Pundasyon ng Pagbabago, Tara na’t Magparehistro!
ENERO 27, 2026 4:00 PM PHT
Venice Marie Nagpala
ENERO 27, 2026 4:00 PM PHT
Venice Marie Nagpala
Maging matalino. Magparehistro. Bumoto. Alamin ang mga hakbang at at kahalagahan ng pagiging isang rehistradong mamamayan.
Nasaan nga ba ang daan patungo sa pagbabago? Panahon na upang tumindig ang bawat mamamayan at buong tapang na ihayag ang kanilang mga boses sa pamamagitan ng isang balota. Nasa kamay rin nating mamamayan ang solusyon sa mga problemang ating nararanasan—gaya ng paglobo ng presyo ng bilihin kasama ng pagkakaroon ng mababang sahod.
Sa simpleng sama-samang pagkilos at paggamit ng karapatan upang bumoto, makakamit ng bayan ang pagbabagong tunay nilang inaasam. Ngunit, bago ang lahat, isa ka na bang rehistradong botante?
Hakbang sa kaunlaran
Maaari kang magparehistro bilang isang botante sa Commission on Elections (COMELEC) sa City Hall ng Lungsod ng Calamba. Dito maaaring magparehistro ang mga bagong botante, mag-update ng kanilang impormasyon, o kaya’y i-reactivate ang kanilang rehistro.
Mangyari na lamang na pumunta sa opisina at magdala ng kahit anong valid ID na may litrato at tahanan ng magpaparehistro—tulad ng Driver’s License, Passport, Postal ID, Student ID, o Employee ID.
Sa aktuwal na proseso, kinakailangangsuriin ng Election Officer ang iyong CEF-1 application form, kaakibat ng pagsasagawa ng biometrics capture na kinabibilangan ng litrato, fingerprint, at pirma. Kapag nasuri na ng Election Officer, makatatanggap ang applicant ng stub bilang patunay na success ang pagpaparehistro.
Upang maging qualified sa pagpaparehistro, nararapat na ikaw ay isang:
Mamamayang Pilipino
Hindi bababa sa 18 taong gulang sa araw ng halalan
Nanirahan sa Calamba City nang hindi bababa sa anim (6) na buwan
Access granted
Dahil bukas na ang Voter Registration ng para sa Barangay at SK Elections 2026, nagsulong na ng Satellite Voter Registration, na kung saan ang pagpaparehistro ay lalapit na mismo sa inyong mga barangay. Mas magiging accessible na, at wala nang pwedeng i-dahilan pa para hindi ka magparehistro.
Gaganapin ang Satellite Voter Registration mula January 23 hanggang February 28 sa mga karatig barangay. Narito ang schedule ng pagpaparehistro.
January 23-24, 2026 – Brgy. San Cristobal (Brgy. Hall)
January 30-31, 2026 – Brgy. Kay-Anlog (Brgy. Hall)
February 6, 2026 – Brgy. Bagong Kalsada (Brgy. Hall)
February 7, 2026 – Brgy. Laguerta (Brgy. Hall)
February 14, 2026 – Brgy. Mayapa (Brgy. Hall)
February 17, 2026 – Brgy. Lecheria (Brgy. Hall)
February 18, 2026 – Brgy. Sirang Lupa (Brgy. Hall)
February 21, 2026 – Brgy. Bubuyan (Brgy. Hall)
February 24-27, 2026 — Brgy. 1, 2, 3, 5 consecutively (Brgy. Hall)
February 28, 2026 – Brgy. Barandal (Brgy. Hall)
Boses ng mamamayan
Hawak natin ang susi sa pagbabago, kailangan lamang itong gamitin nang tama. Hindi dapat isinasantabi ang pagpili sa mamumuno. Ito ay isang proseso na tunay na binibigyan ng oras at masusing pag-iisip, mula sa pagsisimula ng magparehistro hanggang sa matalinong pagpili ng tamang iboboto.
Ika nga ng ating Vice Mayor Angelito “Totie” Lazaro, “Magparehistro tayo. No need to explain why—every single vote matters. Be part of the change. Let’s restore the people’s trust in our government.” Tayo ay makilahok at makibahagi sa pagpaparehistro, sapagkat ang ating boses at boto ay ang tunay na pundasyon ng pagbabago.