Mga PCCian, nagbigay-handog ngayong pandemya
Mga PCCian, nagbigay-handog ngayong pandemya
ni Jeanine Garcia (12B - HUMSS)| Abril 30, 2021
Sa pangunguna ng mga mag-aaral ng Baitang 11-Humanities and Social Sciences (HUMSS) at G. Harold Leobrera, isinagawa ang isang proyektong Extending Hands: A Donation Drive Project noong Abril 16, 2021 bilang kahingian ng kursong Community Engagement, Solidarity, and Citizenship.
Sa tulong ng mga mag-aaral ng Baitang 11-Accountancy, Business and Management, nakapagkaloob ng mga gamit na kailangan sa panahon ng pandemya, gaya ng face masks, face shields, alcohol, at sabon sa mga mag-aaral ng Narra Daycare Center at mga dyanitor, drayber, at security guard ng PCC.