Madumi, nangangamoy, at puno ng basura. Iyan ang naging estado ng mga ilog dito sa lungsod ng Las Pinas. Hindi natin maikakaila na may mga taong sadyang pinapabayaan ang kanilang mga basura kung saan-saan. Ito ang puno’t dulong rason kung bakit ang mga ilog ay naging isang imburnal na puno ng basura. Sa lagay na ito, sinong mag-aakala na ito ay posibleng magbago?
Sa pamamagitan ng pagsusumikap, at pagkakaisa ng mga miyembro at boluntaryo ng aming programa—muling nabigyan ng buhay ang kagandahang taglay nito. Noon, na kung saan ay nakalubog na ang mga basura’t halaman, nangingitim na kalidad ng tubig, at nakakasulasok na amoy tuwing tayo ay lumalapit, ay siyang umusbong muli.
Ang proyektong ito ay isang patunay na ang pagbabago ay nagsisimula sa atin. Tayo–na may kakayahang gumawa ng desisyon mula sa pagkakalat ng basura o pagtatapon nito ng maayos; pagtulong sa komunidad; at pagkukusang-gawa na makilahok sa mga programang pang-kalikasan. Subalit, ang ilog ay hindi lamang isang ilog, ito’y ating likas na yaman.