LINAO ELEMENTARY SCHOOL: The School that LinES Beyond Progress
It gives me a great delight to welcome you to Linao Elementary School (LinES) Website. We have tried to create an on-screen means that provides all relevant information about LinES, and I hope that as you browse through the contents of this website, you will get a sense of the abundant life at our school.
At LinES, all aspects of educational processes of the Department of Education are carefully contextualized and implemented to cultivate and stimulate the intellectual, social, and personal development of the most important stakeholders at this institution – the LEARNERS. Our learners get the K-12 Basic Education Program, a curriculum designed for their holistic development.
We are about creating a learning institution that is dynamic and constantly seeking excellence to meet the needs of the present as well as the future, while learning from the ethical and value systems of the Linaoeňos. LinES is committed to the complete development of a learner; this includes academic knowledge, social skills, intellectual curiosity. We invest wisely in our human resources for the professional development of our staff and they in turn see themselves as part of the world-wide educational community.
As teachers, parents, stakeholders, it is our commitment to actively engage and share responsibility for developing life-long learners of LinES. With this noble sense of purpose, may I request all teachers, parents, and other stakeholders to join hands as we take LinES to the limelight.
ROWEL T. RONQUILLO
School Principal I
Please be reminded on the following!!!
Staff Meeting
Distribution of Modules
Retrieval of Modules
Home Visitation
Ngayong pandemya, sinamantala ng mga kaguruan ng Linao Elementary School ang maluwag-luwag na panahon at oras sa pamamagitan ng pagsulong ng paghahalamang-gulay upang matulungan ang sariling bulsa at maging ang mga ibang pamilya sa lugar.
Sa pamumuno ni G. Rowel T. Ronquillo, unti-unting naisakatuparan ang hangaring makapagtanim at makapag-ani ng gulay, hindi lamang sa loob ng paaralan kundi mismo pa sa mga mumunting simbahan ng Linao Proper at ng Sitio Cacaluan.
Sikreto ng punong-guro ang maayos na pakikipagkapwa sa mga magulang at mga opisyal ng barangay. Aniya, malaki ang nagagawa kung tayo’y mamuhay na parang magkakapitbahay. Nagtutulungan sa mga simpleng gawain gaya ng paglilinis sa ating harapan na hindi na dapat inaatupag pa ng konseho ng barangay.
Sa unang anim na buwan ng punong-guro sa paaralan ay nakapag-develop siya ng mga halamanan sa mga sulok ng paaralan. Una, ang Silangang bahagi na pinag-anihan ng okra, patola at sitao. Sadyang sinubok nga lang ng panahon sapagkat binaha ito sa kasagsagan ng pamumunga ng mga tanim. Pangalawa, sa kanlurang bahagi na tinirikan ng mga katuray sa likurang ng Grade 3 at 4. Sa likuran ng grade 5 naman ay ginawang bed para iwas-baha ang itinanim na pechay. At sa likuran ng grade 6 ay inayos ang mga nakalaang mga lumang gulong, dinagdagan ng matabang lupa nang matamnan ng patola, cowpea at okra. At, pangatlo, ang bahaging timog ng paaralan na pawang mga pechay ang pinaglaanan.
Samantala, habang hinihintay ang pag-mature ng mga unang itinanim ay nag-extend pa sa labas ang proyektong paghahalaman ng paaralan sa buwang kasalukuyan. Sa pakikiisa ni G. Ronquillo sa mga kabataan, nakapagtanim din sila ng patola, amplaya at okra sa mismong paikot ng Linao Catholic Chapel. At ngayong nakaraang linggo lamang, ay nakapag-develop din ng munting gulayan ang Sitio Cacaluan sa pakikiisa ni G. Ronquillo sa mga kabataan , mga magulang at mga kapanampalataya niya sa lugar.