YOU ARE HERE: ABOUT › HISTORY
YOU ARE HERE: ABOUT › HISTORY
KASAYSAYAN NG PAARALANG ELEMENTARYA NG DOÑA ESCOLÁSTICA ALDABA PUNONGBAYAN
Isang pilantropo. tnakatao at makabayan sa katauhan ni G. Sotero Aldaba Punongbayan ang kusang loob na nagbigay ng lupang may sukat na 2,466 metro kwadrado sa rnga mamamayan at mga mag-aaral na pagtatayuan ng paaralan sa Sitio Kabilang Bacood.
Layunin din ng Sangguniang Baranggay nn mapangalagaan ang kalagayan ng mga maliliit sa lugar na Jubos na magiging ligtas at malapit sa lugar na pag-aaralan at maging tahimik ang kalooban ng mga magulang sa kaligtasan ng kanilang mga anak.
Dahil din sa marubdob na pagnanais ni G. Sotero A. Punongbayan na ang pangalan nang kanyang yumaong kapatid ay magkaroon nang mahalagang ala-ala sa lipunan sa habang panahon. kaya't ang nasabing paaralan ay pinangalanang Doña Escolasticsa Aldaba Punongbayan Elementary School.
Sa pamumuno nina Konsehal Danny Santos, dating Kapitan ng Barangay Emerlito Calara, Jose Hilario at ang kasalukuyang Kapitan Cornelio C. Ramos, lider sibiko na si G. Venerando Alcano ay taos-pusong hiniling sa DECS sa parnamahala ni Dr. Fe S. Ventura Ed. D. Schools Division Superintendent ng Bulacan at sa pamamagitan ni Bb. Flor T. de la Cruz. Tagamasid Pampurok at nang Punongguro ng paaralan ng Sta.Rita na si Gng. Zcnaida S. Fernando sa napakahalagang tulong na naibigay ni dating Punongbayan Pag-asa S. Estrella at kasalukuyang Punongbayan Ambrosio C. Cruz.Jr. na ang lupang ipinagkaloob ni G. Sotero Punongbayan ay mapagtayuan ng paaralan na nagsisimula sa unang baitang.
Taos pusong pasasalamat ang ipinaaabot ng mga mamamayan ng Sitio Kabilang Bacood sa mga kinauukulan na ang mahabang panahon nang paghihintay ay nagkaroon din ng katuparan.
Ang nasabing paaralan ay porrnal na pinasinayaan nuong ika-9 nt Setyembre.1999 nina Punongbayan Ambrosio C, Cruar. , G. Sotero A. Punongbayan , Kapitan Cornelio C.Ramos , Tagarnwsid Pampurok Flor T. de la Cruz at mga Punongguro Sa purok Guiguinto. Ang unang silid aralan ay may 28 mag•aaral Sa unang baitang at ang kant guro ay si Bb- Analisa Lomboy. Sa taong pampaaralan 1999-2000 Ang paaralan ay naging stellite Ng paaralang Sta.Rita e/s kya ang punungguro dto ay c Bb.Zenaida Fernando.
Sanggunian :
Gng. Erlinda M. Sava
Lider Sibiko at Dating Guro