Kasaysayan ng Batasan
Ayon sa mga matatanda, ang tawag sa ating baryo noon ay bagtasan sapagkat dito dumadaan ang mga sundalong Hapon. Ang tanging daang ito ang kanilang palaging binabagtas patungo sa mga kabahayan na kanilang sinasakop na lugar. Taong 1941 ng dumating dito ang mga Hapon at kadalasan nilang sinosona ang Barangay Bagtasan. Naging taguan nila noong panahon na iyon ang paaralan sa barangay. Saksi sa pananakop ng mga Hapon ay ang ating paaralan na kung tawagin ay Gabaldon. Ito ay itinayo noong 1912 at ito ay tumagal hanggang taon 1945. Tuluyan ng umalis sa barangay ang mga Hapones nang dumating na ang mga Amerikano.
Sa paglipas ng panahon naging maayos na ang ating baryo. Taon 1953 nahalal na pangulo si Ramon Magsaysay at siya rin ang nagpagawa ng poso na ginamit ng mga naninirahan doon. Pinamunuan ito ni Kapitan Aquino ng Philippine Army kasama ang mga sundalo sa loob ng dalawang buwan. Namayani ang bayanihan sa barangay dulot ng sama-samang pagtulong ng mga tao rito. Sa pagdating ni Pangulong Magsaysay dito sa baryo, pinangalanan na niyang Barangay Batasan ang lugar na inihango niya sa dating pangalan nitong Bagtasan. Di kalaunan ay nagpatayo rin siya ng mga kalsada rito. Hunyo 28, 1908 nang pinagpasyahan ng pangulo na hatiin na sa dalawang baryo ang Batasan. Ginawa niyang boundary ang paaralan. Simula nga noon naitatag na ang Barangay Batasan Bata at Barangay Batasan Matanda. Sa kasalukuyan ang dalawang barangay na ito ay pinamumunuan ng mga sanggunian na nagpapayabong at nagpapaunlad dito.