noong November 30, 2002. Napromote na principal noong March 18, 2003. Naging masaya ang samahan ng mga guro noong kanyang panunungkulan. Dumami  ang bilang ng section ng mga mag-aaral na umabot hanggang 486 noong taong 2005. Nagtransfer si Gng. Salamatin sa Abo-Abo NHS noong January 31, 2006.

 

 

 

Pumalit naman si Dr. Aurelia T. Panlilio bilang Prinsipal noong February 6, 2006. Dahil sa kanyang sipag sa pag reach out sa mga stakehoders, dumami ang building at bilang ng mga teaches. Sa kanyang panunungkulan din napasimulan ang pader na bakod sa harap ng paaralan, at ang parpupursige na maiging Implementig School an gating Alma Mater.

 

Dahil sa pinsalang dulot ng bagyong Yolanda nang siya’y manalasa sa atin noong ika- 9 ng Nobyembre, 2013, maraming biyaya ang dumating. Nagdonate ng 2 classroom building ang ABS CBN Programa Genio/Kapamilya Foundation/Sagip Kapamilya. 2 classroom din mula sa Agape Foundation at isang classroom na may kasamang 45 arm chairs ang dinoate ng mag-asawang Elsa Leaňo at Sir Hugo Moeyerson at pagfacilitate nina Sir Reynold Agnes at Celestina Sanchez Agnes, Ms. Rossana Chie Mayo Wong at Ms. Ma. Ana Dalabajan Mercado.

 

At sa tulong din ng mga alumni ng Paaralan, nagkaroon ng matibay at magandang gate ang Paaralan. Ito ay sa pinagsama-samang donasyon ng mga alumni na nagtatrabaho sa ibang bansa. Muli naman etong pinaayos ng ating PTA Officers noong 2021.

 

Mula sa isang guro ng Paaralan at hiram na silid-aralan sa elementary, noong June 2014 ay mayroon ng 20 guro, isang bookkeeper, isang disbursing officer, security guard at utility worker an gating paaralan na pinamunuan ni Gng. Evelyn B. Nadado, isa ring alunmnae. Sa kanyang pamumuno, nagkaroon  ng 18 classroom, 1 guidance office, administrative bldg., computer room at multi-purpose hall. Tumaas din ang bahagdan ng mga nagsipag aral dito. Mula 400 hanggang 575.

 

Taong 2015, naitayo ang 4 na classroom. September, 2015 ng simulang itayo ang Science Laboratory na nagkakahalaga ng Tatlong Milyong peso mula sa Vivant Foundation isang foundation sa kompanya ng CIPC na siyang pingkukunan ng kuryente ng Busuanga Island. Naiturn over ang nasabing gusali noong January, 2016. Sinundan pa eto ng kumpletong set ng Basic Junior Science equipment at STEM equipment na nagkakahalaga ng 1,288,333.00. Lahat ng ito ay nanggaling sa Vivant Foundation.

 

Ang dating masukal na kanal na daanan ng tubig sa likod na bahagi ng school site at nagsimulang patagin noong January 2016 at natapos noong February, 2016. Ang pagriprap ng bangin ay pinagtulong tulungan ng mga mag-aaral at iba pang ahensya at pribadong mamamayan sa pamamagitan ng Brigada Eskwela noong Mayo 30-Hunyo 4, 2026 kung saan ang paaralan ay ginawaran bilang “Best Implementer ng Brigada Eskwela” sa buong Palawan. May 16-22, 2016 nagkaroon ng mga bisitang mag-aaral na Singaporean ang paaralan. Nagkaroon ng cultural exchange sa pamamagitan ng mga laro, sayaw at pagpipinta sa pader na bakod ng paaralan. Hunyo 13, 2016 nagsimula ang senior High School Program hindi lamang dito sa paaralan kundi sa buong Pilipinas. Ang mga offer ng School sa Academic track ay General Academic Strand, Accountancy Business & Management, Science Technology, Engineering & Mathematics. Sa Tech-Voc naman ay Bread & Pastry, Food and Beverages, Bartending, Front Office services, Tourism Promotion & Tour Guiding, Wellness & Massage, Housekeeping and Hairdressing. Nagkaroon ng 153 na mag-aaral sa Senir High School mula sa iba’t ibang paaralan sa Busuanga at Coron. Dinadayo ang Paaralan dahil ito lamang ang may offer na ABM at STEM sa buong Calamian. Ang unang 6 na guro ng SHS ay sina Gng. Deverly F. Arceo, Gng. Geraldine D. Libarra, Bb. Zoila Luz M. Ilan, Ginoong Randolph T. Carandang, Gng. Raquel L. Reyes at Gng. Debra Gail B. Alarcon

 

 

 

 Ikalawalong taon na rin ang pag offer ng OHSP. Ang unang batch ng Completers ay noong 2015-2016 na may bilang na 13 sa mahusay na pangangalaga ng kanilang adviser na si G. Rogelbert M. Reyes. Dalawang taon hanggang sa SHS, kung saan ang unang batch na graduate ay noong  School Year 2022-2023, 46 na mag aaral ang nagsipagtapos sa matiyagang pangangalaga ng kanilang adviser na si G. Christian C. Maglantong

     

      Taong 2016-2017, nagkaroon ng karagdagang 4 na guro sa Senior High School. Kaya sa kabuuan ay mayroong 25 Teachers, School Principal II, 1 Bookkeeper, 1 Disbursing Officer, 1 Admin Assistant, 2 Security  Guard. Noong 2016-2017, nagkaroon ng 7x18 building para sa library. Ang mga aklat ay galing sa donasyonng ABS CBN Foundation, Singaporean at Magallanes Publishing House. Natapos at nagamit ang bagomg 2 palapag na gusali na may 6 na silid aralan para sa Senior high School noong December 3, 2016. May dumating kaagad na 250 plastic arm chairs para rin sa gusaling ito. Nagdonate din ng 40” Sony Bravia TV ang knowledge Channel na nka align sa K-12 Curriculum.

 

Nakakalungkot nga lang dahil 2 sa mga guro ang pumanaw na. Si Gng. Naomi G. Reňos noong June 13, 2016 at si Gng. Delia B. Aunang na namatay noong Enero 4, 2017. Si Bb. Janette B. Dauba na naglingkod ng mahigit 3 taon sa paaralan ay nagtransfer na rin sa Taytay, Palawan na siyang pinalitan naman ni Jorrel M. Reyes na graduate  din sa paaralang  ito na nagsilbi naman sa Concepcion NHS sa loob ng mahigit 4 na taon. Isang bagong guro sa katauhan ni Bb. Eden P. Sayson Aborot ang pumalit sa item ni Gng. Reň0s . na nagreport sa Paaralan noong Enero 9, 2017 at si Bb. Lannelyn Dalit, ang bagong Admin Assistant na nagreport sa school noong January 15, 2017.

 

      Isang napakalaking proyekto ang naisakatuparan ng Salvacion NHS Parent Teachers Association sa panahon ng Brigada Eskwela. Ang paggawa ng 9 na comfort Rooms sa bawat classroom  sa tulong  na rin ng donations na galling sa mga pribadong indibidwal at kompanya. Ito ay sa kadahilanang ninnnais ng paaralan na ma-provide ang basic needs  ng mga mag –aaral. Kasama dito ang pagkakaroon ng hot and cold water dispenser sa lahat ng classroom para mapainom o mapakain ng mainit na sabaw ang mga batang hindi nag-aalmusal. Upang mas mapabuti ang pag aaral ng mga bata, napagkasunduan ng bawat magulang na mgkaroon ng sariling telebisyon ang bawat Classroom.

 

      August, 2017 hanggang October 2017, magkakasunod na dumating ang mga TVL equipment galling sa DepED at sa ABS CBN, maging ang paaralan ay nakapamili rin ng TVL Equipment galling sa Canteen Fund

 

      Sa larangan ng sports nananatili pa ring kampeon ang Paaralan sa loob ng mahabang panahon.

Ang nakasanayang larong pangkopetisyon ay nadagdagan pa ng Arnis , Sepak Takraw at Billiards  kung saan mas lalong ipinakita ng mga manlalaro ang kanilang kahusayan at dedikasyon sa paglalaro.

 

      Sa larangan ng Tech Voc, patuloy pa ring hinahasa ng ating mga magagaling na mga guro kung paanong sila’y matutong makasurvive sa hirap ng buhay. Patuloy silang tinuturuan kung paanong kumita mula sa mga raw materials na nasa paligid lamang tulad ng ginagawa ng mga TVL Teachers ma pa JHS man eto o SHS.

 

 

 

 

 

 

      Noong December 15, 2017 pagkatapos ng 3 sunod sunod na pagkatalo sa Drum N’ Lyre Competition, muling nakuha ng Paaralan ang Kampeonato. At noong Nobyembre, 2023 ang Salvacion NHS ay kabilang sa mga tumanggap ng award mula Sa DILG , “Linis at Ganda Tatak Busuangeňo.

 

Ang Immersion On-the – Job Training ng mga mag-aaral sa Grade 12 ay nagsimula noong November 17, 2017. Ang Mga naging partners ay Busuanga Bay Lodge, CIPC, Bancuang Mansion, JY Travel and Tools, Sakura Restaurant, Josefina’s Lodging House at ang ating Municipal Government.

 

Mas maraming mag aaral, mas lalong kailangan madagdagan ang bilang ng ating mga dakilang bayani . January 19, 2018 isang karagdagang guro ang dumating sa katauhan ni Angelin N. Cayao na isang English Teacher mula sa Lungsod ng Puerto Princesa City. Sinundan. Kabilang sa mga bagong guro na dumating ay sina: G. Marvin Labrador – ArPan Teacher, Gng. Genely P. Samaco- Mathematics Teacher , Ariel Edmond C.  Davatos – Tech Vov, G,. Dennis N. Bacosa- ABM Teacher. Gng. Anabelle A. Privado – Filipino Teacher ,  Rose Ann M. P. Estaň0- Mathematics Teacher

At si Ginoong John Louie M. Melendez- SHS teacher

 

April 3, 2018, ganap na ika-10 ng umaga nagana pang makasaysayang unang graduation ng Senior High School na may 135 graduates na dinaluhan ng Schools Division Superintendent Servillano Arzaga at ang Guest Speaker ay si Commissioner Roy D. Dabuit. Na sinundan ng Moving Up Ceremony na may 169 Completers. Noong nakaraang panuruan 2022-2023, ang bilang ng mga nagsipagtapos ay lalong tumaas. 218 ang nagsipagtapos na kinabibilangan ng 46 na OHSP.

 

May karagdagang guro naman ang dumating upang maging bahagi ng lumalaking pamilya ng Salvacion NHS. June 3, 2019, nang dumating sina Gng. Lucy D. Somollo- TLE Teacher, Rachel P. Lagan- ArPan Teacher, Christian Magtanong- ArPan Teacher, Anna Jane Patricio – ArPan Teacher and Arvielyn B. Salas- MAPEH Teacher.

 

Sa tulong ni Gng Sofia D. Villareal – Public School District Supervisor and Gng. Evelyn B. Nadado, School Principal at sa  kabila ng napakaraming trabaho bilang isang guro, nagawa paring ipagatuloy ng mga guro Ang kanilang pag-aaral. 18 sa mahigit 36 na mga guro ang nag enroll at nakapagpagtapos ng kanilang Masters’ Degree.

 

      Marso 20, 2020 ng idiniklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Buong Pilipinas under State of Calamity. Walang F2F Classes, wala ring F2F Graduation and Completion. Sa kabila ng lahat patuloy pa rin ang paggawa ng gawaing pampaaralan thru Work From Home. Nagkaroon ng iba’t ibang strategy ang paaralan upang hindi matigil ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Naging malaking hamon eto lalo na sa mga guro. Nahati sa limang pangkat ang mga guro upang maiparating ang Learning Activity Sheets/Modules sa mga mag-aaral. Bukod pa doon, halos 20% na lamang ng area ng paaralan ang maaring gamitin ng mga guro sa dahilang ginamit eto ng mga LSI ng panahon ng Pandemic at gianwang Evacuation Center.

     

      Sa panahon ng panunungkulan ni Gng Evelyn B. Nadado, namayani ang desiplina sa mga bata. Nahasa ang mga mag aaral sa public speaking. July 2020, nang matapos ang kanyang panunungkulan  bilang School Principal at na napalitan ni Gng. Christine Heidi B. Garcellano na noo’y kasalukuyang PSDS Ng Coron Coastal at School Head Ng Claudio Sandoval Elementary School South.

 

 

      2021, Nagkaruon ulit ng karagdagang guro sa katauhan nina: Bb.  Aubrey B. Nadado – MAPEH Teacher and Merry Joy G. Mayo – MAPEH Teacher (pawang alumni ng Salvacion NHS)

 

      Taong 2022 nang muli na namang madagdagan ang guro ng SNHS sa katauhan nina Gng. Christine Sumido – Filipino Major at Ginoong Harjim L. Truman Science Major.

 

      Bagamat may mga nadagdag na mga guro, mayroon ding umaalis dahil silay bumabalik din sa kanilang lupang sinilangan. July, 2022 nang si G. Marvin Labrador ay bumalik sa GAMS. July, 2022 naman natapos ang kontrata ni Gng. Amelita E. Canoy  February, 2023 nang si Gng. Lucy Somollo ay bumalik na sa Puerto Princessa City at August, 2023 naman ng lumipat sa San Vicente, Palawan si G. Dennis N. , Bacosa. Mga gurong nagkaroon ng malaking bahagi sa paghubog ng kaalaman, ng pagkatuto ng bawat mag-aaral ng Salvacion NHS.

 

 Kasabay ng paglisan ng mga nabanggit na guro ay ang pagtatapos ng pamumuno ni Gng. Christine Heidi B. Garcellano. Noong ika 25 ng Agosto, 2023.  Sa kanyang panahon, naging bahagi ang Salvacion NHS Sa SEARCA- Southeast Asian Regional Center for Graduate Study and Research Agriculture. Naging aktibo rin ang school sa mga training para sa Gulayan sa Paaralan, sa pangunguna ni Gng. Merlin Chang-Asen at Ginoong Arnold B. Palabay. Tatlong beses na naging ang Salvacion NHS sa mga training na pinangunahan ng SEARCA.

Sa panahon ng panunungkulan ni Mam Garcellano, marami rin ang natulungan nyang guro upang mapromote sa kani kanilang position, nadagdagan ng tatlo ang dati dalawang Department Head, ang dating I Master Teacher ngayon ay 5 na rin.

 

Bago magsimula ang taong panuruan 2024-2025 nadagdagan agad ang mga TLE Teachers sa katauhan ni Bb. Saskia A. Antiquenio, isa ring alumnae ng SNHS. At neto lamang Linggo, August 11, 2024 ipinakilala rin ang dalawang guro para sa Senior High. Sila ay sina Ginoong Placido O. Flores – TVL ICT Major at Bb. Clarissa D. Mendoza – TVL HE Major. Nadagdagan din ang bilang ng mga Non-Teaching Personnel sa kayauhan ni Mam Marydith D. Manaeg bilang Administrative Officer.

 

Sa ngayon, ang Salvacion NHS ay mayroong 39 na guro,I School Principal, I Senior Bookkeeper, 3 School Guards, I Utility, 1 School Librarian, 1 AO , at 4 Canteen Staff at mayroonr 935 enrollooes. Maikling panahon pa lamang ang inilalagi ni Gng. Sofia D. Villareal bilang School Principal, pero mayroon na agad syang natulungang teacher upang mapromote.

     

      Patuloy pa rin ang pagtanggap ng biyaya ng ating Alma Mater mula sa DepEd. May mga gamit para sa Math and Science an gating natanggap para sa ating mga mag-aaral sa JHS/SHS.

 

      Anumang unos ang dumating sa Salvacion NHS, patuloy pa rin itong nagpapakita ng kahusayan sa bawat mag aaaral na piniling maging bahagi neto. Marami na rin ang nagtagumpay sa mga nagsipagtapos na humawak ng mga responsableng posisyon sa pamahalaang local, national at sa iba’t ibang institusyon. Kabilang na dito ang mga natitirang matitiyaga at masisipag na mga guro na sina Gng. Virginia C. Montilla , Gng. Elizabeth S. Salalima, Bb. Perpetua L. Bacuel, Gng. Crisanta B. Silverio , Ginoong Jorrel James M. Reyes, Bb. Marilie L. Francisco at ang mga batang batang mga guro  na sina Ginoong Christian Maglantong, Gng Florence Ivy Magtaning, Bb. Ma. Jessica B. Ayuban, Bb Aubrey B. Nadado , Bb. Merry Joy G. Mayo at Bb. Saskia A. Antiquenio

 

      Kung ang bawat nagsipagtapos na SNHSians ay matatawag nating matatag, mahusay at matagumpay, iyon ay dahil sa pagpupunyagi at pagsisikap ng mga taong patuloy na tumutulong upang mas lalong patibayin ang ating Alma Mater. Mga gurong nagtitiyaga at nagtitiis  , mga opisyales na nagmamalasakit sa kapakanan ng mga kabataan ng Busuanga.

 

 Sa mga Stakeholders na patuloy na sumusuporta sa kabila ng pagbatikos, paghamak, pagkutya ng iba, kayo ang tunay na bayani ng paaralan. Sa mga pioneer na guro ng Salvacion NHS, saludo po kami sa inyo. 

 

      Anuman ang tinatamasa natin ngayon, Malaki ang utang na loob natin sa mga taong naging daan para tayo maging matatag, mahusay at matagumpay.

 

      Kaya nararapat lamang na alalahanin at pasalamatan sila sa tuwing nagkakaroon ng ganitong pagtitipon sa ating paaralan.

 

      Bilang alumni ng Paaralang ito, hindi natin mararating ang mga kinalalagyan natin ngayon kung hindi dahil sa kanila.

 

      Mabuhay ang Salvacion National High School ! ! ! !

 

 

 

 

 

********History updated as of August 14, 2024 **********