Pamagat ng sulatin: Pagsugpo sa Panganib na Dala ng Kalamidad sa Barangka, Marikina City
Isinulat ni: Kyle Telan
Uri ng tagapakinig: Mga Mamamayan ng Barangka, Marikina City
Layunin: Maiwasan at Mapaghandaan ang mga Natural na Kalamidad
Paksa: Epekto ng Natural na Kalamidad
Magandang araw sa inyong lahat!
Noong taong 2009, maraming buhay at ari-arian ang nawasak dahil sa Bagyong Ondoy. Halos hindi tayo magkawari kung saan lulugar, kung inyong maala-ala, ang Riverbanks Mall ay halos malubog na dahil katabi ito ng Marikina River. Marami ang nawala at nasirang ari-arian dahil sa pangyayaring ito, simula nito ay mas pinaigting ng ating gobyerno ang pagpapalaganap ng proyekto na mag mimitiga sa gantong mga senaryo. Kung inyo namang natanong, kami ay grupo ng estudyante na nagnanais na tumulong makabawas sa problemang ito.
Sa geograpikal na lokasyon ng ating baranggay, tayo'y malapit sa Marikina River. Para sa inyong kaalaman, galing sa Sierra Madre Mountains in Rodriguez, Rizal province. ang tubig na umaagos sa Marikina River. Maaaring umapaw ang tubig dahil sa overflow, at malakas na bagyo. Kami ay nagisip ng mga solusyon na aming makakayanang ihandog para sa ikabubuti ng ating baranggay. Ang river nets ay mura at maaaring gawin sa pagtutulong tulong ng maraming tao upang maharangan ang mga basurang maaaring humarang sa maayos na daloy ng tubig. Isa pa, kami ay nagnanais na maglayon na magturo ng mga gagawin kung sakaling magkaroon ng natural na sakuna tulad ng First Aid, at pag aassess ng ligtas na lugar upang mabawasan ang casualties na maaaaring mangyari pagdating ng sakuna.
Sa pamamagitan ng ating pagtutulungan, pagbabahagi ng kaalaman, at pagiging disiplinado ay maaari nating matugunan ang bawat problema nating hinaharap!
Pamagat ng sulatin: Negatibong Epekto ng Natural na Kalamidad sa Barangay, Barangka Marikina City
Isinulat ni: May Nerry D Alob
Uri ng tagapakinig: Mga mamamayan sa Barangay Barangka, Marikina City
Layunin: Magbigay ng mga simpleng paaran upang mabawasan ang negatibong epekto ng baha sa komunidad
Paksa: Mga simpleng solusyon upang mabawasan ang negatibong epekto ng pagbaha
Magandang araw po sa inyong lahat!
Sa ngalan ng ating mahal ng barangay Barangka, gusto ko sanang magbigay ng pansin sa isang usapin na malapit sa ating puso at kaligtasan, ito ay ang epekto ng natural na kalamidad at mga solusyon kung paano makakatulong upang mabawasan ang mga negatibong epekto nito. Sa harap ng mga natural na kalamidad, tulad ng pag-ulan na nagdudulot ng pagbaha, nararanasan natin ang masalimuot na epekto nito sa ating barangay. Ngunit sa kabila ng mga pagsubok, may mga hakbang at solusyon tayo na maaaring gawin upang mabawasan ang negatibong epekto nito.
Isa sa mga pangunahing epekto nito ay ang pagkakaroon ng matinding baha na maaaring magdulot ng pagkakawatak-watak ng ating komunidad. Maaaring mawalan ng tahanan, kabuhayan, at kahit ang buhay ng ilan sa ating mga kababayan. Ngunit sa kabila ng mga ito, mayroong mga hakbang na maaari nating gawin upang mabawasan ang pinsalang dulot ng kalamidad.
Unang-una, malalim nating unawain ang epekto ng kalamidad sa ating komunidad. Ang pag-ulan na nagiging sanhi ng pagbaha ay maaring magdulot ng malawakang pinsala hindi lamang sa ari-arian kundi pati na rin sa kalusugan at kabuhayan ng mga residente. Pangalawa, ang pagpapalakas ng koordinasyon sa pagitan ng lokal na pamahalaan at mga komunidad ay kritikal. Pangatlo, mahalaga rin ang pagpapaigting sa kampanya ukol sa hazard awareness at disaster preparedness sa ating komunidad. Sa pangakalahatan, ang bawat isa sa atin ay may papel na ginagampanan sa pagbawas ng negatibong epekto ng kalamidad. Ang pagiging handa, pag-unawa, at pagtutulungan ay mahahalaga upang mapanatili natin ang kaligtasan at kaayusan sa ating komunidad. Sa pagkakaisa at pagkakaroon ng malasakit sa isa't isa, mas mapagtatagumpayan natin ang anumang hamon na dala ng kalamidad.
Maraming salamat po sa pakikinig nawa’y marami kayong natutunan!
Pamagat ng sulatin: Mga Epekto at Paghahanda sa Natural na Kalamidad sa Komunidad ng Barangka, Marikina City
Isinulat ni: Gian Emmanuel Bendiola
Uri ng tagapakinig: Mga residente at mamamayan ng Barangka, Marikina City
Layunin: Makapagbigay kaalaman patungkol sa paghahanda at epekto ng bagyo sa kanilang komunidad
Paksa: Talumpati tungkol sa Paghahanda at Epekto ng Bagyo sa napiling Komunidad
Magandang araw! Ako po ay nasa harapan ninyo lahat ngayon upang magsimula ng talakayan patungkol sa ilang mahahalagang bagay, kaalaman, at pangyayari. Hindi lingid sa inyong kaalaman na inyong komunidad ay isa sa mga laging naaapektuhan at napipinsala ng mgaa dumaraang bagyo dahil sa mabilisang pagtaas nang ilog ng Marikina. Ang dahilan ng pagpunta namin dito’y upang magbigay kaalaman at ng mga dapat gawin upang sa gayon ay mapaghandaan ang paparating na natural na kalamidad na bagyo.
Una, kailangan nating alamin kung papaano mapaghahandaan ang paparating na bagyo sa inyong komunidad. Kung kayo’y direktang maaapektuhan nang paparating na bagyo’y dapat na kayo’y magkaroon nang isang bag kung saan naroroon ang mga mahahalagang gamit na makakatulong sa oras nang pangangailangan. Ilan sa mga dapat na nilalaman nito’y ang mga delatang pagkain, tubig, flashlight at pito, pera, mga mahahalagang dokumento, radyo at baterya, at ilang mga damit.
Ang isa sa mga nakakaapekto sa lalong pagpapalala nang pagtama ng isang bagyo ay ang mga baradong estero’t kanal sa mga komunidad. Ang proyekto at plano na aming nais gawin ay ang paglalagay nang mga drainage net sa mga estero’t kanal sa komunidad ninyo. Ang layunin nito’y mapigilan na mapunta sa ilog at bumara ang mga basurang ito at mapadaling makolekta upang maitapon sa tamang basurahan. Ito’y gawa sa nylon na materyal kung saan ito’y matibay.
Ang huli ay ang paghahanda sa paparating na bagyo. Bago ito dumating at tumama sa inyong komunidad, siguraduhing hindi maluwag at matibay ang mga pundasyon at bubong nang inyong bahay. Siguraduhing wala ring mga liliparin na mga bagay-bagay sa labas nang inyong bahay. Kung kayo’y direktang maaapektuhan nang bagyo ay nirerekomenda namin na kayo’y lumikas na sa mas maagang panahon at dalhin ang mahahalagang mga kagamitan at dokumento. Maraming salamat sa pakikinig sa aming munting pagpupulong at pag-uusap patungkol sa mahalagang usapin at talakayan na ito. Nawa’y mayroon kayong natutunan at nagkaroon nang dagdag na kaalaman sa usaping ito.