In Service, With Love: VM Totie's 5 love languages for Calambeños
ENERO 30, 2026 10:00 AM PHT
Venice Marie Nagpala
In Service, With Love: VM Totie's 5 love languages for Calambeños
ENERO 30, 2026 10:00 AM PHT
Venice Marie Nagpala
Hindi lang tuwing buwan ng Pebrero—sa araw-araw na serbisyo, ipinapakita ni VM Totie ang limang love language sa mga Calambeño.
Papalapit na ang buwan ng Pebrero at ramdam na naman ang kaliwa’t kanan na kilig at pagmamahalan. Masasaksihan natin ang iba’t iba love languages sa kanilang partner, family, o kahit sinong mahal sa buhay—may mga magbibigay ng chocolates, letters, and flowers.
Pero para kay Vice Mayor Angelito “Totie” Lazaro, hindi na kailangan pang maghintay ng Valentine’s Day para ipakita ang pagmamahal. Sa araw-araw niyang paglilingkod, naipaparamdam niya sa mga Calambeño ang limang love languages. Ano-ano nga ba ang mga ito?
Acts of Service: Hindi maipagkakaila ito ang pinaka love language ni VM Totie. Sa hangarin niyang mailapit ang serbisyo sa lahat ng Calambeño, patuloy siyang nagsasagawa ng mga programa—lalo na direktang nag-aabot ng tulong sa mga nangangailangan. Pinangungunahan niya ang mga medical missions, feeding programs, at iba pang anyo ng tulong.
Quality Time: Maging chika man o mahalagang agenda, palagi siyang naglalaan ng oras upang makasalamuha ang bawat mamamayan. Aktibo rin siyang nakikipag-ugnayan sa mga barangay at iba’t ibang sektor ng komunidad, kasama ng buong-pusong pakikinig at pagpapahalaga sa hinaing ng mga Calambeño.
Words of Affirmation: Syempre hindi pwedeng mawawala ang assurance. Sa bawat pagkakataon, ipinapahayag ni VM Totie ang kaniyang malasakit sa mga Calambeño sa pamamagitan ng mga simpleng ngunit makabuluhang mensahe. Hindi rin siya nakakalimot magpasalamat, lalo na sa patuloy na suportang kanilang ipinapakita. Sa kanyang mga pahayag, palagi niyang ipinapaalala na may lider na handang makinig at sumuporta.
Gift Giving: May okasyon man o wala, patuloy na nagbibigay si VM Totie ng mga handog o regalo, na para bang isang Santa Claus ng serbisyo. Laging bukas ang Vice Mayor’s Office (VMO) upang mag-abot ng tulong—mula sa financial assistance, medical at hospitalization assistance, hanggang sa guaranty letters. Sa pamamagitan din ng mga outreach programs na isinasagawa sa iba’t ibang barangay, nararamdaman ang tunay na diwa ng malasakit sa Calambeños.
Physical Presence: Sa oras ng pangangailangan, siya ay laging nandiyan. Sa pagharap ng mga problema tulad ng bagyo at iba pang sakuna, personal siyang bumibisita sa mga naapektuhan at nag-aabot ng tulong. Sa tuwing may nangangailangan, siya ang tunay mong maaasahan—dahil hindi siya nawawala sa tuwing kailangan siya ng mga Calambeño.
Ngayong darating na Pebrero, paalala na palaging may nagmamahal at nagmamalasakit sa iyo—hindi ka nag-iisa. May lider na handang maglingkod, maglaan ng oras, magbigay ng tulong, maghatid ng mga mensaheng nagbibigay-gaan sa loob, at laging nandiyan para sa bawat Calambeño. Ikaw, anong love language mo?