Ube-lievably Yam-azing: How ube conquered the world one bite at a time
HUNYO 29, 2026 5:00 PM PHT
Jadegero Roque
Ube-lievably Yam-azing: How ube conquered the world one bite at a time
HUNYO 29, 2026 5:00 PM PHT
Jadegero Roque
Manny Pacquiao? Lea Salonga? 7641 islands? But wait, there’s more in the Philippines!
Tanyag ang Pilipinas sa sandamakmak na islang matatagpuan sa arkipelago nito, sa mga makukulay na selebrasyon, sa mga mamamayang masayahin, at sa likas na pagmamahal ng mga Pilipino sa paparating na panahon ng kapaskuhan. Ngunit, isang panghimagas na #proudlyfilipino ang patuloy na umuusbong at nakikilala ng buong mundo—ang napakasarap na ube.
Tubong Pilipinas, at ilan pang bansa sa Southeast Asia ang ube o “Purple Yam” na kilala sa scientific name na Dioscorea alata. Madalas maihalintulad sa kamote o “Sweet Potato” at parehong paborito ng karamihan, ngunit nasa magkaibang pamilya ng halaman ang dalawa.
Nagmula sa Dioscoreaceae o Yam family ang Ube samantalang galing naman Convolvulaceae o Morning Glory Family ang kamote.
Galing naman sa natural antioxidants na “anthocyanins” ang kaakit-akit na kulay lila ng Ube, kaparehong pigment na nagbibigay-kulay sa blueberry.
Kamakailan lamang ay lumaki ang international demand para sa ube, sa tulong na rin ng social media platforms na pinangunahan ng Estados Unidos, Japan, at United Kingdom. Pinakasikat naman na putahe ang ube halaya na siyang tinaguriang “queen of filipino desserts”, na siyang pinakuluang ube na hinaluan ng gatas, butter, at asukal.
Malaking tulong din sa paglago ng demand sa ube ang mga Filipino-owned bakeries, and restaurants abroad na silang patuloy sa pagpapakalat ng nakabibighaning lasa ng ube.
Kasalukuyang pinapaigting ng Department of Agriculture (DA) ang produksyon ng ube sa pamamagitan ng Bureau of Plant Industry and the High Value Crops Development Program, na siyang naglaan ng 60,000 planting materials na sumentro sa lugar ng Leyte at Bicol.
Naglaan din ang DA ng Php 93 million para sa Research and Development ng pagpaparami sa produksyon ng ube kastuwang ang University of the Philippines Los Baños.
Bagama't tumutubo rin ang ube sa iba pang tropikal na bansa tulad ng Indonesia, ang mga Pilipino ang nagbigay rito ng natatanging pagkakakilanlan sa pamamagitan ng ating sariling recipes. Sa loob ng maraming henerasyon, naging mahalagang bahagi ng mga handaan, pista, Pasko, at iba pang espesyal na okasyon ang ube.
Tunay na ube-lievably yam-mazing ang ube na higit pa sa isang halamang-ugat. Marahil Ito rin ay naging simbolo ng kultura, pagkamalikhain, at pagmamalaki ng mga Pilipino na marapat na mas lalo pang makilala sa buong mundo.