Why Rules Matter: A Lesson from the Senate and Its Relevance to Local Governance
HUNYO 7, 2026 8:00 PM PHT
Venice Jolipas
Why Rules Matter: A Lesson from the Senate and Its Relevance to Local Governance
HUNYO 7, 2026 8:00 PM PHT
Venice Jolipas
Kamakailan lamang, agaw atensyon ang pagwalk-out ng senate minority—na ngayo'y senate majority—dahil sa isang importanteng isyu ngunit nakakaligtaan na aspekto ng demokrasiya: ang pagsunod sa mga alituntunin.
Iba-iba man ang mga opinyon ng mga netizens tungkol sa pag-walkout ng dating senate minority, ipinaaalala naman nito na ang legislative rules ay hindi lamang technicalities, kundi safeguards upang protektahan ang democratic participation at pagpreserba ng credibility of institutions.
Alam mo ba, na hindi lamang sa senado isinasagawa ang ganitong proseso, kundi pati na rin sa Pamahalaang bayan ng Calamba?
The Role of Rules in Every Legislative Body
Mapa Senate, House of Representatives, Provincial Board, Sangguniang Panglungsod, o Sangguniang bayan man, rules serve the same purpose: mabigyan ng patas at tamang proseso sa pamumuno.
Ang mga tuntunin ay nagsisilbi ring pananggalang upang ang mga pagpapasya ay hindi lamang nakabatay sa dami ng bilang o impluwensiya ng mga personalidad. Itinatag nila ang mga prosesong pinagkakasunduang sundin ng lahat ng kasapi, anuman ang kanilang partidong pampolitika o kinabibilangang grupo.
Ito ang dahilan kung bakit may pagpupulong ang Sangguniang Panglungsod ng Calamba na pinangungunahan ni Vice Mayor Totie Lazaro pati na rin si Congresswoman Cha Hernandez bilang representative ng Calamba lone district. Ang bawat amyenda, batas, o programang isinusulong ng bawat konsehal ay dumaraan sa mga itinakdang pagbasa—Kaya may 1st, 2nd and 3rd reading pa bago maaprubahan.
Kaya minsan tumatagal—kailangan pa ng sapat na bilang ng boto upang maaprubahan, dahil tandaan, ang magiging desisyon ng mga pulitiko ay may malaking epekto sa pamumuhay ng bawat Pilipino.
Lessons for the Sangguniang Panlungsod
Bilang mga kasapi ng Sangguniang Panlungsod, sila ay kumikilos ayon sa kanilang Internal Rules of Procedure at sa mga umiiral na batas. Ito ang nagpapatibay sa integridad ng konseho, tumutulong sa mapayapang paglutas ng mga hindi pagkakaunawaan, at nagsisiguro ng mas balanse at responsableng pamahalaan para sa mamamayan.
Democracy Requires Both Majority Rule and Minority Rights
Ipinapakita ng pangyayaring ito na ang demokrasya ay hindi lamang nakabatay sa kapangyarihan ng mayorya. Mahalaga rin ang papel ng minorya sa pagtatanong, pagsusuri, at pakikilahok upang matiyak ang mas bukas na talakayan at mas maayos na pagpapasya.
Moving Forward
Ipinakikita ng mga pangyayari sa Senado na ang paggalang sa mga tuntunin ang nagpapatatag sa mga institusyon. Sa Sangguniang Panlungsod, ang pagsunod sa wastong proseso ay mahalagang pundasyon ng mabuting pamamahala at demokratikong pagdedesisyon.
Sila ang mga hinalal natin upang protektahan ang boses ng bawat mamamayan. Trabaho nila ang tumutol kung may mas mahihirapan na mahirap, sumigaw para sa mga walang kakayanan, at sundin ang batas upang ipaglaban ang kapakanan ng nakararami, hindi para sa kanilang pansarili.