Tinatawag din itong "Ligligan Parul." Ito ay ginaganap tuwing ika-16 ng Disyembre sa San Fernando, Pampanga. Kilala ang San Fernando sa paggawa ng magagandang parol kaya ito ay tinatawag ding "Christmas Capital of the Philippines."
Sa Tagalog
Anilag Festival
Ang Anilag ay nagmula sa mga salitang "ANI ng LAGuna." Ipinagdiriwang ito sa Santa Cruz, Laguna tuwing buwan ng Marso. Ito ay pasasalamat sa kanilang masaganang ani (good harvest) at kilalang produkto sa Laguna. Ito rin ay tinatawag na "Mother of Harvest Festivals."
Pagoda Festival
Ito ay ginaganap sa Bocaue, Bulacan tuwing unang Linggo ng Hulyo. Inaalala rito ang nahanap na banal na krus ng Wawa na nakitang lumulutang (floating) sa ilog ng Bocaue 200 taon na ang nakalipas.
Sa Ilocano
Pamulinawen Festival
Ang "Pamulinawen" ay nagmula sa isang awiting Ilocano na ang ibig sabihin ay "Hardened Heart". Ipinagdiriwang ito sa Laoag, Ilocos Norte tuwing unang linggo ng Pebrero. Ito ay pag-alala sa santong si St. William the Hermit.
Longganisa Festival
Ito ay ginaganap sa Vigan, Ilocos Sur tuwing ika-22 ng Enero. Ipinagmamalaki ng mga Ilocano rito ang kanilang sikat at masasarap na Vigan longganisa.
Sa Pangasinense
Pista'y Dayat Festival
Ipinagdiriwang ito tuwing unang araw ng Mayo sa Lingayen, Pangasinan. Tinatawag din itong "Sea Festival." Ito ay pagbibigay ng pasasalamat sa mga yamang-dagat na nakuha nila mula sa dagat.
Bangus Festival
Ito ay ginaganap sa Dagupan, Pangasinan tuwing buwan ng Abril. Ipinagmamalaki ng lugar na ito ang kanilang masasarap na likas-yamang dagat na bangus.
Sa Bicolano
Peñafrancia Festival
Tuwing buwan ng Setyembre, ipinagdiriwang ang Peñafrancia bilang pag-alala kina Nuestra Señora de Peñafrancia (Our Lady of Peñafrancia) at sa Divino Rostra (Divine Face) . Ito ay ginaganap sa Naga, Bicol.
Magayon Festival
Ito ay ginaganap sa Albay, Bicol tuwing buwan ng Mayo. Ang "magayon" ay mula sa wikang Bikolano na ang ibig sabihin ay maganda. Dito rin nagmula ang alamat (legend) ng bulkang Mayon. Ipinapakita rito ang pasasalamat ng mga tao sa kanilang magandang lugar at masaganang ani.