History of the School
History of the School
The first school built in Longos was made of sawali and nipa hut with four rooms. It was only up to Grade Four. The intermediate pupils had to go either to PlaridelCentralSchool or to PulilanCentralSchool.
In 1951, LongosElementary School became a complete Elementary School and the first graduation exercises took place.
On August 2, 1978, Longos Elementary School changed its name to Marciano del Rosario Memorial Elementary School.
Through the leadership of Dr. Lilia Muñoz the physical aspect of the school was developed, Mrs. Dorcas R. Navarro gave emphasis more on academics and competitions, and Mrs. Angelita R. De Castro tapped and developed the inner potentials of the teachers. Mr. Alex
N. Garcia improved the school site and did his best to make the school no.1 in all aspects. Just like Sir Alex N. Garcia, Mrs. Agnes R. Oronce gave her best to be a good leader in school, to see the full potentials of the teachers and pupils by supervising and support all academic and co-curricular activities. At present, Mrs. Ma. Cecilia J. Pascual the principal of Marciano del Rosario Memorial Elementary School is continuously improving the physical and academic development of the school and its learners.
At present, the teaching force together with the stakeholders work harmoniously for the academic improvement of the learners.
History of Barangay Longos
Ang salitang LONGOS ay nagsimula sa matandang wikang kastila na “Tangos” na ang ibig sabihin ay tumubong lupa o nakausling lupa sa gilid ng ilog.. Kahit ngayon ay makikitang ang nayong ito ay siyang naging likuan ng ilog Plaridel na nagtungo sa kabayanan ng Pulilan, kaya’t sa kahabaan ang lupang nakausli aylumapad na nang lumapad hanggang maging tirahan ng maraming tao. Palibhasa’y angkop ang nayong ito na pagtaniman ng tubo, mais, kamote at iba pa, dahilsa mayaman, mataba at Malabo ang kanyang lupain dahil sa banlik na dala ng tubig kung bumabaha. Mayaman din sa kawayan ang nayong ito. Halos lahat ng mga bahay ay maraming tanim na punong kawayan at mangga.
Ang ilog Angat na tinatawag ng mga tao dito ay masasabing siyang naging daan sa paghiwalay ng Plaridel sa Pulilan. Bagama’t wala pang tulay noon, ang nayong ito ay sakop ng Plaridel. Ang sinumang nagnanais na tumawid sa Plaridel ay dadaan sa tawiran. Ang tawiran ay maliit na tulay na ginawa ng mga tao upang makalipat sa kabilang ibayo ng ilog. Bagama’t binabayaran ang pagdaan sa tawiran ay siya na itong naging tanging daan. Ang ilog ay maluwang, malalim at may malinis na tubig. Maraming isda ang nahuhuli dito, gaya ng dalag, sugpo, hipon, tilapia at iba pang isda na kinagigiliwang kainin ng mga tao. Mayroon ng ulam ang mga tao, mayroon parin silang natitirang pera kung ito ay kanilang ipinagbibili. Ang lahat halos ng kababaihan dito ay sa ilog naglalaba sapagkat malinis ang tubig. Ang mga labandera ay nagbabaon na ng kanilang nilabhan dahil sa malakas na ihip ng hangin at init ng araw sa maghapon. Ang mga bata naman ay masasayang nagsisipaligo at naglalaro sa malinis na tubig sa ilog. Malinaw na malinaw ang tubig sa ilog at napakalakas pa ng agos. Dito na rin kumukuha ng inumin ang mgataong nakatira sa baybayin ng ilog. (noong unang panahon)
At sa kasalukuyan, ang Barangay Longos ay may sukat na 0.77 (sq km) at binubuo ng 3,565 na lalaki at 3,621 na babae na may kabuuang total ng Populasyon na 7,186, ang bilang ng Pamilya ay 2,054 at ang sambahayan o household ay 1,714 ang Barangay Longos ay binubuo ng (7) pitong purok. Gaya ng ibang barangay ay nagdaraos din ang Brgy. Longos ng mga kapistahan tulad ng Mahal na Patron ni San Roque at ito ay ginaganap tuwing ika-16 ng Agosto, ganun din ay nakaugalian na din na magdiwang ng kapistahan tuwing ika-1 ng Mayo.
Ang Barangay Longos ay may 2 pampubliko at 2 pribadong Paaralan. Marami na ding mga establisyemento ang nakatayo sa lugar na ito. Pangunahing hanapbuhay din sa lugar na ito ay ang pamamasada ng tricycle at pamamasukan. At hanggang sa kasalukuyang panahon ay marami halos ito pa rin ang pinagkakakitaan ng ilan sa mga mamamayan dito.