Kami ay naniniwalang ang pagtutulungan ng pamahalaan at ang mamamayan ay isang malaking hakbang patungo sa maayos, at ligtas na komunidad. Bilang bahagi ng hakbang na ito, nag-organisa ang pangkat anim ng isang pulong upang alamin ang mga isyu na kinakaharap ng komunidad na maaaring iugnay sa aming strand (STEM). Bawat aspeto ng usapan ay na-consider mula sa simula hanggang sa pagpili namin ng isang isyu na nais naming magsilbing prayoridad sa aming pagtulong at solusyon."
Ang seksyon na ito ay naglalayong iparating ang mga hinandang talumpati ng pangkat anim. Naglalaman ito ng aming motibo tungkol sa kahalagahan ng paghahanda sa isyung maaaring kaharapin, itatampok rito ang posibleng mga epekto ng hindi pagsasagawa ng preparasyon, at pagbabahagi ng aming nabuong solusyon nang maibsan ang mga nasabing suliranin.
Ito ay naglalaman ng detalyadong Panukalang Proyekto na isinulat ng aming pangkat anim. Kasama rito ang maayos na pagsusuri ng konteksto ng suliranin, malinaw na paglalahad ng layunin ng aming proyekto, tiyak na timeframe para sa pagsasagawa ng proyekto, komprehensibong badyet na kinakailangan, at ang konkretong paraan kung paano makakatulong ang proyekto na ito sa ating mga mamamayan.
Ang aming pangkat ay nagsagawa ng obserbasyon upang maunawaan ang masusing epekto ng mga pangyayari sa mga mamamayan ng Barangka, Marikina City. Sa pamamagitan ng mga kuhang larawan, ipinakikita namin ang malupit na pinsala na dala ng bagyo sa kanilang ari-arian at tirahan. Matatanaw ang pangangailangan ng tulong at suporta para sa mga naapektuhan. Layunin namin na gamitin ang aming dokumentasyon upang magmulat, at humikayat ng pagkilos mula sa ating komunidad.
Sa buong yugto ng aming pagsusumikap sa proyektong ito, mas lalo kaming napagtanto sa kahalagahan ng pagtutulungan ng mamamayan sa pagresolba ng iba't ibang mga problema. Sa pagbabahagi ng aming mga insights, layunin naming mapalalim ang pang-unawa ng komunidad sa kahalagahan ng pagkakaisa at ang potensyal ng bawat mamamayan na maging bahagi ng positibong pagbabago sa ating lipunan.