Mama
Mama
Naalala ko pa ang mga araw nung tayo ay magsisimba.
Gigising ng maaga, aayusan mo pa, saka palang pupunta sa misa.
Pagkatapos ng misa derecho sa talipapa.
bibili ng gulay pang ulam, sinigang o nilaga.
Pagdating sa hapon, maglalaro sa labas.
"Magingat ka anak, baka ka madulas"
Nadapa, naiyak, inyong pinatahan.
Kinarga, binaba, inasikaso ang batang nasugatan
Pagpasok sa bahay, may lutong mirienda.
Lumabas ang ngiti, nawala ang mga luha.
Basta luto ni mama, amoy palang masaya ka na.
Tuwing gabi'y inyong paliliguan, pupulbuhan, at bibihisan.
"Mag-gatas ka muna dahil mabuti iyan"
Paiinumin ng gatas upang magkaron ng lakas.
Pagtulog ng mga bata, oras na para sa kanyang drama.
Dun magtatapos ang ating gabi
At sa panalangin sa dilim kayo po ay palaging kasama pa rin
Lahat ng iyon ay nagiba,
Mula ng makapasok ng sekondarya.
Ang layo sa piling ng aking lola.
Namiss ko pagaruga ng aking mama.
Pasensya na, ma, di ko po kayo makasama.
Pagbalik sa Maynila, tuloy parin ang pagaruga.
Naku, mama, namiss kita!
Puno ang hapag ng pagkaing luto ni lola
Ngiting maliwanag salubong niya
Kaya salamat, Panginoon, sa aking mama.
Siya ang nagtuwid sa aking landas.
Siya ang nagturo ng pagibig na wagas
Pagkat minahal niya ako ng buong puso at walang takda.