Barangka Youth DRRR Pangkat 6
F.Bautista St., Ugong, Valenzuela City
Buwanang Pulong ng mga Opisyales
Nobyembre 17, 2023
APEC Schools Marikina Heights
Layunin ng Pulong: Mga Solusyon sa Epekto ng Natural na Kalamidad sa Barangay Barangka Marikina City
Petsa/Oras: Nobyembre 17, 2023, 11:40 AM - 11:47 AM
Tagapanguna: Carlos Rafael Supan
Bilang ng mga Taong Dadalo: 5
Mga Dumalo: Alob, May Nerry D.
Bendiola, Gian Emmanuel C.
Navarro, Dion Symond R.
Telan, Kyle Q.
Liban: Wala
Pagbubukas ng Pulong
Sa ganap na alas 11:40 ng umaga ay pinasimulan ni Carlos Rafael Supan ang pulong sa pamamagitan ng pagtawag sa atensyon ng lahat. Nagpapakilala ang mga dumalo.
Sinimulan na rin ang pagsusuri ng layunin ng pulong.
Pagtukoy at Pagsuri ng Problema ng Komunidad
Isinuri ang mga problemang kinakaharap ng bawat barangay. Ibinahagi ni Gian ang sitwasyon sa Marikina Heights. Inilahad din ni Dion ang kanyang plano para sa Concepcion Dos. Nag pahayag si Kyle ukol sa pangangalaga ng pamahalaan. At bilang karagdagan, si May Nerry ay nagbigay-diin sa problema ng pagbaha sa Barangay Barangka.
Pagbasa at Pagpapatibay ng Nagdaang Katitikan ng Pulong
Naging sentro ng talakayan ang mga suhestyon at plano para sa Barangay Barangka. Naging bahagi ng diskusyon ang mga posibleng solusyon sa pagbaha. Suhestyon ni Gian ay ang paglalagay ng drainage net sa mga estero at dumagdag naman ng suhestyon ni Kyle ay ang pagsasagawa ng seminar ukol sa paghahanda sa bagyo.
Pagtatapos ng Pulong
Si Calel nagbigay ng pahayag hinggil sa positibong direksyon ng pulong.
Pagtatapos ng pulong at pangako ng pagsasagawa ng mga susunod na hakbang.
Iskedyul ng susunod na Pulong:
Nobyembre 22, 2023 sa online group chat sa ganap na ika-10:00 ng umaga.
Inihanda at isinumite ni:
May Nerry D. Alob
Kalihim