Dacunos sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2021 ng USANT JHS Department: “Bigyan muna nating pansin at prayoridad kung ano ang mayroon satin”
Isinulat ni: Erica Mae C. Naron
Dacunos sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2021 ng USANT JHS Department: “Bigyan muna nating pansin at prayoridad kung ano ang mayroon satin”
Isinulat ni: Erica Mae C. Naron
Bilang pagbibigay halaga sa ating pambansang wika at mga katutubong wika ng Pilipinas, nagsagawa ang departamento ng USANT Junior High School ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2021 na mayroong temang “Filipino at mga wikang katutubo sa dekolonisasyon ng pag-iisip ng mga Pilipino” ngayong ika-31 ng Agosto, taong 2021.
Ayon kay Dr. Marinelle Dacunos, susing tagapagsalita sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2021 ng USANT JHS Department sa kaniyang panayam ukol sa tema, “Hindi masama na matuto tayo sa unibersal na wika at gamitin ito, lalong lalo na sa usaping globalisasyon. Subalit, hindi dapat marapat lamang na bago natin tunguhin ang pagnanais na paunlarin ng ating sarili at ang kaisipang kanluranin, bigyan muna nating pansin at prayoridad kung ano ang mayroon satin, lalong lalo na ang mga yaman at pamana ng lahing kayumanggi na unti unti nang naglalaho.” binigyang diin rin ni Dr. Dacunos ang pag tangkilik ng mga produkto, dialekto, at kulturang Pilipino.
Kaugnay ng pagdiriwang, ay ang pagsasagawa ng departamento ng USANT Junior High School ng mga paligsahan, sa pamumuno ng departamento ng Filipino katuwang ang SGF. Ang mga patimpalak na naisagawa noong mga nakaraang araw ay ang pagsusulat ng Spoken Poetry, Art Contest, Sanaysay, Masining na Pagkukuwento, Vlog, Singing Contest, Tigsik, Tiktok Dance at Wikarambulan na sinalihan ng mga mag-aaral ng Junior High School mula sa SSC at Non-SSC.
This is the official website of the Yraga / Amudyong School Publication of the USANT Junior High School Department. Here you can get the freshest news delivered to you by the USANT JHS's campus journalists. You can access information at the tip of your fingers.