Makikita sa talahanayan 4 na 44% ang nagsabing mahalaga at 40% ang nagsasabing napakahalaga ang paggamit ng wikang Kapampangan sa pagtuturo ng mga guro samantala nakakuha ng 52% ang pagsulat ng tula sa mahalaga at 29% ang napakahalaga. Sa pagsulat ng sanaysay, 51% ang nagsabing mahalaga at 30% ang nagsabing napakahalaga ang paggamit ng wikang Kapampangan gayundin sa pagsulat ng kwento, 48% ang pinili ang mahalaga at 33% ang napakahalaga ang paggamit ng wikang Kapampangan sa pagsulat.
Mapapansin na mahalaga ang paggamit ng wikang Kapampangan sa mga mamamayan ng lungsod ng Mabalacat partikular sa larangan ng Edukasyon. Ayon kay Nolasco (2010), ang mga bata ay may karapatan na mag-ara at matuto na gamit ang sinusong wika. Ang mga makikita sa tsart ay representasyon na hindi pa tuluyan na nawawala ang wikang Kapampangan ngunit may banta na unti-unti na itong nananamlay. 47% ng mga kalahok ang nagsabi na mahalaga at 21% ang nagsabing hindi gaanong mahalaga ang paggamit ng wikang Kapampangan sa tour guiding samantala sa traffic signs, 40% ang nagsabing mahalaga at 30% ang nagsabing hindi gaanong mahalaga ang paggamit ng wikang Kapampangan. 49% ang pumili na mahalaga na Kapampangan ang local signage at local ordinance, pareho naman itong nakakuha ng 17% na ang tugon ay hindi gaanong mahalaga.
Ang paggamit ng wikang Kapampangan sa mga transaksyon sa mga opisina ng lokal na pamahalaan ay nakakuha ng tugon na 50% na mahalaga at 27% na napakahalaga. Mapapansin na ang mga datos na nakuha sa larangan ng turismo at pamumuno sa pamahalaan higgil sa pagpapahalaga sa paggamit ng wikang Kapampangan ay pinahahalagahan pa rin ang sinusong wika dito sa Mabalacat ngunit nang dahil sa mga salik ng pandarayuhan, social media at ang presensya ng mga Negosyo sa Clark economic zone, nagkakaroon ng panghihina ang wikang Kapampangan sa lungsod ng Mabalacat.
Lumabas sa sarbey ng paggamit ng wikang Kapampangan sa larangan ng sining at kultura na 52% ang tumugon sa pasyon na napakahalaga, 48% napakahalaga na tugon sa senakulo, 42% ang tugon na napakahalaga sa carolling, 59% napakahalaga na tugon sa pagmisa/pagsimba/pagdarasal, 45% ang tugon para sa mahalaga sa patimpalak at 43% ang tumugon na napakahalaga ng paggamit ng Kapampangan sa Painting/Sculting. Ang mga pagpapahalaga sa sining at kultura – Pasyon, Senakulo, Carolling, Pagsimba/Pagmisa/Pagdarasal, Patimpalak at Painting/Sculting ay mahalaga sa mga mamayan ng Mabalacat at patuloy pa rin itong ginagawa gamit ang wikang Kapampangan. Sa social media posting, lumabas na 47% ang nagsasabing mahalaga ang paggamit ng wikang Kapampangan sa pag-post sa facebook, 42% ang tumugon na mahalaga sa Instagram at Twitter, at 45% ang nagsabing mahalaga sa iba pang social networking sites samantala makikita rin sa tsart na 21% sa facebook, 30% sa Instagram, 27% sa Twitter, at 23% sa iba pang social networking sites ang tumugon na hindi gaanong mahalaga ang paggamit ng wikang Kapampangan.
Lumabas sa pag-aaral na bagama’t maraming ang nagsabing mahalagang gamitin ang wikang Kapampangan sa pag-post sa social media ngunit mayroon pa rin tumugon na hindi gaanong mahalaga ang paggamit ng Kapampangan.
Mga mungkahing programang nailarawan sa pagpapahalaga at pagpapanumbalik ng kasiglahan ng paggamit ng wikang Kapampangan sa Lungsod ng Mabalacat?
Batay sa mga sagot ng mga tagatugon sa panayam hinggil sa mga mungkahing programa at kung ano ang naiisip na mga programa, proyekto at aktibidad upang mapahalagahan ang wikang Kapampangan sa lungsod ng Mabalacat, lumabas ang (1) Pagsasanay sa mga guro sa pagtuturo ng sinusong wika, (2) Sustainable Community-based project, (3) Magtatag ng Kapampangan Language and Culture Advocacy sa lokal na Kolehiyo, (4) Pagpatuloy ang paggamit at pagtangkilik ng mga Kapampangan sa sariling wika.
Pinagtitibay ng kasagutan ng tagatugon 1 na kailangan ng pagsasanay ng guro upang maisakatuparan ang MTB-MLE sa mga mag-aaral.
So kailangan isipin din natin, yung pagtuturuin natin ng Kapampangan sa mga paaralan dapat Kapampangan talaga na mismong nakakaintindi sa lenggwahe.
Gayundin, pinatutunayan ng tagatugon 3 na ang kailangan ay isang proyekto na magdaragdag sa lebel ng kamalayan ng mga Kapampangan sa tulong ng pangmatagalang programang pangkomunidad.
Yun ang sinasabi ko kung paano mapahahalagahan, increase the level of awareness through Kapampangan language base programs and that’s the only way.
Ang patuloy na paggamit ng wikang Kapampangan ang higit na makapagpapasigla sa wikang Kapampangan at ito ay sinang-ayunan ng tagatugon 4.
Ang simpleng paggamit sa wikang Kapampangan ay maaaring magsilbing isang matibay na instrumento sa pagpapanday at patuloy na pagpapayabong ng wikang Kapampangan. Maaaring maglunsad ng mga kapana-panabik na programa at proyekto ang pamahalaan nang magalak at manumbalik ang sigla ng mga kabataan sa nasabing wika.
Ang mga tugon ng mga tagatugon sa panayam ay sumasalamin sa kasalukuyang kalagayan ng wikang Kapampangan sa lungsod ng Mabalacat. Mula sa tanong na “Ano ang kalagayan ng wikang Kapampangan sa larangan ng edukasyon, turismo, sining at kultura, pamumuno sa pamahalaan at social media?” lumabas na hindi ginagamit ang wikang Kapampangan sa pang-araw-araw na pamumuhay at mahirap itong gamitin sa mga gawaing panturismo at edukasyon dahil na rin sa walang sapat na pagsasanay ang mga tiyak na magsasagawa nito. Hindi rin ito ginagamit sa social media ng dahil sa makabanyagang presensya nito.
Samantala, lumabas na pangunahing dahilan ng pananamlay ng wikang Kapampangan ay ang hindi paggamit ng mga lokal ng lungsod ng Mabalacat sa sariling sinusong wika at ang pagdayo ng mga indibidwal mula sa ibang lugar upang makapagtrabaho sa Pampanga nang dahil sa presensya ng Clark Air Base. Wala rin kongkretong programa ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Mabalacat at Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng lungsod ng Mabalacat hinggil sa wikang Kapampangan. Ang paggamit ng wika at pagkamalay rito ang pinupunto ng mga tagatugon upang mapanumbalik at mapahalagahan ang wikang Kapampangan ng mga mamamayan ng lungsod ng Mabalacat gayundin ang pagdaraos ng mga programa hinggil sa pagpapayaman ng wika at kultura na hindi lang panandalian kundi pangmatagalan nang maprotektahan ang sinusong wika ng mga Kapampangan partikular sa lungsod ng Mabalacat.
Diskusyon. Ang pag-aaral na ito ay binuod ayon sa mga katanungang inilahad sa sumsunod na layunin ng pag-aaral:
Paano mailalarawan ang iba’t ibang mukha ng pagpapahalaga at pagtangkilik sa wikang Kapampangan sa larangan ng:
Edukasyon,
Lumabas sa pag-aaral na batay sa datos mula sa sarbey, malaking bahagdan ang sumasang-ayon na dapat gamitin ang Wikang Kapampangan sa pagtuturo ng guro sa lahat ng antas at sa mahigpit na implementasyon ng MTB-MLE sa Sangay ng lungsod ng Mabalacat.
Nakita rin sa mga datos na ang paggamit ng wikang Kapampangan sa pagtuturo, pagsulat ng tula, pagsulat ng sanaysay at pagsulat ng kwento ay nakakuha ng pagsang-ayon na kapansin-pansin pa rin ito sa lungsod ng Mabalacat gayundin sa kahalagahan ng paggamit ng wikang Kapampangan.
Turismo, Pamumuno sa Pamahalaan, Sining at Kultura
Mula sa lumabas na datos ng pag-aaral, malaking bahagdan ang sumasang-ayon na dapat gamitin ang wikang Kapampangan sa mga tourist spot, gamitin sa mga aktibidad/programa/proyekto, gamitin sa pakikipag-usap sa mga nasasakupan, gumawa ng programa ang tourism office upang mapanumbalik ang kasiglahan ng wikang Kapampangan at ng ordinansa upang mapanatili ang kasiglahan ng wikang Kapampangan sa lungsod Mabalacat.
Sumang-ayon din ang mga kalahok na napapansin pa rin ang paggamit ng wikang Kapampangan sa tour guiding, traffic signs, local language, local ordinance at transaksyon sa mga opisina ng lokal na pamahalaan ngunit may malaking bahagdan rin ang mga hindi sumang-ayon dito gayundin sa mga sumusunod: Pasyon, Senakulo, Carolling, Pagmisa/Pagsimba/Pagdarasal, Patimpalak at Painting/Sculpting. Samantala, sa kahalagahan naman ng paggamit ng wikang Kapampangan ay lumabas na mahalaga ang paggamit sa wikang Kapampangan sa Turismo, Pamumuno sa Pamahalaan at Sining at Kultura.
Social Media
Lumabas sa pag-aaral na bagama’t maraming ang nagsabing mahalagang gamitin ang wikang Kapampangan sa pag-post sa social media ngunit mayroon pa rin tumugon na hindi gaanong mahalaga ang paggamit ng Kapampangan. Nakita rin sa pag-aaral ang mababang bahagdan ng sumasang-ayon na gamitin ang wikang Kapampangan sa social media.
Ano-ano ang mga gawaing ipinatutupad ng mga paaralan at samahang pangkomunidad sa pagpapahalaga at pagpapanumbalik ng kasiglahan ng wikang Kapampangan.
Mula sa kapansin-pansin na ipinapagamit ang wikang Kapampangan bilang midyum ng komunikasyon sa lungsod Mabalacat, lumitaw ang mga gawaing pampaaralan na sumusunod: Paggamit ng wikang Kapampangan sa pagtuturo, pagsulat ng tul, pagsulat ng sanaysay at pagsulat ng kwento na nakakuha ng 52%, 56%, 52% at 51% na sumasang-ayon na tugon sa mga kalahok ng pag-aaral; kasama sa turismo at pamumuno ng pamahalaan ang sumusunod: tour guiding, traffic signs, local signage, local ordinance at transaksyon sa mga opisina ng lokal na pamahalaan; samantala sa sining at kultura ay ang sumusunod: pasyon, senakulo, caroling, pagmisa/pagsimba/pagdarasal, patimpalak(beauty, singing, dancing at iba pa) at painting/sculpting; at isinaman naman sa larangan ng social media ang sumusunod: facebook, Instagram, twitter at iba pang social networking sites.
Ano ang mga kalakasan at kahinahan ng mga nabanggit na gawain sa pagpapasigla ng wikang Kapampangan?
Ang kalakasan ng mga nabanggit na gawain sa pagpapasigla ng wikang Kapampangan ayon sa mga datos na lumabas at mula sa panayam sa mga impormante ay patuloy at nanatili pa rin ang paggamit ng Kapampangan bilang midyum ng komunkasyon at ang mga gawain nabanggit ay nananatili pa rin na pinatutupad sa lungsod ng Mabalacat.Ang kahinaan na nakikita ng mga impormante ay ang pangingibabaw ng wikang Filipino at Ingles sa mga ibang gawain at proyekto ng lungsod ng Mabalacat katulad na lamang sa tour guiding, traffic signs, local signage at wala pang lokal na ordinansa sa lungsod ng Mabalacat na pinatutupad na dapat ang opisyal na wika ay Kapampangan.
Ano ang kalagayan ng kasalukuyang paggamit ng wikang Kapampangan sa Lungsod ng Mabalacat?
Lumabas sa pag-aaral na ang kalagayan ng kasalakuyang paggamit ng wikang Kapampangan ay may malaking bahagdan pa rin ang gumagamit ng Kapampangan mula sa pakikipag-usap sa bahay, paaralan at establisyamento hanggang sa mga kamag-anak. Gayundin, Nakita rin sa mga datos ang bahagdan ng mga gumagamit ng ibang wika partikular ang Tagalog at Ingles na mas piniling gamitin dahil sa pakikiangkop at akomodasyon ng mga gumagamit at paggagamitan nito.
Ano ang implikasyon ng kasalukuyang kalagayan ng Amang Sinusuan bilang batayan sa patuloy na pagpapahalaga at pagpapanumbalik ng kasiglahan ng Wikang Kapampangan sa Mabalacat, Pampanga?
Ang kasalukuyang kalagayan ng Amang Sinusuan (Sinusong WIka) ang magiging batayan sa paghahanda ng mga programa at proyekto sa patuloy na pagpapahalaga at pagpapanumbalik ng kasiglahan ng paggamit ng Wikang Kapampangan sa Mabalacat, Pampanga.
Kongklusyon
Matapos ang masusing pagsusuri sa mga datos at panayam ng mga kalahok, pagtatahi ng mga opinyon sa mga datos, at pag-uugnay sa mga pag-aaral na isinagawa, ang mananaliksik ay nakabuo ng sumusunod na kongklusyon:
Ang wikang Kapampangan ay patuloy pa rin ginagamit ng mga Kapampangan sa lungsod ng Mabalacat.
Ang aksesibilidad at akomodasyon ng mga Kapampangan at ibang Filipino sa Pampanga ay ang nagiging sanhi ng unti-unting pananamlay ng wikang Kapampangan sa lungsod ng Mabalacat.
Batay sa lumabas na resulta ng pag-aaral, ang tahanan at paaralan ang magiging instrumento sa pagpapanumbalik ng kasiglahan at pagpapahalaga ng mga Kapampangan sa amanung sisuan (sinusong wika) sa lungsod ng Mabalacat.
Malaking bahagi ang mga guro at magulang sa pagkatuto ng mga bata sa sinusong wika at sa pagpapahalaga sa sariling wika, kultura at tradisyon.
Malaki ang bahagi ng lokal na pamahalaan sa pagsulong ng wikang Kapampangan sa lungsod ng Mabalacat sa pamamagitan ng mga paggawa ng ordinansa at mga proyekto/programa/aktibidades na tutugon sa pananamlay ng wikang Kapampangan at patuloy itong pasiglahin.
Ang patuloy na paggamit ng isang wika – partikular ang wikang Kapampangan ang magiging susi sa pagpapasigla at patuloy na pagpapahalaga nito at nang hindi tuluyang manamlay o mamatay ang isang wika.
REKOMENDASYON
Batay sa pag-aaral – sa lumabas na mga datos at kongklusyon ng mananaliksik, iminumungkahi ang sumusunod:
Sa mga sumusunod na gagawa ng pananaliksik na kahalintulad nito, gawing batayan ang kasalakuyang pag-aaral sa pagbuo ng iba pang pag-aaral upang higit na makatulong sa pagsulong ng mga katutubong wika partikular ang wikang Kapampangan.
Mabigyan ng pansin ng Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng lungsod ng Mabalacat ang pangangailangan ng wikang Kapampangan sa kasalukuyan. Bigyan ng trainings at seminars ang mga guro hinggil sa MTB-MLE at sa paggamit ng wikang Kapampangan bilang midyum ng pagtuturo.
Sa tulong ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Mabalacat, bigyan ng proteksyon ang wikang Kapampangan sa pamamgitan ng lokal na ordinansa na poprotekta at magliligtas sa bingit ng pagkawala ng wikang Kapampangan hindi lamang sa lungsod kundi sa buong lalawigan ng Pampanga.
Magkaroon ng Sustainable Community-Based Project na tutugon sa pagpapanumbalik at pagpapahalaga sa kasiglahan ng wikang Kapampangan sa lungsod ng Mabalacat.
Sa mga mamamayan ng lungsod ng Mabalacat higit lalo na sa mga nakatatatanda, gawin ang tungkulin upang mahikayat ang kabataan na gamitin ang wikang Kapampangan at kailangan maipaalala sa mga kabataan na sila ang magpapatuloy na gagamit, tatangkilik, at magpapahalaga ng wikang Kapampangan.
Mga Sanggunian:
Alojipan SC. M. (2016) Can the speakers of Kapampangan and other native languages of the Philippines understand each other?
ANTONIO, J. E. M. (2016). ASSESSMENT ON THE IMPLEMENTATION OF THE MUNICIPAL ORDINANCE NO. 01 S-2011 IN PRESERVING THE CHABACANO LANGUAGEIN SELECTED PRIMARY SCHOOLS IN TERNATE, CAVITE (Doctoral dissertation, De La Salle University).
Bacalla, L. A. (2019) PAGTATAYA NG MTB-MLE: TUGON SA PAGPAPAUNLAD NG IMPLEMENTASYON NG K TO 12 KURIKULUM.
Chrisantha Fernando, Riitta-Liisa Valijärvi, Richard A. Goldstein. (1 February 2010) "A Model of the Mechanisms of Language Extinction and Revitalization Strategies to Save Endangered Languages," Human Biology, 82(1), 47-75
Cruz, J. V. (2020). Towards an Assessment of Kapampangan Language Vitality.
Cruz, P. A. T., & Mahboob, A. (2018). Mother-tongue based multilingual education in the Philippines: Perceptions, problems and possibilities. Plurilingualism in Teaching and Learning, 37-53. Drude, S. (2003). Language vitality and endangerment.
David, R. (2015). Ang Wika bilang Instrumento ng Pambansang Pagpapalaya retrieved from https://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf/article/view/4952
De Guzman, SS. (2018). Kapampangan — a dying language, a serious threat to culture and identity
Del Corro, Anicia . 2000. Language Endangerment and Bible Translation. Paper presented at the UBS Triennial Translation Workshop. Malaga, Spain. June 18–30.
DESIDERIO, A. C. A. (2017). SEMANTIC CLASSIFICATION OF KAPAMPANGAN CLITIC PARTICLES (Doctoral dissertation, UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES).
Drude, S. (2003). Language vitality and endangerment.
ELLI, M. V. C. L. (2012). KAPAMPALOGS: A SOCIOLINGUISTIC PERSPECTIVE.
Garcia, L. L. (2018) The Ingenuity of Kapampangan Novels in the 20th Century.
Isern Neus and Fort Joaquim (2014). Language extinction and linguistic frontsJ. R. Soc. Interface.1120140028
Kitano, H. (2008). Transitivity and pronominal clitic order in Kapampangan. Studies in Philippine Languages and Cultures, 17, 88-97.
Malabonga, R. L. M. (2016). Linguistic Suicide and The Challenges of Heritage Transmission in the Philippines: The Case of the Ayta Alabat Island Language.
Malone, S. (2007, September). Mother tongue-based multilingual education: Implications for education policy. In Seminar on Education Policy and the Right to Education: Towards More Equitable Outcomes for South Asia's Children (2007 Kathmandu).
Medilo, C. G. (2016, October). The experience of mother tongue-based multilingual education teachers in Southern Leyte, Philippines. In International Forum (Vol. 19, No. 2, pp. 64-79).
Muro, D. (2019). Languages Killing Languages: A Rhetorical Analysis of the Media Portrayal of the Struggle between English and Arabic. Ursidae: The Undergraduate Research Journal at the University of Northern Colorado, 5(2), 7.
Nares, J. A. M. REVISITING THE LANGUAGE POLICIES IN THE PHILIPPINES: IMPLICATION TOWARDS INDIGENOUS LANGUAGES.
Oco, N., Syliongka, L. R., Allman, T., & Roxas, R. E. (2016, October). Philippine Language Resources: Applications, Issues, and Directions. In Proceedings of the 30th Pacific Asia Conference on Language, Information and Computation: Posters (pp. 433-438).
Olajoke, A. S., & Oluwapelumi, A. M. (2018). A Study on the Extinction of Indigenous Languages in Nigeria: Causes and Possible Solutions. Annals of Language and Literature, 2(1), 22-26.
Pangilinan, M. R. M. (2009, June). Kapampangan lexical borrowing from Tagalog: Endangerment rather than enrichment. In Eleventh International Conference on Austronesian Linguistics. Aussois, France. http://www. vjf. cnrs. fr/11ical/data/11ical_Pangilinan_Lexical-Borrowing-from-Tagalog. pdf (7 August 2012.).
Policarpio, P. H. (2018) Teaching Grammar Using Localized Instructional Materials among Multilingual Learners.
Tupas, R., & Martin, I. P. (2017). Bilingual and mother tongue-based multilingual education in the Philippines. Bilingual and multilingual education,, 247-258.
Tupas, R., & Martin, I. P. (2017). Bilingual and mother tongue-based multilingual education in the Philippines. Bilingual and multilingual education,, 247-258.
https://www.researchgate.net/publication/258628588_Archival_Research_Methods
(fili7.weebly.com/kasaysayan-ng-pampanga.html).
Websites
https://eric.ed.gov/?id=ED209959
https://www.instructionaldesign.org/theories/conditions-learning/
https://www.coursehero.com/file/p20brq8/Ang-teoryang-kognitib-at-teoryang-innative-ay-magkatulad-sa-maraming-aspekto/
http://introduksyonsapagaaralngwika.blogspot.com/2017/03/kabanata-1_27.html
https://www.pampanga.gov.ph/
https://psa.gov.ph/content/population-region-iii-central-luzon-based-2015-census-population
Batay sa Philippine Statistics Authority – Population of Region III-Central Luzon (2015 Census), ang lungsod Mabalacat ay may 250,799 na populasyon.
https://www.researchgate.net/post/Who-is-Slovin-and-where-and-how-did-the-Slovins-Formula-for-determining-the-sample-size-for-a-survey-research-originated
https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S2590291120300152