BUWAN NG WIKA 2020 UMARANGKADA ONLINE
By: Gia Margarette Olea
By: Gia Margarette Olea
POSTER BY: Student Government Federation
Bilang pagkilala sa wikang Filipino, isinagawa ng departamento ng Junior High School ng University of Saint Anthony ang Buwan ng Wika 2020 na may temang “Wika ng Kasaysayan, Kasaysayan ng Wika ANG MGA KATUTUBONG WIKA SA MAKA-FILIPINONG BAYANIHAN KONTRA PANDEMYA” ngayong ika-dalawampu’t walo ng Agosto.
Kaugnay sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, nagkaroon ng iba’t ibang patimpalak na nilahokan ng mga mag-aaral mula sa ika-pito hanggang ika-sampung baitang. Ang mga paligsahang idinaos ay ang Pagsulat ng tula at Sanaysay, Masining na Pagkukuwento, Pagbigkas ng Tula (Spoken Poetry), Art Contest, at ang Wika Rambulan.
Sa Pagsulat ng Tula na nilahokan ng labing-isang mag-aaral galling sa iba’t ibang baitang, na sinuri nina Bb. Lenie C. Altar at Bb. Venus J. Saballero, ay nakamit ni Angelo Briñas ng 9-Ipil ang unang gantimpala, pangalawang gantimpala ang nakuha ni Jazmine Nacario ng 10-Aquamarine at si Rizelle Monge ng 9-Lauan naman ang nakatanggap ng pangatlong gantimpla.
Mula sa dalawampu’t walong kalahok na mula sa iba’t ibang baiting ay nasungkit ni Gechelle Murillo ng 10-Garnet ang unang gantimpala sa Pagsusulat ng Sanaysay na sinuri nina G. Sandy Carl Iraola at Bb. Ma. Theresa Mae Borje. Nakamit ni Vinelle Alea Magistrado mula sa 9-Lauan ang pangalawang gantimpala at si China Bernales ng 10-Garnet ang nakakuha ng ikatlong gantimpala.
Ang mga nagwagi naman sa Masining na Pagkukuwento mula tatlumpong mag-aaral na lumahok sa paligsahang ito ay sina Anthony Lorenz Francia ng 10-Ruby na nagkamit ng unang gantimpala at si Jessica Danielle Dorosan mula sa 10-Amethyst ang nakasungkit ng ikalawang gantimpala. Sinuri ang paligsahang ito nina Bb. Joan M. Juanillas, Bb. Krizza Delos Santos at Bb. Ma. Theresa Mae Borje.
Mula sa pitong lumahok sa paligsahang Pagbigkas ng Tula ay nakamit ng mag-aaral mula sa 9-Acacia ang unang gantimpala na si Ganther Coronel at ang pangalawang gantimpala na nakamit ni Alessa Mae Praxides ng 9-Lauan na sinuri ng mga guro na sina Bb. Jociemer Hosana at G. Jenri O. Azuela.
Nahati naman sa dalawang kategorya ang Art Contest kung saan ay merong Poster Making at Digital Poster Making. Ang mga nagwagi sa Poster Making ay sina Paul Rafael Cariso ng 10-Antimony na nakakuha ng unang gantimpala, pangalawang gantimpala naman ang nakamit ni Shenin Barotella ng 9-Acacia at si Quinn Casey Lee ng 10-Ruby ang nagkamit ng ikatlong baiting. Samantala si Jude Jenson DV. Orbon ng 10-Amethyst ang nakasungkit ng unang gantimpala sa Digital Poster Making, habang nakuha ni Ashley Gabrielle Cortez Aguila ng 7-Bluebird ang pangalawang gantimpala at napasa-kamay rin ni Rea Paz Rombaon mula sa 8-Bougainvillea ang ikatlong gantimpala.
At ang huling paligsahan, ang Wika Rambulan na nilahokan ng mga mag-aaral ng SSC mula sa ika-pito hanggang ika-sampung baiting. Nasungkit ng mga mag-aaral mula sa 10-Diamond ang mga gantimpala sa paligsahang ito. Si Bianca Lorraine B. Corporal ang nagkamit ng unang gantimpala, pangalawang gantimpala ang nakuha ni Gid Anne Lanada at nakamit ni Juan Carlos Cornelio ang pangatlong gantimpala.
“Ang ating wika nawa’y patuloy na magsilbing salamin at kaluluwa sa pagkakaisa. Ito ang magbubuklod sa atin sa ganitong krisis kung kaya’t ating payabungin at gamitin natin. Hiling ko ang ating kaligtasan at makabuluhang pagdiriwang ng Buwan ng Wika Online.” Iyan ang mensaheng tinuran ng ating ginagalangang punong-guro na si Gng. Francia T. Buffe.
Gayunpaman, nagpahayag rin ng kanyang saloobin sa naganap na pagdiriwang ang tagapamuno ng Departamentong Filipino na si G. Jenri O. Azuela, “Ito ay bago sa atin. Hindi kaswal na paraan nang pagdiriwang ng Buwan ng Wika subalit hindi tayo magpapatinag sa pandemyang ito upang hindi patuloy na mabigyan nang pagpapahalaga ang Wikang Filipino. Nakakatuwala dahil sa kabila ng online na selebrasyon ay marami pa ring mag-aaral ng USANT-JHS ang nagbabahagi ng kanilang husay sa iba’t ibang paligsahan. Nagpapakita na tayo’y nagkakaisa sa kalasag ng bansa ang wikang Filipino. At ito ay nagbibigay galak sa lahat ng patuloy na nagmamahal sa wikang atin.”
Samantala ito rin ang kanyang panghihikayat na mensahe sa kabataan upang maging dalubhasa sa wikang Filipino, “Gawing punyal ang sarili wika laban sa sumasakmal na pagdududa sa iyong pangarap. Ang pagpapahalaga sa wika ay hindi para sa wika lamang kung hindi sa iyong pagkatao’t pagkakakilanlan. Payabungin natin ang sariling atin at gawaing intelekwalisadong wika ang Filipino. Gamitin natin ito, pagtibayalin upang patuloy na magsilbing kalasag ng bansa at tayo bilang sandigan ng wikang Filipino. Wala nang sasarap pa sa pagbibigay ng iyong serbisyo para sa wikang Filipino.”
Ang kaganapang ito ay isinagawa ng Kagawaran ng Filipino at ng Student Government Federation (SGF), ang pangunahing organisasyon ng departamento ng USANT JHS at tungo sa FB Live ng SGF naganap ang pagsasara ng pagdiriwang.
This is the official website of the Yraga / Amudyong School Publication of the USANT Junior High School Department. Here you can get the freshest news delivered to you by the USANT JHS's campus journalists. You can access information at the tip of your fingers.