Pinid-Selebrasyon ng Buwan ng Wika 2021, isinagawa:
Dekolonisasyon ng mga Pilipino, binigyang diin
ni Janelle Xu (11A - HUMSS) | Setyembre 2, 2021
ni Janelle Xu (11A - HUMSS) | Setyembre 2, 2021
Bilang pagtatapos sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2021 na may temang “Filipino at mga Wikang Katutubo sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino”, isinagawa ang isang pinid-selebrasyong programa noong Agosto 31, 2021 sa ganap na ika-12:30n.t. sa pangunguna ng Kagawaran ng FilSocMATLE na dinaluhan ng mga mag-aaral sa sekondarya at mga empleyado ng buong paaralan.
Sa pagbubukas ng programa, nagkaloob si Dr. Polly W. Sy, pangulo ng paaralan ng kanyang bungad-bati para sa lahat na kung saan ipinalitaw niya ang kahalagahan ng pagkilala sa pagiging isang Pilipino. Ayon sa kanya, “Ipakita at pagyamanin pa ang inyong pagiging Pilipino (lalo na sa mga mag-aaral) hindi lamang sa salita kundi maging sa gawa.”
Sa programa, naghandog ng natatanging bilang sina Gng. Leslie Anne D. Aton at Gng. Wishane O. Tan. Umawit si Gng. Aton ng mga awiting “Pagbangon” at “Awit ng Wika”, samantalang tumula naman si Gng. Tan na pinamagatang “Inang Wika, Ikaw ay Sapat” na kanyang sariling likha.
Nagpakitang gilas din ang mga piling mag-aaral sa sekondarya sa pamamagitan ng pagpapakita ng talentong taglay ang kasanayang Filipino sa iba’t ibang patimpalak sa tulong ng kanilang mga guro sa Filipino, Gng. Aileen G. Reyes at Bb. Sheila Marie Reyes. Nilahukan ng mga mag-aaral sa baitang pito hanggang siyam ang Balagtasan, nakiisa sa Gandang Pinas sa Tiktok ang mga mag-aaral ng baitang 10 at 11, Talumpatian at Pagbuo ng Islogan gamit ang Baybayin naman sa mga mag-aaral ng baitang 12.
Matapos ang naging pagsusuri ng mga inampalan, kinilala at pinarangalan ang mga nagwagi. Sila ang mga sumusunod:
Patimpalak na Balagtasan
Unang Puwesto - James Gabriel Bag-id, Charles Chong, at Selene De Leon (9B)
Ikalawang Puwesto - Rigel Kent Solomon, Sofia De Leon, at John Celtiel Sy (8A)
Ikatlong Puwesto - Denise Nicole Co, Khenzie Dhaneisha Go, at Kathrina Pua (8B)
Patimpalak na Gandang Pinas sa Tiktok
Unang Puwesto - Stephanie Go (11C-STEM) at Mary Angel Pugao (10A)
Ikalawang Puwesto - Genielyn Joyce Sy (11A-HUMSS)
Ikatlong Puwesto - Aspen Zanchi Kang (10A)
Patimpalak na Talumpatian
Unang Puwesto - Angelyn Shanly Ganipan (12C-STEM)
Ikalawang Puwesto - Micaella Ashley Gonzales (12C-STEM)
Ikatlong Puwesto - John Raphael Teng (12C-STEM)
Patimpalak na Pagbuo ng Islogan gamit ang Baybayin
Unang Puwesto - Clark Angelo Siao (12C-STEM)
Ikalawang Puwesto - Nancy Kyla Lu (12B-ABM)
Ikatlong Puwesto - Pauline Anne Cortes (12A-ABM)
Lubos ang naging pasasalamat ni G. Daryl B. Teves, Tagapag-ugnay ng Kagawaran ng FilSocMATLE sa naging tagumpay na pagdiriwang, mula sa programa ng pasinaya, Lola Basyang Serye, Birtuwal Pinoy, at sa Pinid-Selebrasyon.
“Baunin nawa natin ang esensya ng mga pagdiriwang ngayong Agosto upang hindi masayang ang programang ito. Huwag nating isara ang sarili sa ideyang may pagkakilanlan ang lahing Pilipino. Yakapin natin ang iba bilang paraan ng pagpapayabong, hindi para limutin, bumaba ang tingin, at tanggalan ng puwang ang pinalilitaw ng kinatatayuan nating nasyon.” ang huling pahayag na binitawan ni G. Teves sa kanyang pangwakas na mensahe.