Judith C. Singcolan, PhD
Ang modyul na ito ay pinamagatang Ang Dulaang Filipino ay binuo ng awtor batay sa mga impormasyong nakalap at nakuha mula sa aklat nai-publish. May mga impormasyon ding nakuha mula sa mga mapagkakatiwalaang website.Â
Sa modyul na ito na magsisilbing gabay ng mga mag-aaral at guro lalong-lalo na sa pagbuo ng isang gawain may kaugnayan sa pagsulat ng iskrip para sa paghahanda sa mga gawaing panteatro. Mababasa ang pagtalakay sa kahulugan at kasaysayan ng dula para mabalik-tanaw ang lipunang Pilipino mula sa panahon ng katutubo, karanasan ng mga Pilipino sa kamay ng mananakop hanggang sa larawan ng lipunang Pilipino sa kasalukuyang panahon. Inaasahang may malawak nang kaalaman ang mga mag-aaral sa kaligiran ng dula kaya matutunghayan sa modyul na ito ang pagtalakay nang pahapyaw sa paksang ito. Tatalakayin sa aklat na ito ang ang tungkol sa pagbuo ng dulang iisahing yugto (one-act play), maging ang mga pangunahing kaalamang panteatro. Para matamo ito karaniwan sa mga gawaing ibinigay lalo na ang mga pangunahing gawain (major output) ay mabubuo sa pamamagitan ng pagbibigay ng gawain na kung saan ay makabubuo sila ng iskrip, mararanasan din nila ang mga gawain bilang kawani o kasapi ng produksiyon mula sa paghahanda ng iskrip, mga kagamitan hanggang sa pagpili ng kasuotan ng mga tauhan ...