SC sa Bagong Normal: Mga Opisyales, Itinalaga
ni Kaleah Dominique Sy (10A) | Oktubre 2, 2020
Pormal nang ipinakilala ang mga itinalagang bagong opisyales ng Konsehong Pangmag-aaral para sa panuruang taon 2020-2021 gamit ang PCC Student Council - Main Campus Facebook Page noong Setyembre 20, 2020.
Sa taong ito, si G. Leonard C. Catubay, guro sa Senior High School ang tagapayo ng konseho at ang mga natatanging mag-aaral na mga opisyale ay ang mga sumusunod:
Pangulo: Katrina Mae Ching (12C-STEM)
Pangalawang Pangulo: Hiraya Marcos (12B-HUMSS)
Kalihim: Gorgeous Ivana Lim (12C-STEM)
Katuwang na Kalihim: Kirsten Chloe Lim (11C-STEM)
Ingat-Yaman: Jade Allison Teng (12C-STEM)
Direktor ng mga Programa: Abbygail Wills Ching (11A-ABM)
Katuwang na Direktor ng mga Programa: Qing Qing Cai (8B)
Direktor ng mga Gawaing Pangmedya: Hazel Lao (12B-HUMSS)
Direktor ng Isports: Vaughn Timothy Yongco (12B-HUMSS)
Katuwang na Direktor ng Isports: Mitchell Myron Tiu (11A-ABM)
Direktor ng Outreach Program: George Marianne Kiongson (10A)
Katuwang na Direktor ng Outreach Program: Zachary Loa (9A)
Direktor ng Kapakanang Pangmag-aaral (Ingles): Angeline Cristel Pua (12B-ABM)
Katuwang na Direktor ng Kapakanang Pangmag-aaral (Ingles): Rigel Kent Solomon (7A)
Direktor ng Kapakanang Pangmag-aaral (Chinese): Denise Chelsea Li (12B-ABM)
Katuwang na Direktor ng Kapakanang Pangmag-aaral (Chinese): Richard Shao (10B)
Walang naganap na halalan sa taong ito. Ang pagsukat sa kakayahang mamuno at mga katangian ng isang mabuting mag-aaral ang naging batayan upang piliin ang mga kakatawan sa mga mag-aaral. Kasama sa mga pinagpilian ay ang mga opisyales ng SC noong nakaraang taon at ang mga kasalukuyang pangulo at pangalawang pangulo ng bawat klase.
Sa isang panayam kay Katrina Ching, lubos siyang nagagalak na maatasang maging pangulo ng SC sapagkat para sa kanya ito ay indikasyon na may tiwala ang paaralan maging ang mga kapwa mag-aaral sa kanya bilang isang lider.
“Ngayong birtwal ang ating pag-aaral, higit na nabawasan ang mga bagay na maaari naming gawin ngunit gagawin pa rin namin ang lahat upang masulit ang taong ito. Kami ay gagawa ng mga proyekto gaya ng mga outreach activity at nagpaplano rin magsagawa ng mga E-sports event para sa mga mag-aaral. Alam kong lahat tayo’y may laban na hinaharap dahil sa pandemiyang ito, kaya ang nais ko lamang sabihin ay hindi kayo nag-iisa dahil nandito lang kami upang maging inyong kaibigan at boses ninyo ngayong taon. Sana’y bumuti na ang sitwasyon ng mundo upang tayo’y magkita-kita na sa hinaharap.” Dagdag pa ni Katrina Ching.