Panukalang Proyekto sa Pagpapatibay ng Depensa sa Sakuna ng Barangay Barangka, Marikina City
Mula kina Alob, May Nerry at mga miyembro ng Pangkat 6
APEC SCHOOLS
Marikina Heights, Marikina City
Ika-8 ng desyembre, taong 2023
Paglalahad ng Suliranin
Madaling bahain ang Lungsod ng Marikina dahil ito ay isang catch basin mula sa mga bulubunduking lugar ng Rizal. Nakaranas ng baha ang lungsod noong Nobyembre 2020 sa pagsalakay ng bagyong Ulysses, na humantong sa lokal na pamahalaan na magdeklara ng state of calamity. (INQUIRER.net, 2022)
Isa ang Barangay Barangka sa mga barangay sa lungsod ng Marikina na madaling bahain dagdag na rin sa kadahilanang napakalapit ng Barangka sa ilog ng Marikina. Ang tubig sa Marikina River ay nagmumula sa Wawa Dam, Sierra Mountains sa Montalban, Rizal. Ayon sa National Weather Service, ang mga ilog ay umaapaw dahil maraming paraan at sa ating sitwasyon ay dahil sa malakasang pag-ulan, dam failures, at pagbabara ng ilog dahil sa basura kaya hindi umaagos nang maayos. Ang pagbaha at ang mga panganib na dala nito sa kaligtasan ng mga residente na naninirahan dito ang pokus na nais bigyang solusyon.
Sa mga nabanggit na sitwasyon ng barangay Barangka, napukaw ang interes ng mga mag aaral na tumulong sa mga residente kung paano mabawasan ang panganib na dala ng pagbaha sa lugar. Magbibigay ng mga karagdagang kaalaman at magtuturo ng mga paraan ang mga mananaliksik upang makakatulong, kasabay ng hindi pag-gastos ng malaking halaga. Upang maging handa ang mga residente at mabawasan ang panganib ng hindi mapigilan na pagbaha sa Barangka.
Layunin
Naglalayong bigyan tulong ang pagtugon ng barangay officials sa pagiging handa sa mga sakuna sa pamamagitan ng pagbibigay edukasyon o kaalaman pagdating sa ‘’Disaster Management” na may apat na seksyon tulad ng Disaster Prevention, o ang pagmitiga ng iba’t-ibang maaaring maging dahilan ng pagkalala ng sakuna; Disaster Preparedness, pagiging handa sa sakuna; Disaster Response, pagiging handa at pagiging alerto sa hinaharap na sakuna; at Disaster Recovery, o ang pagbangon sa nangyaring sakuna.
Plano ng Dapat Gawin
Ang mga nakasaad na gawain ay ang mga aksyong gagawin ng mga mananaliksik at ang oras na itinakda sa bawat aksyon:
Gawain at Panahon
Pagsasaayos ng mga kailangang dokumentong ipapasa o permisong papel na ipapasa sa opisina ng mga kinauukulan sa Barangka, Marikina City.
Ika-8 hanggang Ika-11 ng Disyembre, 2023
Paglalathala ng mga poster, upang maabisuhan ang mga residente sa mangyayaring seminar paukol sa “Pagpapatibay ng Depensa sa Sakuna”
Ika-11 hanggang Ika-14 ng Disyembre, 2023
Pag-sesetup ng tagpuan kung saan gaganapin ang naturang seminar.
Ika-14 ng Disyembre, 2023
Isagawa ang hinandang seminar sa mga residente ng Barangka, Marikina City.
Ika-15 ng Disyembre, 2023 sa ganap na 2:00 ng hapon.
Isagawa ang hinandang mga aktibidad upang subukan ang mga natutunan ng mga residente ng napiling barangay.
Ika-16 ng Disyembre, 2023 sa ganap na 8:00 ng umaga
Badyet
Ang mga nakalistang mga gastusin ay ang mga kagamitang gagamitin para sa proyekto:
Mga Gastusin at Halaga
Drainage Net 500 sq. meter - PHP7,203
Mga poster at imbitasyon - PHP500
Pagkain - PHP3,000
Mga kagamitan para sa pagtuturo ng paunang lunas - PHP1,000
Kabuuan = PHP11,703
Paano Mapakikinabangan ng Pamayanan/Samahan ang Proyekto
Ang mga aktibidad ay tiyak na may kapupulutang aral ng mga lalahok sa programa. Makikita ng mga residente ang magiging epekto sa pag-gamit ng Drainage Net at inaasahang gagawin nila ito sa pamamagitan naman ng mga recycled na gamit nang mas makatipid. Para naman sa pagiging handa sa pagharap sa sakuna, may pagsasanay ang mga residente sa pagbigay ng paunang lunas. Ang mga residente na mapupukaw ang interes at magnanais pang matuto ng mga aktibidad ay maaari naman lumapit sa DRRM ng Marikina City upang mas mahasa at masanay na maari ay makabuo ng sariling team ng ERT sa kanilang barangay na magiging malaking tulong sa oras ng pangangailangan.