Araw ng Kagitingan: Ang Walong Dekadang Pag-alala
Ni: Kherstine Jhoy C. Tabuzo
Araw ng Kagitingan: Ang Walong Dekadang Pag-alala
Ni: Kherstine Jhoy C. Tabuzo
Layout By: Christine Anica B. Batalla
Walumpung taon na ang nakalipas ng mangyari ang pagbagsak ng Bataan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig na kung saan libu-libong mga Pilipino ang walang awang pinalakad ng mahigit isang daang kilometro. Marami ang nagutom, nagsakripisyo at namatay.
Ang Araw ng Kagitingan o “Bataan Day” ay ipinagdiriwang tuwing buwan ng Abril. Sa buwang ito, inaalala ang pagiging magiting ng kapwa nating mga Pilipino at mga Amerikanong sundalo kahit na maraming pagsubok ang kanilang pinagdaan. Ang karamihan sa mga nakipaglaban at tumulong upang hindi agad tayo masakop ng mga Hapon ay mga simpleng tao lamang tulad ng mga magsasaka at estudyante. Sa katunayan, ang Pilipans ang huling bansa na sumuko at nasakop ng bansang Hapon. Bumagsak lamang ang Bataan noong isinuko ni Komandante Heneral Edward P. King Jr na siyang pinuno ng puwersa ng Luzon sa Bataan. Isinuko niya ang mahigit 76,000 na mga sundalo na sobra ng gutom at ang iba pa nga ay mayroon ng sakit sa mga Hapones. Ang mga sundalong ito ay pinalakad mula sa Mariveles, Bataan hanggang sa San Fernando, Pampanga. Sa paglalakad na ito, marami ang namatay dahil sa gutom at mula pa sa mga pananakit ng mga walang awang Hapones.
Sa araw na ito, inaalala hindi lamang ang pagbagsak ng Bataan. Inaalala natin ang pagkakaroon ng matibay na paninindigan ng mga Pilipino, huwag lamang masakop ang Pilipinas ng mga bansang gusto ng napakalaking kapangyarihan. Kahit na marami na ang nagkakaroon ng karamdaman, hindi ito alintana upang ipaglaban nila ang ating bansa. Bilang isang Pilipino, ang paggunita natin tuwing ika-siyam ng Abril ay napakahalaga dahil ipinapakita natin na kahit marami mapait na karanasan ang mga Pilipino noong Ikawalang Digmaan, tayo ay hindi nakakalimot sa mga ginawa nila sa ating bansang Pilipinas.
This is the official website of the Yraga / Amudyong School Publication of the USANT Junior High School Department. Here you can get the freshest news delivered to you by the USANT JHS's campus journalists. You can access information at the tip of your fingers.