BUWAN NG WIKA 2025: PINAGTIBAY NG WIKANG FILIPINO AT MGA KATUTUBONG WIKA
by DING, Angelica Laurice D.L. (9B) | November 02, 2025
by DING, Angelica Laurice D.L. (9B) | November 02, 2025
TONDO, Manila - Alisunod sa Proklamasyon Blg. 1041 na nilagdaan ni dating pangulong Fidel V Ramos, muling nakiisa ang Philippine Cultural College (Manila) sa taunang pagdaraos ng Buwan ng Wika na may temang “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.” Ang nasabing pagdiriwang ay nahati sa tatlong malalaking programa. Ito ay ang mga Pasinaya, Pista sa Nayon, at Pinid Selebrasyon.
Pormal na sinimulan ng Kagawaran ng FILSCOMATLE ang Buwan ng Wika noong Agosto 1, 2025 sa PCC Awditoryum. Inawit ng mga PCCians ang Lupang Hinirang nang buong puso. Ito ay sinundan ni Gng. Wishane O. Tan bilang tagapagdaloy ng programa. Ang kaniyang mensahe ay mas pinagtibay pa ng isang video presentation na naglahad ng tulang pinamagatang “Inang Wika, Ikaw ay Sapat.” Ang tulang nabanggit ay nagsasalaysay ng pagpapahalaga at pagmamahal sa wikang Filipino.
Binigyang-diin naman ni Dr. Sining M. Kotah, ikalawang pangulo ng PCC (Manila), na ang wika ay susi sa makabagong panahon at tulay sa pagkakabuklod ng mga Tsino-Pilipino mula noon hanggang sa ngayon.
Pinakilala ni Bb. Sarah Banzon ang panauhing pandangal na si Dr. Joel C. Malabanan. Si Dr. Malabanan ay isang propesor ng Pamantasang Normal ng Pilipinas. Siya ay isang manunulat, mang-aawit, at bihasa sa wika, partikular na sa pagtatahip-dunong, at baybayin. Gamit ang kaniyang gitara, pag-awit, at bilis ng isip, binigyan ni Dr. Malabanan ang mga PCCians ng isang talakay-tanghal. Tinalakay niya ang pagpapaunlad ng Wikang Filipino, kultura at impluwensya ng mga katutubong wika, at kahalagahan ng gawaing Tsino-Filipino. Naipunto rin niya ang sosyo-kultural na kahalagahan ng wika pagdating sa kaugalian hindi lamang sa pop culture, kung hindi sa pang-araw-araw na pakikisalamuha sa mamamayang Pilipino. Sa kanyang pagtatapos ay kaniyang inawit ang sariling obra na may pamagat na “Awit ng Mother Tongue.”
Umawit naman si G. Stephen Allen M. Dy, guro mula sa Kagawaran ng Agham, ng kaniyang sariling rendisyon ng “Canto Patriotico de Maria Clara.” Ang awitin ay ang pinakatanyag na obra ni Juan de Hernandez. Ang liriko ay mula sa librong Noli Me Tangere kung saan ito ay inawit ni Maria Clara sa kaniyang mga kaibigan habang sila ay kumakain sa tabing ilog. Ang awiting bayan ay sumasalamin sa pagmamahal at pagbibigay kahalagahan sa Inang Bayan.
Ang mga patimpalak sa bawat baitang ay inilahad ng Punong Kawani ng Kagawaran ng FILSOCMATLE na si Gng. Leslie A. Aton.
Baitang 1 - 3: “Munting Lakan at Lakambini”
Baitang 4 - 6: “Madamdaming pagkukwento”
Baitang 7 - 9: “Obra Dula”
Baitang 10 - 12:“Sabayang Pagbigkas”
Ang mga patimpalak ay pinaghandaan ng mga gurong-tagapayo at guro sa Filipino. Siyang tunay na ang wikang Filipino ay tunay na sumasalamin sa bayanihan na matagal ng kultura ng mga Pilipino.
Noong ika-29 ng Agosto 2025, idinaos ang ikalawang bahagi ng Buwan ng Wika mula sa ikatlo hanggang ikaapat na koridor ng Philippine Cultural College (Manila). Ang Pista sa Nayon ay taunang pista ng Kagawaran ng FILSOCMATLE kasama ang mga gurong tagapayo at mga mag-aaral na maghanda ng mga pagkaing Pilipino sa hapag mesa. Ito ay isang salu-salo ng kasaysayan, pagkakakilanlan, at patuloy na pag-unlad ng mga pagkaing Pilipino.
Sa isang makulay at masaganang pagdiriwang, hindi maiwasang mapukaw ang atensyon ng mga PCCians habang inihahanda ang iba’t ibang klase ng pagkaing Pilipino mula sa mga pampagana hanggang sa panghimagas. Ilan lamang sa mga inihanda ay adobo, Filipino-style spaghetti, at palabok. Mayroon ding kakanin at sorbetes na nasilayan noon at maaaring bago sa panlasa ng mga PCCians.
Ang Pista sa Nayon ay naglalayong ipakita na isa sa mga instrumento ng paglaganap ng wika ay ang pakikipag-palitan ng mga pagkain ng ating mga ninuno. Dahil sa pakikipagkalakalan, hindi lamang pagkain o kagamitan ang nakalakal, kung hindi ang paghahabi ng iba’t ibang wika ng bansa.
Layunin ng Pista sa Nayon na muling itampok at bigyang-pugay ang mga pagkaing naging bahagi na ng ating pang-araw-araw na buhay at kasaysayan. Ito rin ay isang hakbang upang higit pang mapalaganap ang kaalaman at pagpapahalaga sa ating sariling pagkain, lalo na sa mga kabataang unti-unting namumulat sa globalisadong mundo ng pagkain. Sa huli, ang Pista sa Nayon ay isang mas malalim na paggunita at pagkilala sa kahalagahan ng pagkaing Pilipino bilang bahagi ng ating pambansang pagkakakilanlan.
Sa pagtatapos ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, matagumpay na isinagawa ang isang makabuluhang programa na may temang: “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.” noong ika-3 ng Setyembre 2025. Bagamat naudlot ang pinid selebrasyon dulot ng matinding pag-ulan at pagkansela ng klase, ipinagpatuloy ito ng bawat kalahok at kawani ng PCC nang may nag-aalab na damdamin. Ang pinid selebrasyon ay nahati sa dalawang bahagi. Ang umagang pinid selebrasyon ay dinaluhan ng mga mag-aaral mula sa baitang 1 hanggang 6, habang ang panghapon na pinid selebrasyon ay pinagpatuloy ng mga mag-aaral sa baitang 7 hanggang 12 sa bulwagan ng Philippine Cultural College (Manila).
Para sa pang-umagang programa ng baitang 1 hanggang 6, sina Damien Wilson Sze (6A) at Michaela Rochelle Co (6B) ang tagapagdaloy ng programa.
Ang mga mag-aaral mula sa baitang 1 hanggang 3 ay nagsuot ng makukulay na resiklong kasuotan. Sila ay sina:
Baitang 1A: Eason Huang at Amanda Zilin Shi Baitang 2B: Jhonny Cai at Elaine Ly
Baitang 1B: Tyler Griffin Lozano at Celestine Alli Huang Baitang 3A: Ian Francis Lim at Sendy Wang
Baitang 2A: Liwi Rain Huang at Hailey Mikee Tan Baitang 3B: Kyla Wang at Javarri Lucien Chen
Ang mga hurado para sa resiklong kasuotan ay sina: Gng. Genevieve Sanchez ng Opisinang Pangdisiplina, Gng. Grace Marasigan ng Kagawaran ng Kindergarten, at Gng. Mary Grace Corcuera ng Kagawaran ng Agham at GMRC. Ang mga nanalo ay sina:
Unang Gantimpala: Ian Francis Lim (3A) at Kyla Amelia Wang (3B)
Ikalawang Gantimpala: Javarri Lucien Chen (3B) at Hailey Mikee Tan (2A)
Ikatlong Gantimpala: Liwi Rain Huang (2A) at Sendy Wang (3A)
Dagdag pa nito, ang mga mag-aaral ng baitang 4 hanggang 6 ay nagtanghal ng isang madamdaming pagbasa gamit ang mga malalaking pambatang aklat (big book). Sila ay sina Kylie Madison Lim-kit (4A), Margaux Lily Ong (4B), Sabrina Macadato (5A), Xhian Timothy Yao (5B), Chen Li (6A), Maegan Ong (6B).
Ang mga hurado para rito ay sina: Gng. Glenda Sia ng Kagawaran ng Ingles at Edukasyong Pagpapakatao, G. Jeric Siringan ng Tanggapan ng Ikalawang Pangulo, at ang panauhing hurado na si Bb. Pinca Abbygale Castillo. Ang mga nanalo ay sina:
Unang Gantimpala: Maegan Ong (6B)
Ikalawang Gantimpala: Sabrina Macadato (5A)
Ikatlong Gantimpala: Chen Li (6A)
Natapos ang unang bahagi ng Pinid Selebrasyon nang nakangiti ang mga batang nagantimpalaan, gayundin ang mga napili ng mga administrador at guro na may pinakamagandang baro at saya.
Sa ikalawang bahagi ng programa, pinangunahan nina Gng. Wishane at Gng. Najito ang pagbubukas ng programa bilang mga tagapagdaloy. Kanilang tinalakay ang pagbabago ng panahon at wika, na nagpapakita kung paano umusbong ang wika kasabay ng pagbabago ng lipunan, isang paalala na ang wika ay buhay at patuloy na maunlad.
Muling bumalik sina Gng.Wishane at Gng.Najito upang ipabatid ang Obra Dula na itinanghal ng mga mag-aaral mula baitang 7 hanggang 9, tampok ang mga klasikong akdang pampanitikan tulad ng: Ibong Adarna, Florante at Laura, at Noli Me Tangere
Bago magsimula ang pagtatanghal, tinawag ni Gng.Wishane si Bb.Banzon upang ipaliwanag ang mga pamantayan at ipakilala ang mga hurado. Ang mga naging hurado para sa Obra Dula ay sina G. Jeric Siringan, at ang mga panauhing hurado na sina G. Daryl Teves, at Bb. Pinca Abbygale Castillo.
Matapos ang masiglang pagtatanghal ng Obra Dula, sinundan ito ng Sabayang Pagbigkas na nilahukan ng mga piling mag-aaral mula sa Baitang 10 hanggang 12. Muling bumalik sina Gng. Wishane at Gng. Najito upang ipakilala ang patimpalak at bigyang-linaw ang layunin nito bilang pagpapalakas sa kakayahan ng mga mag-aaral sa kolektibong pagpapahayag gamit ang wikang Filipino.
Bago ang pagsisimula ng paligsahan, ipinaliwanag ni Gng. Aileen Reyes ang mga pamantayan sa paghusga at ipinakilala ang mga hurado para sa Sabayang Pagbigkas. Ang mga nagsilbing hurado ay sina Dr. Sining M. Kotah, G. Jeric Callanta ng Kagawaran ng Sipnayan at Kompyuter, at G. Daryl Teves.
Nagbigay ang bawat grupo ng kanilang buong husay sa pagbigkas. Tumindig ang mga mag-aaral sa entablado na may kasamang sabayang kumpas, ekspresyon, at tinig na puno ng damdamin.
Kasunod nito ay ang patimpalak ng “Pagpili ng Huwarang Kasuotang Pilipino,” kung saan ipinamalas ng mga mag-aaral ang kanilang pagmamalaki sa kasuotang
Pilipino sa pamamagitan ng makukulay, makasaysayan, at malikhaing pananamit.
Limang lalaki at limang babae ang pinili mula sa hanay ng mga mag-aaral na nagpamalas ng pinakakaaya-ayang kasuotan at wastong pagdadala ng mga ito sa entablado. Sa gitna ng masigabong palakpakan, inihayag ang mga nagwagi sa patimpalak:
Ang bawat kalahok ay nagpakita ng pagkamalikhain at paggalang sa tradisyon sa kanilang mga kasuotan na baro’t saya. Ang mga nagwagi ay binigyan ng mga sertipiko at munting regalo bilang pagkilala sa kanilang pagsisikap.
Sa huling bahagi ng programa, inanunsyo ni Gng. Aton, tagapayo ng FILSOCMATLE, ang mga nagwagi sa mga patimpalak na Obra Dula at Sabayang Pagbigkas.
Para sa Obra Dula, ang mga nagwagi ay ang mga sumusunod na baitang:
Kampeon: Noli Me Tangere (9A)
Ikalawang Pwesto: Ibong Adarna (7B)
Ikatlong Pwesto: Florante at Laura (8B)
Samantala, para sa Sabayang Pagbigkas, ang mga nagwagi ay ang mga sumusunod na baitang:
Kampeon: 12A
Ikalawang Pwesto: 10A
Ikatlong Pwesto: 12B
Sa pagwawakas, isang taos-pusong pasasalamat ang inilahad ni Gng. Aton. Sa kabila ng mga nagdaang pagkaudlot ng mga programa ay patuloy pa ring nakilahok ang buong kinatawan ng PCC, mula sa mga mag-aaral, guro, kawani, at lalong-lalo na sa mga magulang na nakiisa na palaganapin at paigtingin pa ang paggamit ng wikang Filipino hindi lamang sa pakikipagtalastasan, kung hindi sa pagningas ng sining ng Pilipinas.
Written by: Ding, Angelica Laurice D.L. (9B)
First Review: Mr. Stephen Allen M. Dy, L.P.T.
Second Review: Mrs. Peggie T. Gan
Third Review: Dr. Sining Marcos Kotah
Images by: Shiloh Bagunu, Jasmine Aileen Co, Yinkun Chen, Ms. Jolyn Muyot, and Mr. Stephen Allen M. Dy, L.P.T.